Epilogo

41 1 0
                                    



(Pilipinas, 2032)

     Malamlam ang mata ni Solley na nakatitig lang sa isang librong nakabulatlat sa kanyang harapan. Nakabisado na niya ang lahat ng laman ng bawat kabanata ngunit hindi pa rin siya nagsasawa kahit  siya pa ang nagsulat. Lahat ng kanyang karanasan na nangyari sa Bario Sanib ay ginawan niya ng kwento. Sariwa pa rin sa kanyang gunita ang bawat pahina ng masasakit nilang alaala kahit sampung taon na ang nakalipas.

     Nalaman niya na ang kanyang Lolo Antonio ang unang naging Mantas sa Bario Sanib. Gamit ang kapangyarihang taglay ay pinamunuan ang bario na puno ng kaharasan at pananakot sa buong mamamayan. Ginawa pang pagkakitaan ang bayan sa pamamagitan ng pagkidnap sa mga inosenting bata upang kunan ng mga organ at ibenta sa mga banyaga. Sa buong pagkatao niya ay hindi niya akalaing masamang tao ang kanyang pinagmulan. Gusto pa naman sana niyang ipagsigawan sa buong mundo ang yamang meron sila ngunit lahat ng iyon ay naglaho na parang bola nang malaman ang katotohanan. Katotohanang sumanib sa kanila sa pagkaulila at kalungkutan.

     Nakakatrauma man ang naranasan, hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa na makabangon ulit. Tinupad nila ang bilin ng Ama at nagpatuloy sa agos ng buhay ang dalawa. Nagkaroon ng pamilya si Thiu sa Pilipinas at naging isang mahusay na Scientist. Habang si Solley naman ay naging ganap na ring Neurosurgeon sa States. Bawat huling buwan ng taon ay umuuwi si si Solley sa Pilipinas upang dito na magdiriwang ng pasko at bagong taon kasama ang kapatid at ang pamilya nito. Dito na rin tumira sila Thiu at ang mag-ina nito sa Manila dahil dito naman nakaasign si Thiu sa isa sa mga sikat na Hospital sa lugar na ito.

     Napaangat si Solley ng tingin at sakto namang dumapo sa dingding ang paningin niya kung saan nakasabit ang kanilang mga picture frames. Nasa gitna nito ang malaking family frame nila at nakapalibot naman ang tag-iisang solong larawan nilang magkapatid. Iniisa-isa niyang tinitigan ang bawat mukha mula sa kanilang Ama, Ina hanggang sa kanilang pinakamamahal na bunso. Una niyang tinitigan ang larawan ng Ama. Agad nitong makilalang komediyante dahil sa hitsura nito. Napangiti pa siya nang maalala ang ama sa paraan nitong manuyo sa kanila. Naalala niyang nakakawala ng tampo ang mga styles nito. Minsan n'ung nagtampo pa siya dahil hindi siya pinayagang magdrive ng bike sa parke ay nawala lang agad nang bigyan siya nito ng cotton candy. Iyon palang ang una niyang beses na makatikim ng murahing pagkain. At naging paborito pa niya mula noon.

     Sunod naman niyang binalingan ang kanilang ina. Kahit simple lang itong mangpostura, ay sensitibo naman pagdating sa kalagayan nila. Kahit mahinhin man ito ay hindi naman sila napapabayan. Hinuhubog sila sa pagmamahal at pag-aaruga at disiplina ng kanilang pinakamamahal na ina.

     At ang huling nadapuan ng kanyang mata ay ang magandang mukha ng kanilang bunso. Nakasuot pa ito ng asul na toga habang may kwentas na mga medalya. Bigla tuloy na kumirot ang dibdib niya dahil sa larawan na ito. Naalala niyang siya mismo ang kumuha nito sa araw ng graduation day ng kapatid sa Pre-School. Masayang-masaya pa ito sa larawan dahil sa natanggap nitong gantimpala sa paaralan. Muli, ay nanumbalik sa kanyang isipan ang mga masasayang alaala nila. Mga alalang pwedeng balik-balikan ngunit sa isipan nalang.

     Biglang tumunog ang kanyang cellphone dahilan upang mapansin ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Hindi niya namalayang umiyak na naman siya.  Dali-dali niyang pinunasan ang kanyang pisngi sabay lingon sa kanyang vanity table kung saan doon nakapatong ito. Nakasiguro siyang si Ate Allison iyon kaya huminga muna siya ng malalim bago ito kinuha at sinagot.

     “Yes? Are you there?”

     “Of course! Where's your kuya by the way. I have been in contact with him for a while, but he still hasn't answering. Hasn't he finished what he's experimenting with?”

     Bumuntong-hininga si Solley dahil bigla naman siyang nairita sa kanyang bayaw na parang hindi pa sanay sa asawa nito na palaging busy. “I'll call him to pick you there.”

     “Oh my gosh. Nevermind. Your call still won't be answered because mine wasn't answered.”

     Napabuga nalang ng hangin dahil sa pagiging boboto nito paminsan. “I'm here in mansion kaya pupuntahan ko siya sa lab niya.” pagkaklaro niya.

     “Awh... I thought you were in the hospital. Sorry. Hehehe.”

     Napairap lang si Solley kahit hindi naman makikita ng kanyang kausap ang reaksyon niya. “Alright. I'll call him to pick you up there. Baka naiinip na kayo d'yan.”

     “Okay thanks, Solle.”

     Binaba na niya ang linya at tumayo na upang puntahan ang kanyang kuya. Malaki ang kanilang mansion at malulula ka pa sa kakalakad bago ka makarating sa gusto mong tunguhin. May sarili rin  silang laboratory kung saan doon nalang gumagawa si Thiu sa kanyang pag-eeksperimento.

     “Hey, Kuya! When are you going to pick up your wife and daughter at the airport?” pakatok na tanong niya sa labas ng lab. “Kuya Thiu, are you there?” ngunit walang tumugon kaya pinihit nalang niya ang knob at binuksan. “Kuya?”

     Dahan-dahan siyang pumasok upang tunguhin pa ang isa pang silid kung saan nakalagay ang mga malalaking kagamitan sa pag-eeksperimento.

     “Kuya?” tawag niya nang mabuksan ang ikalawang silid.

     Nakatalikod lang ang kanyang kuya animo'y hindi nakarinig. Sanay naman siyang gan'un dahil sa focus nitong magtrabaho.

     “Hey Kuya! Ano ba?” saka sumilip sa ginagawa ng kapatid.

     “Why? I'm not done yet.” tugon namam nito sabay harap sa kanya.
“Are they arrived?”

     Tumingin si Solley sa kapatid at inirapan ito habang nakahalukipkip pa. “Are you not picking up them? For sure, naiinip na ang pamangkin kong si Sarinnah. Ugh!”

     “Wait. You mean nasa airport pa ang mag-ina ko?”

     Napataas kilay naman si Solley na napatitig dito. “And what the hell did you expect, dude? That I already pick them?”

     “Of course. Tsk.” at huminga ito ng malalim. “Can you pick them up because I'm not done experimenting with this canaver body yet. I need to finish this today so I can do some reaserch—”

      “Kuya!”

     “W-Why?”

     “Y-Yung patay!”

     “Huh?” takang-taka pang tanong ng kanyang kuya dahil bigla siyang namutla sa takot.

     “O—Oh my gosh! Kuya!” nanginginig pang hiyaw ni Solley habang gulat na gulat ang hitsura.

     “What are you talking..” saka dahan-dahang lumingon sa kanyang likuran.

     “W—Wahhhhhhhh!!!”




   WAKAS!!!

****
    Maligayang pagbabasa aking mga desendyente! Umabot ka rin sa huling pahina nitong maikling kwento. Nawa'y nasiyahan ka sa pagsubaybay sa kwentong Bario Sanib. Sana'y hindi mo makalimutang i-vote at magbigay ng feedback tungkol sa laman nito. Maraming salamat. Mabuhay! God bless you all!

~Princess Jee












Bario Sanib||Published By 8lettersWhere stories live. Discover now