Family
Tatlong linggo si Russel sa Canada kasama ang ama niya para bisitahin ang kapatid. Para sa akin, parang ilang taon na ang linggong iyon dahil sa... dami ng nangyari.
"Imara!" Ronnie snapped on me. "Kanina pa kita kinakausap. Ayos ka lang ba?"
Napaayos ako ng tayo at tumango.
"Kanina ka pa lutang r'yan. Kinakabahan ka ba, girl?"
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Malisyoso siyang ngumisi. Ngumuso ako at tinignan na lang ang mga damit na pinamili niya para sa akin.
"Oo. Kabado lang. Aalis na tayo bukas patungong Casa Fuego, at parang hindi pa rin ako handa."
He giggled. "H'wag kang mag-alala. Hindi kita pababayaan doon. Ayan! Ang dami kong pinamili para hindi ka mahuli sa mga pormahan doon! Alam kong sinabi ni Russel na siya na ang bahala sa susuotin mo sa party, pero maraming ganap sa pamilyang katulad nila. Ultimo hapunan, kailangan nakabihis ka!"
Parang bumaliktad ang sikmura ko nang naisip ang sarili na nasa iisang hapag kainan kasama ang pamilya ni Russel. Ang mga Hermedilla. Hindi pa rin ako makapaniwala, at ang tanging nagpapatibay ng loob ko ay ang pag-iisip na para kay Russel ito. Party niya iyon. Mahalaga ito para sa kaniya, kaya gusto kong naroroon ako.
I should enjoy this once in a lifetime experience. I should savor this opportunity, something that I have always wanted. With that in mind, I smiled reassuringly at Ronnie.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga pinamili ni Ronnie. Narito siya sa condo ni Russel, at manghang mangha siya na rito ako tumutuloy. Magaganda ang mga damit, mamahalin pa ang iba. Pero hindi ko magawang lubusang matuwa.
"Ronnie, ang mahal noong iba. Hindi ko kayang bayaran 'yan-"
"Ikaw talaga! Hindi mo na kailangang bayaran! Gosh, a chance to go to Casa Fuego is more than the worth of all these clothes! That estate is very inaccessible. Malayo sa siyudad, at mismong manor ay nasa kalagitnaan ng napakalawak na lupain."
Napataas ang kilay ko nang inangat ang mga lingerie na binili niya para sa akin. Most of the underwear were laced, thongs, and g-strings. Russel will love these. Ngumuso ako at ibinaba ang mga damit. Napansin niya iyon.
"Hindi mo ba susukatin?"
"Kasya naman ang lahat sa akin. Salamat talaga, Ronnie..."
Nagtagal ang tingin niya sa akin pero sa huli, tumango siya at bumeso sa akin.
"O siya. Baka kinakabahan ka na kaya hahayaan na kitang magpahinga. Ako na rin ang bahalang mag-impake ng mga ito!"
"Hindi na, kaya ko na bukas. Nakakahiya-"
"Ano ka ba! I'm so excited for you! Hindi ito abala..."
I sighed, relieved. I don't think I have the energy to even pack my things. Mabuti na lang at lumabas na si Ronnie ng kwarto at nakahiga na ako.
Ilang sandali akong tulala sa kisame, pinag-iisipan ang lahat.
I've run out of count how many times I dreamed of infiltrating the close-knitted upper circle before. For some reason, I always had the imperiousness within me that somehow... I could do it. I worked for the upper circles for years, always maintained close proximity and made my way into it, with no plans but charm... and an insurmountable pride in oneself. Even when I literally had nothing... but perhaps, beauty and ambition.
I only mingled with bachelors, entertained affluent men before. I was called names but not once I cared. Bakit ako maaapektuhan? Bakit ako mahihiya? I'm just being smart about my decisions. Hindi ba ginagawa rin naman iyon ng mayayaman? They arrange their children to marry a wealthy man or woman to have a better and more secure lifestyle. And that's the only way I know how to do it.
![](https://img.wattpad.com/cover/236023905-288-k971308.jpg)