I stared at Jaycee while I am sitting on the bench. Magaling ba 'to? Did we just recruited an ace?
"Matutunaw yan," I heard captain said kaya napakurap ako.
"Cap!" I exclaimed. "Hindi. Curious lang ako."
"Curious saan?"
I bit my lower lip. "Kilala mo din ba si Jaycee? Before she even made it in our team?"
She nodded. "Oo. I mean she's really famous for the way she sets. Bakit? Hindi mo siya kilala?"
Tumango ako. "Oo. Kaya nagtataka ako kung bakit kilala din siya ni Trisha."
"Basically, they were in the same team noon. Kaya magkakilala talaga sila."
Nanlaki ang aking mata. "What? She's from St. Constantine?"
She laughed. "Hindi. Teammate sila ni Trish nung Elementary pa lang. Siguro that's the time when you weren't introduced to each other yet."
I nodded. Tama siya. Highschool na ako nang magpakasal si Papa sa Mommy ni Trisha. Kaya siguro hindi ko ito kilala. But I'm curious of one thing.
"But how come you know her as well?" I asked. "I know almost all of the players pero wala akong maalalang Jaycee."
"I was with them," she smiled. "The three of us were on the same team. That's why."
Napanganga ako. Damn! What a small world!
Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Yung captain sa kabila at captain namin ay nasa iisang team pala noon? Kaya pala grabe yung rivalry ng dalawang teams. Aside sa hidwaan namin ng kapatid ko, may connection pala sila ni Captain. Paano na kaya ngayon na nasa amin na si Jaycee?
"Ayaw mo talagang pumasok?" She asked.
Umiling ko. "Di na. Kaya na nila 'yan."
"Okay. I'll go ahead."
"Good luck!"
Nanonood lang ako sa kanila habang nakaupo sa bench. Si Isay kanina pa nag-stretching. Super extra pa kasi may pa-split pang nalalaman. Nag-cartwheel pa kaya napailing nalang ako. Pero kahit ganyan si Isay, magaling na libero yan. Kahit semento o maraming bato yung platform, talagang lalanguyin niya. Seryoso yan maglaro.
Nakita kong lumapit si Captain kay Jaycee at nagkuwentuhan sila saglit. Nagulat nalang ako nang pareho silang napalingon akin. They smiled and so I smiled back- kahit hindi ako sigurado kung dapat ba akong ngumiti.
Napairap nalang ako nang makita yung kabila. Bida bida talaga. Pinakita lang naman ni Trisha kung gaano kalakas siyang magspike. Ikaw na magaling!
A few minutes later, nagsimula na yung game. I'm only observing since hindi naman ito opisyal na laro. Sitting pretty lang muna ako ngayon.
Magaling nga'ng magset si Jaycee. If we could give our combination a try, I'm sure it would be great. Magaling din naman umatake si Captain. Siguro dahil naging teammates na sila before kaya talagang nagbi-build na sila ng teamwork.
Kahit gaano pa kaganda ng set, o kagaling umatake si Captain, sobrang lamang pa rin ng kabila. Yung dalawang middle blocker nila ang tatangkad. Spike lang nang spike si Captain 'e nahaharangan naman ng dalawa. Si Isay naman ay talagang nilangoy yung bola kaya lang sobrang lakas ni Trisha kaya paminsan-minsan ay hindi niya nakukuha yung bola.
I'm internally pissed. Kawawa na yung team. Kahit anong gawin nila ay hindi talaga sila nakakabawi. I cross my arms habang pinapanatili ang pagiging kalmado.
BINABASA MO ANG
Harmony in Hues
Fiksi RemajaAdi never thought love would come knocking on her door unexpectedly- in the form of another woman. At first, she denied her feelings for Jaycee, clinging to the belief that she was just a friend. But as their connection deepened, Adi found herself c...