Dinner. I almost wanted to skip dinner pero hindi ko magawa kasi libre ni Coach. Nag-aya siyang mag-Inasal. Sino ba naman ako para tanggihan 'yon? Isa pa, minsan lang nanglilibre si Coach kaya lubos-lubusin ko na.
Benj is there kasi. To be completely fair, I've always wanted to avoid him. Maarte ako sa mga taong may gusto sa akin. I don't want to give them my attention, unless I wanted to. Pero dahil athlete ako, I should embody the principle of sportsmanship. I need to be professional, especially because we are representing the same school.
He smiled at me when our eyes met. Ginantihan ko siya ng matipid na ngiti. I then clung to Isay's arms which made her raise her brow.
"In love ka na sa akin niyan?" Tanong niya.
Kumunot yung noo ko. "Mandiri ka nga!"
"'E ano 'to?" Nguso niya sa braso kong nakaangkla sa kanya.
"Tabi tayo."
She laughed. "So inaamin mong gusto mo talaga ako..."
"Dalisay!"
"...na makatabi!" She finished. "Patapusin mo kasi ako!"
I rolled my eyes. "Okay na?"
She nodded. "Yes!"
Malayo pa lang yung nagustuhan naming table ay una nang lumapit si Benjamin sa upuan. Hinawakan niya yung silya at bahagyang hinila. Lumingon siya sa akin sabay ngiti. I almost frowned, buti nalang napigilan ko yung sarili ko.
"Comfort room muna ako," bulong ni Isay.
Aalis na sana siya sa aking tabi pero hinila ko siya. "Uy!"
"Tatabi ako sa'yo, don't worry! Paaalisin ko si Benjamin mamaya kung tatabi yun sa'yo."
"Promise?" Nguso ko.
"Parang bata naman 'to," iling niya. "Oo na!"
I sighed. "Okay," sabi ko at tuluyan nang kumalas sa hawak.
As fast as she could, she walked towards the comfort room. Walang gana akong lumapit kay Benjamin para naman hindi maging bastos.
"Dito, Adi," sabi nito sa akin.
"Salamat," I smiled back.
"Ang sweet!" Kantsaw ng mga kasamahan namin.
"Ano ba 'yan, Benjamin. Walang piling lugar?" Sabi pa nung isa.
They teased us and all I could do was to smile for respect. Napansin siguro ni Coach na naiilang na talaga ako kaya sinita na niya sila.
"Tama na nga 'yan," Coach chuckled. "Umupo na kayo para makapag-order na."
Everyone took their seats. Napalingon ako sa upuan na nasa kaliwa ko, nandun si coach nakaupo. Lumingon ako sa kanan at sakto naman akma si Benjamin na uupo dun. Hindi maaari!
"Thanks, Benjamin!" May biglang nagsabi.
Napatingala ako at nakita ko si Jaycee. Nakangiti siyang umupo sa tabi ko. I was confused at first but I found myself smiling. That saved me!
"Upuan ko 'yan, Jaycee," sabi nito sa babae.
"Upuan mo? Wala naman akong nakitang pangalan a!" Maang-maangan niya.
"Come on, I was here first."
"Where are your manners, Benjamin?" Tanong niya sa lalake. "Are you saying na patatayuin mo ako ngayon din just so you can have your so-called seat? That's not how a gentleman should be."
BINABASA MO ANG
Harmony in Hues
Roman pour AdolescentsAdi never thought love would come knocking on her door unexpectedly- in the form of another woman. At first, she denied her feelings for Jaycee, clinging to the belief that she was just a friend. But as their connection deepened, Adi found herself c...