Nasty
"Care to explain to me what in the world was that?"
Hindi pa rin ako nakakabawi. For a moment, I thought about what I had done. I purposely spilled the water, so he'd fall onto the cake, embarrass himself, and get my revenge. Alam kong mali ang ginawa ko... pero hindi ako nagsisisi.
Kung masama ang ginawa ko, e 'di ireklamo nila ako. Hindi na ako magtatago. Haharapin ko sila. Sasabihin ko ang totoo – ang ginawa niya sa akin, na ginawa niya rin pala sa marami pang mga babae.
"Why were they running after you? Whose bodyguards are they?"
His voice snapped me back to reality. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang pwesto naming dalawa. Dim lang ang ilaw ng stock room, maliit ang espasyo, at dahil sa laki ng katawan niya, halos magkadikit ang katawan namin.
I looked up to him, and for a moment, I was mesmerized by how darkly handsome he looked in his slicked back hair, rough features, and menacing eyes. Muntik ko nang makalimutan ang sitwasyong kinaroroonan ko.
Buong akala ko, hindi niya ako pakakawalan at ituturo pa sa mga bodyguards. Pero tinulungan niya na naman ako. Dinala sa stock room na ito, at ngayon... gusto niyang makipag-usap?
Tungkol saan?
"Care to explain to me... kung bakit mo ako dinala rito?!"
"You were running away from those men! I have no idea what the hell is happening, but this is the only place you could lose them! Wala kang ibang pupuntahan dito. Okupado ang mga kuwarto, at hindi ka makakalabas ng lobby."
Kumalabog ang puso ko sa kaba. Tama siya! Paano ako makakalabas sa building na ito?!
"What the hell happened? Whose bodyguards are they?"
Kumunot ang noo ko at tiningala siya.
"Wala ka na roon! Lumabas ka na nga! Iwan mo na ako rito!"
Dinala niya ba ako rito para sumbatan... o sisihin? O asarin dahil nakita niya akong umiyak noong nakaraan?
Thinking about how he saw me at my most vulnerable, with all the crying and the ranting, made me so defensive. Agad umalab ang iritasyon sa aking sistema, hindi nakadiretka kung kanino, kundi dahil iyon lang ang alam kong panangga sa lahat ng pwede niyang ibato sa akin.
"Did you get in trouble? How can I help you if I don't know what is happening? Kaninong mga bodyguards 'yon?"
"E, bakit mo ba ako tutulungan, ha?! Hindi ba dapat masaya ka pa nga na makita ang sitwasyon ko?!"
He shut his eyes tightly, trying hard to be patient when he clearly runs out of patience just as fast as I run out of mine.
"Look, I know we started on each other's wrong foot. I know you think the worst of me, and yes, you annoy the shit out of me. But if you're in distress, like what happened last time, I'm not gonna stand by and just watch!"
He's not gonna stand by and watch?
I recalled what happened at Don Paulo's party last time. Pinalibutan ako ng mga guests habang pinapahiya ni Anita Bernardo. Walang sumaklolo sa akin. Kahit inaawat na si Anita ng mga amiga niya, hindi iyon naging sapat para matigil ang pagpapahiyang ginawa niya sa akin.
Binuhusan niya ako ng champagne habang nakaluhod. Kung hindi pa dumating si Russel Hermedilla, hindi matitigil si Anita Bernardo. Pinatalikod niya ang mga guests – isang bagay na nasisiguro kong siya lang ang may kakayahang gawin. Mayayaman ang mga bisita, matataas ang tingin sa sarili, hindi basta-bastang susunod kahit kanino... pwera kay Russel Hermedilla.
