"Adi! May nagpapabigay sa'yo!"
My head snapped towards the entrance of the classroom. Umugong ang kanchaw mula sa aking mga kaklase. Napailing nalang ako. High school is when these kind of stuffs happens. Yung mga crush-crush. Yung mga pampakilig. I mean, I expected to witness one of these but I didn't expect to be the one experiencing it.
Lumapit sa akin yung babae kong kaklase dala yung rose. Si Dalisay, yung classroom clown namin.
"Para sa'yo daw sabi ni Benjamin!" Sigaw niya kahit sobrang lapit na niya sa akin.
"Ayieeeeee!"
"Dalaga na si Addison!"
Napailing nalang ako at tinanggap yung rose. "Sabihin mo thank you. Can you also tell him that he doesn't have to?"
Nawala yung ngiti ni Dalisay sa mukha. "Ay? Rejected?"
"Ano ba 'yan, Adi! Wala bang chance yung tao?" Tanong nung isa kong kaklase.
"Wala 'yan!" May bigla nalang umakbay sa akin. Pagkalingon ko ay nakita ki si Philip, my best friend. "Magmamadre siya!" Ngisi niya.
Siniko ko siya sa gilid bago inirapan. "Paladesisyon?"
"Hindi ba?" He fired back.
"Sus! Kunwari pa tong si Lipton! Aminin mo na ngang may gusto ka kay Adi!" Ngisi ni Dalisay sa amin.
"Yaks! No way!" Dali-dali niyang inalis yung pagkaakbay niya sa akin.
"Kung maka-yaks 'to. As if naman magkakagusto din ako sa iyo no!" Irap ko.
"Denial yung dalawa," ngisi ni Dalisay.
"Hindi no!" Halos magkasabay naming sigaw.
"Okay, chill! Hindi na," iling niya. "Sige. Sasabihan ko si Benjamin na rejected na siya."
"Wag naman masyadong harsh. Sabihan mo nalang na hindi pa ako naghahanap ngayon... ng... err... Love."
I wanted to vomit at the thought. I am never attracted to anyone. I don't know pero ayokong makipagrelasyon.
"Okay! Copy that!" Puno ng energy na sabi ni Dalisay. Tumalikod na siya sa amin at lumabas para kausapin ni Benjamin.
I feel bad whenever I reject someone. Hindi ko naman intensyon ang makasakit ng damdamin ng iba but I can't just let it be. Alam naman na ng lahat na ayaw ko pa but some would just pick up the courage to approach me— kahit alam na nila kung saan tutungo.
"Haba talaga ng hair," sabi ni Philip.
"Kasi maganda ako," ngisi ko.
"Hindi kaya. I wonder what they see in you. Hindi ka naman maganda."
"Ang bastos mo! Selos ka lang e!" Turo ko sa kanya.
Nag-iba yung timpla sa kanyang mukha. "Naririnig mo ba yung sarili mo? Ang feeling mo masyado."
"E bakit kontra ka nang kontra sa akin?"
"Bakit? Bawal ba?"
"Oo! Kasi babae ako. Dapat mo akong nirerespeto," taas-noo kong sabi.
"Babae daw. Hindi ka babae no! Baka nga babae pa gusto mo," ngisi niya pabalik.
"Excuse me? I'm straight!" I cross my arms. "Paano mo nasabi yan?"
BINABASA MO ANG
Harmony in Hues
Teen FictionAdi never thought love would come knocking on her door unexpectedly- in the form of another woman. At first, she denied her feelings for Jaycee, clinging to the belief that she was just a friend. But as their connection deepened, Adi found herself c...