Chapter 14

29 1 0
                                    

Year Four

Ijiel's POV

Sa ika-apat na taon, Kay bilis naman ng panahon. And yes Senior high na kami, Grade 11 na po kami.

Madalas na nalalagi si Fontano sa  bahay simula ng unang araw na dinala ko siya roon. Madalas tinutulugan niya ako gumawa ng ice, ice candy atyaka maruya. Nakapag sideline narin siya sa parlor na pinuntahan namin noon.  Tumutulong na siya dun, to enhance his skill sa hair and cosmetics.

Mid year of Grade 11...

"Font...why are you so handsome ba Kasi..."

Malanding sabi ng pechay kong classmate kay Fontano.

Since ang mga upuan separated sa dalawa. Mag kaharap kami ni Font pero may laking puwang sa gitna. Sabihin nalang natin na ang seating  arrangement na ito ay kadalasan na ginagamit sa mga Christmas Party natin.

Ikinawit ng hindot na merlat kong kaklase ang mga braso niya sa kanang braso ni Font na nag susulat paman din, Alam kong gusto na ni Font sabunutan si Stacy, pero tinitiis nya lang ang hindot dahil ayaw nya makipag sabunutan dito.

"Ano ba girl! di Tayo talo! umalis ka nga sakin."
Atyaka n'ya diring diri na pinagtulakan ang merlat palayo sakanya.

"Imbyerna ka masyado gurl."

Napairap naman ng bonggang bongga ang hindot na si Stacy.

Natawa ako sa nakita at napa iling iling, susko! Naninindig talaga ang malahibo ng Lola ninyo pag may lumalandi sakanyang merlat.

And yes , Malaya na si Font magladlad ng kanyang sarili, especially sa mga bagay bagay na minsan niya pinagkaila sa sarili at hindi hinarap.

Kaya masaya ako na masaya siya. It was fulfilling to see my friend this freed and happy.

Umaga at bagong araw na naman.

And may bago syempre hindi na ako lagi nakasuot ng longsleeves na checkered. Nakakasawa rin pala anoh.... Baka kasi may nakapag sabi na masyado ko ng favorite ang black and red checkered ko na longsleeves kaya pinakawalan ko na.

Nag lalakad ako sa gilid ng waiting shed sa may oval papuntang building namin.

Tahimik akong naglalakad at ninanamnam ang sariwang hangin ng may namumukhaan ako sa di kalayuan.

"Bakla!!!!!" Tumitili't patakbo pa itong kumakaway saakin.

Nang makalapit at ito ay aking namukhaan, ay halos tumigil ang buong sistema ko.

Una kay ganda niya na ngang nilalang ay mas lalo pa siyang gumanda, Pangalawa it's cliche to say, pero parang naghaharumendo ang puso ko.

"Ganda ko noh.." compliment niya sa sarili ng magtigil sa harapan ko.

I can't construct my words, ang ganda lang talaga ni Font, kinikilig naman yata ako.

"G*ga ang landi mo talaga sobra! wig?" Kinurot ko ito ng bahagya sa may kaliwang braso, Ngumiti't tumango siya at pina bounce ang Brazilian rebonded niyang wig.

"Supportado ko commitment mo anteh." Abot tenga naman ang aking ngiti.

"Aba'y dapat lang, mahal din ang investment ko sa wigmam natu, anteh"

Agad naman siyang kumawit saaking braso at nag patuloy kami sa paglalakad, napangise ako sakanyang turan.

"Pero paano ka nakapasok?"

"Sa room na ako nag palit"

"Gaano ba yan katibay anteh?"

"Matibay yan sis, matibay pa sa relasyon ng iba dyan"  dinakma ko ito at kumpol na sinabunutan ng saglit at saka tumawa.

" Aray naman Bakla! Parang tanga naman toh" at inayos niya ang wig.

"Aba'y matibay nga anteh"

"Ihhhhhhh, t*ngina naman Ijiel"  tumatawa niya ring sambit.

"Sa susunod dapat naka big rolls na yan ah."

"Oo tapos mag bebeach waves, two ears, pony tail, braided tas magbabangs! Yung pakak na bangs! Mala 2 inches ang width! Ganun! Di mo kaya"

Napailing nalang ako sabay tawa sa kagagahan na nalalaman nya.

"Babe!"
Halos masamid at natigil ako sa pag tawa ng mapamilyaran ko ang boses.

I don't need to confirm it kung ako ba ang tinawag, or guni guni lang bayun but with all due respect!

Tinakasan yata ako ng bait.

"Hi babe.."
Sagot naman ni Fontano sa palapit na si Hanz.

My mouth hung open, I watched Font seperated with me at hinalikan si Hanz sa kanang pisnge. Pumagitna ako sa kanilang dalawa naestatwa, it felt like my heart sunk and fell into my stomach.

"Hi there Ly."
Bati ni Hanz sakin at hinapit si Font sa bewang.

If you remembered Hanz, he was our classmate. Nung grade 8 at sa pagkakaalam ko ABM ang kanyang strand, pero anteh naman!

Ano to!  ano tong nakikita ko!

"Babe, I love you have a great day!"
Font told him dearly, masyadong malambing like pang asawa level na lambing mga anteh ko, di ko kinakaya! 

Tumango naman si Hanz pero ako Hindi ko alam napako ako sa kinakatayuan ko. Mabilis itong may binulong kay Font at saka nauna. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makalayo layo. Bumalik ulit kay Font ang tingin ko na nangungunot pa ang noo, habang siya ay abot langit naman ang ngiti.

"Hehe, you deserve an explanation."
Saka nya ako ikinawit sa kanang braso at nag simulang kaming maglakad.

"Ummm, Bes Sorry hah Hindi mo Alam. Kasi hindi na ako nakakapag kwento, busy kasi ako sa pag tulong sa parlor kaya nakakalimutan ko minsan banggitin sayo."

"Kelan pa Font?" Halos pabulong ang aking salita.

"We are communicating Since summer. Pero nitong August lang kami" He gave me a smile.

Since summer?!, what the f*ck?  Madalas din naman kami mag kasamo nung summer ah, dahil naglalako parin naman kami. Pero wala talaga siyang may nabanggit tungkol kay Hanz o ano. And shit?, August? November na! Anteh mag chrichrismas party na, ngayon ko palang nalaman?

"Ang daya mo naman. Bat ngayon mo lang sinabi?" Hindi ko maitago sa mukha ang pag kadismaya.

"Eto naman wag ka naman mag tampo, it was a rough patch for us kaya di ko agad nasabi sayo."

"Kahit na, you could have atleast told me na may ineentertain ka. At  since summer pa pala..." Nanghina lalo ang boses ko.

"kaya naman pala panay ang silip niya sa room..."

Now I've come to realize those...shit I can't think of it, there is a lump in my throat building with the thought of those moments.

"Sorry naman kasi anteh, hayaan mo ikwekwento ko sayo lahat alam kong nagtatampo kana dahil malaki ang utang ko sayong kwento."

I didn't speak, nanahimik nalang ako dahil aaminin ko, na naiiyak ako ngayon.

"Ijiel okay ka lang ba? Anteh naman sorry na kasi! Ganito nalang para mas bawing bawi ako sayo i angelz burger pa natin to atyaka icecream sa seven eleven."

Sinubukan ako nitong silipin kaya bago niya mahuma na hindi ako okay, ay matapang ko siyang tinitigan sa mga mata.

"Oo ba." Yun lang at nagiwas na ako ng tingin.

Oh God....

Love him, Definitely...  [Under Revision]Where stories live. Discover now