Panimula

155 3 0
                                    



      Malamig na simoy ng hangin ang nagpapatindig sa mga balahibo ng isang babaeng naglalakad mag-isa sa madilim na kakahuyan. Nagbigay kilabot ang bawat tonog na yapak na gawa niya at ang halinghing ng mga kuliglig. Tanging liwanag lamang ng mabilog na buwan ang siyang umaninag sa magaspang at mabato-batong daan na kanyang nilakaran.

      Bagaman, makahoy ang daraanan ay katapat naman nito ang paaralan ng Elementarya na lugar na iyon. Ngunit tahimik na ito wala ng katao-tao. Wala na ring dumaraan masyado rito tuwing gabi dahil walang mga ilaw at nakakatakot dahil isa itong minteryo noong panahon pa ng pananakop ng mga kastila at hapones. Kaya, walang nagtatangkang dumaan dito maliban na lang kung maggrupo.

     Ngunit dahil wala na siyang choice kundi ang dumaan dito dahil ito lang naman ang nag-iisang daan patungo sa kanilang tahanan. Kung kaya't matapang na tinahak ang nakakatakot na daan makahabol lang sa Amang nag-aagaw buhay na.

     Nagsimula ng manginig ang buong katawan niya. At bawat hakbang na gawin ay tela may batong nakapatong sa mga paa niya dahil sa bigat nito. Huminga ng malalim at pilit niyang pinakalma ang sarili dahil nilaro lamang siya ng sariling ilusyon upang siya'y matakot. Ayaw niyang magpadala sa sariling katha dahil mas lalo lamang siyang matatagalan at baka hindi na makaabot sa pinakamamahal na Ama.

       Ngunit talagang inabala siya ng panahon at niyanig ang kanyang damdamin nang biglang nagliwanag sa 'di kalayuang room. Kunot-noo niya itong nilingon dahil sigurado naman siyang walang katao-tao roon. At mas nakakatindig balahibo pa nang mag-ingayan sa loob nito na tela hinila-hila ang mga mesa at silya. May mga pagpupukpok rin sa bubong at mas lalo siyang nanginig nang idamba ng malakas ang pinto.

      Walang tao, ngunit patay bukas ang mga ilaw. Lumakas ang kalabog sa loob ng room na iyon at wala namang tigil ang panginginig niya habang nakatingin sa room. Ibinalik nalang niya ang paningin sa daan at humakbang ulit upang magpatuloy kahit pinapawisan na siya sa sobrang kaba. Pilit na nilabanan ang sariling takot ngunit may biglang dumamping malamig na hangin sa magkabila niyang tenga at bumulong.

      “S-Sino kayo?” nanginginig ang boses na tanong niya. “Pinagtitripan n'yo ba ako? Lumabas nga kayo, d'yan!”

     Ngunit laking gulat lang ang  nagpapipi sa kanya nang lumitaw sa kanyang harapan ang samo't saring maligno na nakakatakot ang mga hitsura.

     “Waaaaaaaaahhhhh!!!!!”

     Malakas na sigaw ng babae at tuling tumakbo. Nag-ugungan naman ang mga maligno at hinabol ang babae. Ugong na nakakatinding balahibo.


~Ipagpatuloy...



©All Right Reserved @Princess Jee






Bario Sanib||Published By 8lettersWhere stories live. Discover now