Kabanata I

96 1 0
                                    


     “Maligayang pagdating ulit ninyo dito sa Bario Sanib!” bati n'ung matandang lalaki na may mataas na  puting bigote. Nakasout ito ng kamisetang kusot animo'y hindi pa naplantsa mula simula at maluwag na pantalong kulay mag-atas na pinalumaan na sa kakalaba.

     “Maraming salamat po sa mainit ninyong pagtanggap sa amin, Tiyo Canor!” masayang sambit ni Anthony sa kausap. “Sa inyong lahat, maraming salamat talaga.”

     “Naku, walang anuman, Anthony.” ani naman n'ung may edad na ring babae na nakalugay lang ang mahabang kulot na kulot na buhok at animo'y hindi pa nasubukang iparebond. “Masaya kaming lahat na maninirahan na kayo dito. Diba mga kapamilya?” masayang baling niya pa sa mga kasamahang nagkukumpulan animo'y mga Marites dahil nagbubulungan pa ito habang matalas ang mga matang nakatingin sa pamilyang bagong dating.

     Napatingin naman si Eyah, ang bunsong anak ni Anthony na mausyuso rin kahit sa edad niyang limang taong gulang. Iniisa-isang tiningnan ng bata ang bawat anggulo ng mga taong nakapaligid sa kanila. Napagmasdan niya ang hitsura ng mga ito na tela kakagising pa dahil tela walang hilamos.

     Naakit ang atensyon ng bata kay Mang Canor na ngayon ay maaksyon pang nagsalita animo'y nagtuturo ng martial arts sa mga kausap. Nandidiri pa ang bata nang tumalsik sa braso niya ang laway ni Mang Canor. Hindi naman masyadong maarte si Eyah ngunit nakita niya itong dumura kanina ng pula ang laway. Inakala tuloy ng bata na may sakit na TB ang matanda.

     “Nadagdagan na naman tayo ng bagong kapamilya, ano?” usal pa n'ung matandang babae ulit.

     “Naku, hindi talaga kayo magsisi na dito na kayo maninirahan, Anthony. ” sabat pa n'ung isa na namang babae na maikli ang buhok. “Makikita na talaga kita araw-araw!” biro pa nito na may halong landi.

     “Hoy, mahiya ka naman d'yan, Dorinna. May asawa't anak na ang ex mo, oh!” suway naman n'ung may edad na ring lalaki.
“Babaeng 'to! Pinakasalan na nga kita't lahat, 'di pa rin makamove on.”

     “Hahahaha!” tawanan ng lahat.

     “Si Pronio naman, oh. Naninibugho, akala mo gwapo!”

     “Buwahahahahaha!!!” malakas na tawa ni Mang Canor saka umubo dahilan upang dumura ito.

     “Mom! Can we go now? I want to wash my arm.” biglang bulong ni Eyah na kumalabit pa sa ina.

     “Oh, my gosh, Eyah! Where the hell you took it?” gulat na bulong ng Ate niya na si Solley. “Y-You Wounded?”

     “No! I'm—” sabay baling kay Mang Canor na tumatawa pa rin kahit inatake na ng ubo. “From those freaking Dork!” bulong niya sa Ate.

     “W-What?” si Solley na awtomatiko pang napasulyap kay Mang Canor. “Sssh!” suway pa niya kay Eyah na ngayon naman ay tinakpan na ng ina ang bibig nito.

     “Dad? Can we go in our home now? I'm freaking tired.” si Thiu na nababagot na kakatayo dahil bitbit pa nito ang malaking maleta nila.

     Natatawang lumingon naman si Anthony sa mga anak. At natigilan siya nang makitang pagod na ang mga hitsura ng mga ito. Bumaling ulit siya kila Mang Canor na ngayon  ay hindi pa rin tumigil sa pagtawa.
“Ah, Tiyo Canor, mukhang napagod ang mga anak ko sa biyahe. Tutuloy na po kami sa bahay namin.” pagpapaalam niya dito.

     Napatikhim naman si Mang Canor habang tiningnan ang mga bata. “Talaga nga, Anthony. Malayo ang ibinyahe ninyo. Tara, ihatid ko na kayo sa tahanan ninyo.” at humarap sa mga tao. “Oh, mga kapamilya, ihatid ko na muna sila sa tahanan nila at ng makapagpahinga na sila.”

     “Mabuti pa. Para naman may lakas sila ngayong gabi. Hehehehehehe!” biro pa n'ung babaeng mahaba ang kulot na kulot na buhok.

     Awtomatiko namang dumapo ang paningin ng tatlong magkapatid sa kanya dahil nakakapanindig balahibo ang tawa.

     “Ate is she's a vampire?” biglang bulong ni Eyah kay Solley.

     “Huh? Why?”

     “I seen her tusks.”

     Sa laing bahin, nakatingin naman ang babae sa magkapatid na nagbubulungan habang nakaw-sulyap ito sa kanya. Alam niyang siya ang pinagbubulungan ng mga ito. Kaya nang sumulyap ulit sa kanya ang bunsong anak ay ningitian niya ito.

     Namangha siya sa angking ganda ng magkapatid lalo na sa bunso. Naalala niya tuloy ang anak niyang tatlong taon ng patay na kasing ganda rin ng bunsong anak ni Anthony.

     'Kung hindi lang sana nangyari iyon, buhay pa sana ang anak ko,' isip-isip pa niya. At napatitig ulit kay Eyah. 'Pero, tama lang na namgyari 'yun kay sa ako naman ang maunahan.', dugtong ng isipan niya pa.

Pinagmasdan niya ang bawat anggulo ng mukha nito hanggang sa may maisip dahilan upang mapangisi ito habang luwal ang mata. Napakislot tuloy ang bata.

     “Daddy? Is this really our home?” hindi maipinta ang hitsura ni Eyah sa pagtataka habang nilibot ng tingin ang buong bahay. Kanina pa siyang hindi mapakali dahil naninibago talaga ang bata. Palibhasa, ngayon palang ito nakapunta sa probinsya. Tanging sila Anthony, Thiu at Solley lang ang uuwi kapag may okasyon dito bawat taon.

     “Yes, darling. From now on, we'll gonna live here.” si Mommy niya ang sumagot. Hinila pa siya nito upang ikandong. “Why? Is there a problem here, Baby?”

     Naglikot ang mga mata ng bata habang nakatinggala sa kanilang kisame. “Maybe there's a vampire here.” at inalala ang babae na nakitaan niya ng pangil kanina.

     “H-Huh?”

     “I think naninibago lang si Eyah. Ngayon pa niya kasi nameet ang mga residence dito. So, maybe they're weird at her sight.” si Thiu ang sumagot. Nakaupo ito ngayon sa single sofa na hilera lang sa mahabang sofang inuupuan nila Anthony at Solley.

     “No! I was frightened to those woman who had a long curly hair, I saw her tusks when she grinned.”

     “Baby, your Hallucinating lately. That's why you saw something.”

     “No Daddy! I'm serious—Waaaaahhh!!!!!”



~Ipagpatuloy...


















Bario Sanib||Published By 8lettersWhere stories live. Discover now