Chapter 4

1 0 0
                                    

"Hindi mo na sana pinatulan," sabi ko kay Philip habang naglalakad kami palabas ng gate.

Alas siyete na ng gabi at kailangan na niyang umuwi. Hinahanap na din siya sa kanila, panigurado.

Trisha was pissed. Ikaw ba naman ang sabihan niyan ng taong gusto mo? Nakakahiya din kaya sa part niya. Yung Mommy niya naman ay halatang pinipigilan ang sariling ipagtanggol ang sarili. I know how much she wants to throw a punch but contained herself. She knows better.

"Hindi pwede." Humarap siya sa akin. "I can't just sit there and listen to all those bullshits coming out from their mouths."

"Buti nalang hindi ka pinaalis sa hapag." I took a deep breath and exhaled back. "Pinabayaan mo nalang sana kasi titigil lang naman sila kapag wala nang masabi."

"Has it always been like this? Tuwing may nagawang achievement yung isa ay pinariringgan ka?" He asked. "Don't lie to me, Adi. Kilala kita at alam ko tuwing nagsisinungaling ka sa akin."

Umiling ako. "Not all the time. Iniiwasan kong makasabay silang kumain. But every time they got the chance to say it in my face, they'll grab it."

Totoo yun. Ayaw ko lang talaga ng gulo kaya mas pinili ko nalang ang tumahimik. As if may makukuha ako kapag pinatulan ko sila. But everytime they do it, hindi ko mapigilan ang maliitin ang sarili. That's why I try my hardest in everything.

"Tangina?" Kunot-noo niyang sabi. "Kaya pala ayaw mo sa kapatid mo."

"Hindi ko siya kapatid," irap ko. "We are not blood-related so there is no way she's my sibling."

Just the thought of it made me throw up.

"This is not okay, Adi. You need to move out."

"I'm holding on, Philip," I smiled at him with assurance. "Pagkatapos kong mag-Highschool at pupuntang college, I will be free. Lalayo ako sa mag-inang iyan."

"How much longer?"

"A few months," tango ko. "Huwag kang mag-alala sa akin, hmm? Kaya ko ang sarili ko."

"Are you sure? Baka hindi mo lang sinasabi sa akin pero binu-bully ka na pala sa pamamahay na 'yan at ginawang Cinderella," sabi niya.

I chuckled. "Grabe naman. They treat me nothing like Cinderella. Pero thank you, for what you did there. I really appreciate it."

"I got you, Adi. I'm always here."

Kahit palagi kaming nag-aaway ni Philip, I always know that I have him beside me. Partners in crime pa nga kami at yan din ang sabi ng karamihan. I could rely on him as he would do back at me. Minsan pa nga napagkamalan pa kaming magjowa. Kadiri! I could never imagine us being more than friends. Ew! Yak!

Days have passed and it becomes a week, it's time for us to travel for the games. Sa malayong lugar kami pupunta kaya sobrang saya ko kasi lalayo muna ako sa bahay. Kaya lang makikita ko pa rin doon si Trisha kasi lalaro din school nila. Okay na rin yun. Hindi naman kami palaging magkikita siguro.

Dala yung maleta ko, tinahak ko yung daan papunta sa covered court ng school kung saan ang assembly area namin. Mula sa kung saan man ako ay nakita ko ang mga ka teammates ko na nagkukumpulan, nagkuwentuhan. Napansin ni Isay yung pagdating ko kaya agad niyang inanunsyo.

"Nandito na si Madam!" Sigaw niya.

Napalingon sa akin ang lahat, pati yung mga mula sa ibang sports kaya napayuko ako. Itong babae talaga na ito! She never learned how to keep her mouth shut, did she?

Harmony in HuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon