Nanglaki ang mata ni Thiu nang biglang matangay ng manananggal ang kapatid. Sa gulat ay nasadsad pa siya sa lupa.
“Solley! Solley!”
“Kuya! Tulong! Huhu.” nagsusumamo pang hiyaw ni Solley sa kanyang kuya. Napapiglas pa siya baka sakali ay mabitiwan siya ng manananggal. “Get of me! Get of me!” nanginginig pa sa takot na pagmamakaawa niya rito.
“Hehehehehe! Manahimik ka, Soledad! Mas lalo mo lang pinapakulo ang dugo ko sa'yong bata ka!” bulyaw n'ung manananggal sa kanya habang inilipad siya sa ere papalayo sa kinaroroonan ng kanyang Kuya. Napagtanto niyang si Lebinna pala ito dahil ito lang ang tumatawag sa kanya ng Soledad.
“Bitiwan mo'ko manananggal ka! Ano bang kailangan mo sa'kin, huh?” galit na tanong niya rito habang tumutulo pa ang mga luha sa mata niya.
“Ano pa ba? Eh,' di katawan mo! Hehehehehe!” nakakapanindig balahibo pang tawa nito.
“Talagang inggit na inggit ka sa katawan ko, noh! Palibhasa, your a freaking ugly at napakaliit mo kaya hindi mo'ko nilulubayan!” kantyaw pa ni Solley kahit nasasaktan na sa mga kuko ni Lebinna.
“Napakabully mong bata ka! Pasalamat ka pa at hindi kita binitiwan dito! Magiging barbeque ka na sana dahil matutuhog ka sa mga sanga sa ibaba!” malakas na sigaw ni Lebinna sa mismong tenga niya.
“I don't care! I prefer to fall down here kaysa naman magdamag akong nakadikit sa katawan mong isang siglo ng walang ligo. Mukha ka pa namang patay na nabubulok—Aray!”
“Ayaw mo talagang manahimik huh!” gigil pang sigaw ni Lebinna.
“Bitiwan mo'ko! Bitiwan mo'ko!”
“Ngayon ay magmamakaawa ka sa'kin, Solley. Dahil ipinapaubaya ka na ng Ama mo sa akin. Ikaw ang magiging bayad sa lahat ng kaharasang ginawa ng lolo mo sa amin! Hehehehehe!”
Natigilan si Solley at napalingon pa sa kanyang gilid. “A-Anong ibig mong sabihin, huh?”
Nanglaki naman kunwari ang mga mata ni Lebinna. “Ay, hindi mo gets ang sinabi ko? Oh, siguro hindi mo lang tanggap na isa ring Mantas ang Ama mo, noh? Hehehehehe!” tawa pa nito saka nagpatuloy.
“Para mai-magine mo, isang malaking halimaw ang Daddy mo na mahaba ang buntot. Malaki ang mata na pulang-pula at mahaba rin ang dila. In short, isa s'yang tiktik! Hehehehehe! At siya ang dahilan kung bakit napatay ko ng hindi sinasadya ang anak ko. Inunahan ko na ang Daddy mo baka maunahan pa ako sa atay ng pinakamamahal kong anak. At para mapatawad ko siya sa muntikan niyang pagpatay kay Anabella, ang bunso mong kapatid ang kapalit na hiningi ko. Hehehehehe!”“Hayop ka talaga! Hayop! Halimaw! Huhu!” nanggigigil sa galit pang hiyaw ni Solley. Gusto niya itong hampasin ngunit nakatalikod naman siya. “Halimaw ka! Bakit mo pa dinamay ang Mommy? Hayop ka!”
“Uy, kasalanan pa rin ng Daddy at Mommy n'yo dahil hindi nila ako binigyan ng pasalubong nang dumating kayo dito kahapon! Hehehehe!” ungot naman ni Lebinna. “Kung naging mapagbigay lang sila akin, hindi ito mangyayari!”
“Hayop ka! Pakawalan mo'ko!” piglas pa ni Solley.
“Tumigil ka! Kayo ang magiging alay sa gabing 'to! At pagkatapos ay kayo naman ang pagpipiyestahan ng mga kampon ko! Hehehehehe!”
Nanginginig na sa takot si Solley hindi niya maimagine ang sarili na lantakan siya ng mga halimaw na ito. Gusto niyang makatakas bago iyon mangyayari.
Sa kabila naman, halos pagsakluban ng langit at lupa si Thiu. Abot langit ang kanyang takot at kaba sa kanyang kapatid na si Solley na tinangay ng mananaggal. Nakasiguro siyang may ginawa na ang walang awang Lebinna iyon. Naiwan siya sa daan kaya bumalik siya upang sundan ang manananggal. Nakasiguro siyang dinala lamang si Solley sa plaza ayon sa narinig niya kanina. Hindi niya alam kung maabotan pa ang kapatid na bubay pa.
YOU ARE READING
Bario Sanib||Published By 8letters
Horror"Ikaw na kaya ang susunod na masasaniban...?" [Bario Sanib a short horror story.] Date Written: November 01, 2023