Truth or Dare
He's dying to get to know me? Nang-aasar ba siya o... totoo 'yon?
Hindi ko masabi sa mukha niya. Namumungay ang mga mata niya habang nakatitig sa akin, pero alam kong hindi iyon dahil sa alak. Hindi siya lasing. May bahid din ng ngiti ang kaniyang labi. Pero may pakiramdam akong hindi iyon sa panunukso. Kaya... anong ibig sabihin nito?
Napaawang ang labi ko nang may napagtanto. Does he like me? If he's interested in me, that means he's attracted to say the least!
I recalled everything he did for me the past weeks. Tama si Miss Marielle. Hindi iyon gagawin ng isang taong nasa posisyon niya para sa babaeng kinaiinisan niya. I don't understand how I didn't catch up on this one. I was so busy with Loco, that I didn't realize Russel was a bigger deal.
He's a Hermedilla. Bakit hindi ko naisip na siya ang targetin? At kung totoong interesado siya sa akin, mas magiging madali ang lahat para sa akin!
"Bakit mo naman gugustuhing makilala ako?"
Natawa pa ako at napailing bago sumimsim sa wine.
"I'm interested in you," he said straightforwardly.
Ito ang unang beses na nagulat ako na may magpahiwatig ng interes sa akin. Pero hindi ko magawang ikumpara ito sa mga dating pumoporma sa akin dahil... isa siyang Hermedilla.
Alam kong maganda ako at mataas ang kompiyansa sa sarili. I am also confident about what I could bring to the table, even with the lack of education and resources. But I still can't wrap my head around the idea that... he's interested in me. Because the truth is, even when I hate comparing myself to others, there are more beautiful women with good education, in the same par with his status, that he could get.
"You're a very interesting woman, Imara. I haven't been this fascinated with someone before."
My lips parted while staring at his eyes. He was staring directly at me, too. Iisipin kong binobola niya lang ako, pero kitang kita sa mga mata niya ang pagkakainteres sa akin. Kuryoso. Determinado. I have good discernment about people, but right now, I can't fully trust it.
In order to conceal that he got me shaken inside, I snickered and sipped on my wine, trying to act like I'm not taking him seriously when, in fact, it's all I could think about for the rest of my shift.
Habang nagpupunas ng lamesa, muli kong sinulyapan si Russel. Nakaupo pa rin siya sa parehong couch, hindi umaalis. Kaunti na lang ang mga customers dahil alas kwatro na ng umaga pero nagsimula na rin kaming magligpit.
Gusto ko siyang lapitan at tanungin kung bakit hindi pa siya umuuwi, pero sa tuwing naiisip kong gawin nga, kinakabahan ako. Gusto kong matawa sa sarili. Ako? Kinakabahan dahil sa lalaki?
Well, ngayon, oo. At nakakainis isipin 'yon!
Sa kabilang table na ako nagpupunas nang matanaw siyang tumayo na. Lumabas na rin ang mga natirang customers, nag-aakayan, habang siya ay tuwid ang lakad palabas. For some reason, I got disappointed. It was as if... I didn't want the night to end yet. Ni hindi ako makaramdam ng pagod ngayon.
"Sino 'yon, Imara? Kilala mo ba? Ang guwapo!"
Lumapit din ang iba kong kasamahan.
"Ikaw talaga ang nirequest niya. Baka kliyente mo?"
"Pinapanuoran ko kayo kanina! Titig na titig sa 'yo! Kliyente mo nga siguro!"
"Kliyente?" Natawa ako. "Bakit? Businesswoman na ba ako ngayon? Tigilan niyo nga ako."
Tinalikuran ko sila at kinuha na ang bag ko para makauwi na.
"Ang taray! Akala mo naman! Kapag natikman ka no'n, hindi ka na ulit kakausapin no'n!"
