Chapter 9

51 1 0
                                    

Happening To Me

Ijiel's POV

Patong patong na problema, pero wala pang mga solusyon. Nalilito na ako sa mga nangyayari nitong mga nakaraang linggo. Naka labas na si Hayie sa ospital ngunit, biglaan itong lumipat ng eskwelahan kung saan may pinaka malapit na hospital, ang na disclose lang about sa sitwasyon niya ngayon ay ooperahan siya.

Kaya nangungulila kaming magkakaibigan sakanya ngayon.

Tas ngayon, isang iglap hindi na kami mapakain ng maayos ng mga magulang namin. Wala ng trabaho ang papa ko sa rason na gumagawa yata ng kasamaan ang lola ko mula sa Davao!

Giatay!, iniiyakan ko nalang lahat ng nangyayari ngayon.

Yung tipong pakiramdam na biglang gumuho ang kaka pundar mong bahay tapos di mo alam kung saan ang unang aayusin? Yun yun.

"Bente pesos na muna Ang baon nyo hah."

bigla kong alala sa sinabi ni mama kani kanina lang. Nilalakad ko nalang kasi ngayon mula sa bahay hanggag school, though kahit pwede namang hindi. Di ko ginawang mag commute kasi tinitipid ko ang pera ko ngayon.

Bagsak ang mga balikat at nakasimangot akong pumasok sa eskwelahan. Napahawak ako sa kumukulo kong tyan nung tumunog ito. Tatlong ligo narin kasi akong hindi kumakain ng hapunan at nag aagahan, diretso diretso nayun. At sa tanghalian nalang ako bumabawi ng kain.

Yung dapat kung hapunan ay, binabaon ko nalang kinabukasan at kakainin ng mga alas onse y media at para hindi magutom hanggag sa gabi.

Para nang saganon, tatlong beses makakakain sa isang araw ang kapatid kong babae na mas nakakabata saakin ng anim na taon.

Kasi kung di ako kakain sa gabi, may matitira sa umaga at di na kailangan bumili ng pang agahan ang mga magulang ko kasi may nakakain na ang kapatid ko at ako may pang baon na sa tanghalian at hindi na nila ako kailangan pang bigyan ng sobrang pera.

Nakakatawang isipin na, naka brace nga ako pero ginugutom naman ako. Minsan talaga ang buhay nasa itaas minsan nasa ibaba.

Napalunok nalang ako ng laway at ginaslight ang sarili, na hindi ko pa kailangan kumain kasi di pa alas onse!

Kaya buong klase walang kibo lang ako at di masyado nag gagagalaw at nang hindi mapagod.

Nang mag alas onse ay kahit na nag didiscuss ang teacher namin kamakailan ay palihim akong kumakain, bahala siya diyan. Baka di ko siya matancha at mahagisan ko ng kutsara.

Habang kumakain ay napansin ko naman si Font. Binabantayan pala ako nito sa kabilang dako ng mga silya. Nagtataka narin siguro to kung bakit halos araw araw ko na itong ginagawa. Masungit ko nalang itong inirapan, atsaka tinuloy ang kain at takam na takam sa longganisang ulam at sa kanin.

Mabuti nalang at lagi akong nagsasaing ng bago sa umaga, kaya mainit ang kanin lagi kong dala.

Napapansin din naman nila Celestia ang gawi ko, especially sa tanghalian na itinutulog ko nalang ang lunch break para di makaramdam ng gutom.

Pero lagi akong may alibi, napapaniwala ko nalang sila.

Nung matapos ang klase ay natapos din akong kumain. Lumabas ako ng room at nag banyo muna.

Nang makalabas sa cubicle, ay naghugas ako ng kamay sa may lababo, alangan naman sa inidoro given nayun. Pero habang naghuhugas ng kamay ay natulala ako sa reflection ko sa salamin.

Nakita ko kung gaano kalaki ang pinagbago ko, masyado narin pala malalim ang eyebags ko, masyado na akong maputla, at nangayayat na talaga ako.

Napaluha nalang ako...Sa ngayon kasi di ko maisingit ang pagtitinda dito sa eskwelahan sa dami ng gawain, kaya tuwing sabado't linggo ko nalang ito ginagawa.

Love him, Definitely...  [Under Revision]Where stories live. Discover now