Chapter 18

315 24 0
                                    

Just Don't

Ijiel's POV

"But even though this ain't pretty and simple like a bed of roses, hmm, hmm, hmmm"

"Ijiel...."

"Ijiel..."

Patuloy lang ang pag tugtog ng kanta mula sa aking earphones. At putuloy lang ang aking pag humming.

May iniilustrate ako ngayong kwarto kaya ngiting ngite ako habang nag kukulay sa gawa ko.

"Ijiel" someone called in whispers.

Naalerto, ako at nanindig ang balahibo. Malakas ang kutob ko na nagmumula ito sa aking bintana.

Pero kinuha ko ang earphones sa aking tenga para patunayan sa sarili na hindi ako nag iilusyon kahit kabado bente na, hating gabi pa naman.

"T*angina Ijiel, nilalamok na ako rito."

Agad na ako napalingon sa bintana ng aking kwarto. Nang mahimigan ko na boses ito ni Satchy.

"Ay b*lat ni nanay mo!" Nagulat pa ako, kasi parang adik ito na inaaninag ako mula sa bintana.

Tinayuan ko na ito, at pinagbuksan ng bintana. "Alam mong gaga ka, pwede kang kumatok sa pinto pero dito kapa, tas hindi ka man lang nag text!"

"Sorry na biglaan. Nakakahiya sa mga magulang mo baka magising."

"Sige na pagbubuksan na kita ng pinto.

Napabuntong hininga nalang ako. At lumabas na sa kwarto't pinagbuksan siya ng pinto ng dahan dahan.

Dala nito ang backpack pang school at duffel bag na sigurado akong may mga gamit niya. Para sa ilang araw na pamamalagi rito.

"Thank you sa pagbubukas lagi sakin ng pinto..." maluha luhang may ngiti nitong sabi.

"Anytime, pero anteh mag text ka naman at para maabangan kita."
Kinuha ko sakanya ang duffel bag na dala "Baka anong mangyari sayo sa daan."

Atsaka ko siya, pinatuloy sa kwarto.

"Sorry talaga Ijiel."

"Sus ano ba, diba sinabi ko na sayo welcome ka lagi rito."

Kung nagtataka kayo, kung bakit naparito si Satchy sa ganitong dis oras ng gabi? ay sa kadahilanan na tinakasan na naman niya ang miserableng lasinggera niyang tiyahin.

Umupo ito sa kama ko atsaka inilapag sa sahig ang bag. I-on ko ang main na ilaw sa kwarto, atsaka dun ko nakita ang maputla niyang mukha. Bakas ang mga luha rito't namumula ang ilong. Tulala't lutang pa ito, nang mag angat ito ng tingin saakin ay agad ko itong dinaluhan at niyakap ng mahigpit.

"Nakakapagod na Ijiel. Nakakapagod na." Agad niyang hikbi sa mga balikat ko, Halos maiyak narin ako. Hinaplos ko ang mayabong, mahaba't kulot nitong buhok, at pinapatahan sa likod.

"Gusto mo ng pancit canton? magluluto ako."

Nag angat ito ng tingin. "Sige" humiwalay ito saakin at nag punas ng mga luha.

Ala una y media na ng madaling araw ay nagmumukbang kami ng canton. Tumahan narin si Satchy kaagad kaya kung sino sinong tao na ang nalait namin sa loob ng 30 minutes. At kung kanina ay mangiyak ngiyak kami ay tumatawa na kami ngayon.

"Nga pala kamusta kayo ni Font?"

Nabilaukan ako sa canton na kinakain.

"Ay gago, sorry." Saka niya ako inabutan ng tubig, ako naman inuubo pa sa sakit ng lalamunan ko.

Love him, Definitely...  [Under Revision]Where stories live. Discover now