Chapter 3

1 0 0
                                    

I stared at the horizon while waiting for Philip. The sky is painted with a mixture of yellow and orange. It seems magical and healing but it doesn't reciprocate the way that I am feeling. Nakakadismaya lang.

We lost the tune up. Pero tune up pa naman yun. It wasn't the final game pero naaapakan yung pride ko. Ang sarap burahin ng ngisi ni Trisha kanina. Paniguradong ipagmamayabang na naman niya ito sa nanay niya. Buong gabi ko na naman maririnig yung pagpupuri sa kanya. Nakakaumay!

"Ice cream?" May biglang nag-alok.

Napatingala ako at nakita si Jaycee na may dalang dalawang ice cream. Yung isa ay nakunan na. Yung isa naman ay parang para sa akin.

Kumunot yung noo ko. "Para saan?"

"Para sa'yo!" Sabi niya sabay abot sa akin. "Pampalamig ng ulo."

I sighed. "Thanks."

Inabot ko yung ice cream mula sa kanya at agad nilantakan. Well, matagal naman din akong nag-crave ng ice cream so pwede na.

"Babawi tayo sa final game. Don't dwell on it too much," komento niya at naupo sa tabi ko.

Kasalukuyan akong nasa waiting shed. Alas sais na ng hapon at dito ko kadalasang hinihintay si Philip. Sabay na kasi kaming uuwi kasi may motor siya. Madadaanan lang naman yung bahay namin bago sa kanila kaya sumasabay ako. Para na din makatipid sa pamasahe.

Nasa basketball practice si Philip. Kagaya ko, student athlete din siya. Pwede naman akong doon nalang sa court maghintay sa kanya. Kaya lang iniiwasan ko yung teammates niya. Puros kanchaw nalang ang maririnig ko. Konti nalang talaga masasapak ko na sila isa-isa.

"Sorry," I took a deep breath. "Naging madamot ako."

"Okay lang yun! Atleast now, alam na natin kung saan dapat tayo mag-i-improve, diba?" She said.

Napatango ako. "Mukhang tama ka nga."

Bumuntong-hininga na naman ako. Hindi ako madamot sa bola at alam iyon ng lahat. Sadyang nandun lang talaga si Trisha. Nakalimutan ko na isang team pala kami. I bit my lower lip. Sana nga pala hindi na ako pumasok sa court.

"May hinihintay ka?" She asked.

I nodded. "Kaibigan ko. Sabay na kasi kaming uuwi. Ikaw ba?"

"Uuwi na sana pero nakita kita," she pointed at me.

"Hm? Bakit? Ano naman kung nakita mo ako?"

"You seem... sad," she smiled sadly. "Ice cream always cheers me up. Nagbabasakali lang ako na baka maging okay ka kapag binigyan kita."

Napailing ako. "You don't have to. Okay lang ako."

"Well, I insist. Saka teammates naman na tayo. Magiging mas close pa tayo." Sabi niya. "Saka na ako aalis kapag nakarating na yung hinihintay mo."

Napatitig ako sa kanya habang siya naman ay nakatingin sa malayo. Hindi kami masyadong close. Kasi nga diba ngayon pa lang kami nagkakakilala. Why is she doing this? I mean hindi naman sa ayaw ko. Pero kung ako kasi ang nasa position niya, paniguradong hindi na ako lalapit kasi baka magalit yung tao.

Napalingon siya sa akin kaya nagtagpo ang aming mga mata. She's... different. She's acting as if we're close. Hindi pa niya ako masyadong nakikilala pero kusa siyang lumalapit sa akin. Bakit? Paano kung masamang tao pala ako? Hindi niya ba naisip na baka uncomfortable ako sa paglapit niya?

"Adi! Tara!"

Nabalik ako mula pagkatuliro. I blinked twice before facing the person who's calling me. Nakita ko si Philip habang nakasakay sa motor niya. Bakit hindi ko ito agad napansin?

Harmony in HuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon