CHAPTER 03
"Aria, aalis na daw sila ms. Denver kailangan na nilang magpaalam." Tawag sa'kin ni kuya Henry, sakto at kakatapos ko lang mag ayos ng gamit.
Tumayo ako at sumunod kay kuya Henry na bumaba. Nakita ko sila ms. Denver na nagaayos ng mga maleta at inilalagay na sa kotse. Agad ko silang nilapitan at kinausap.
"Alexia hija, ikaw na ang bahala dito ha? Nagtitiwala kami sa'yo." Sabi ni ms. Denver.
"Makakaasa po kayo, oo nga po pala saan po kayo pupunta? Tsaka bakit agad po kayong aalis?" Tanong ko, 2 days palang kase ako dito tapos pinagkatiwala na nila agad sa'kin yung mansyon.
"Kailangan na naming umalis para pumunta sa america may mga bagay pa kase kaming kailangan asikasuhin, nakahanap narin naman kami ng magaalaga sa mansyon at sa anak namin kaya babalik na kami doon." Paliwanag niya.
Kung kailangan nilang pumunta sa america, bakit kailangan pa nilang iwan dito si Scarlet? Parang may mali ah.
"Paano po si Scarlet?"
"Hindi siya pwedeng makasama hija, kaya naghanap kami ng maid para maalagaan siya. Sana ituring mo siya na parang tunay na kapatid. Kunin mo nga siya hija, gusto ko din magpaalam sa kanya." Utos sa'kin ni ms. Denver tsaka ako umakyat at kinuha si Scarlet.
Binuksan ko ang pintuan pero nagulat ako nang makita ko yung doll na nakaupo at nakaharap sa salamin. Sa pagkakaalam ko nakahiga siya sa kama kagabi nung iwan ko siya, paano siya nakapunta dyan?
Medyo kinabahan ako nang kunin ko siya, unang araw palang pero may weird na agad na nangyari sa'kin. Hindi ko alam kung normal ba 'to o baka si kuya Henry yung may kagagawan nito para lang takutin ako?
Binuhat ko siya ng marahan atsaka ako lumabas ng kwarto at bumaba. Nakangiting binati ni ms. Denver si Scarlet. Hinalikan niya ito sa noo tsaka nagpaalam sa kanya.
"Be a gentle good girl, Scarlet." The last phrase she said tsaka ngumiti. Anong ibig nyang sabihin sa 'gentle good girl'?
"Let's go, it's already time." Sabi ni ms. Denver.
"Osya aalis na kami hija, ikaw na ang bahala dito. Kailangan na naming umalis." Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Nagulat ako ng bigla niya akong binulungan.
"Patawad hija."
Tsaka siya umalis at lumabas papunta sa kotse nila, ngumiti muna siya sa'kin bago siya sumakay sa kotse. Sumakay narin si mr. Denver tsaka pinaandar ang kotse at umalis.
Bigla akong nagtaka kung bakit siya humingi ng tawad, may problema ba?
Napatitig nalang ako sa doll. Ano ba talagang meron sa'yo?
- - - - - - - - - - - - - - -
1 WEEK LATER
"Alis na'ko Alexia."
"Ingat ka kuya Henry." Paalam niya tsaka umalis, sabi niya kase may bibilhin lang daw siya.
Nasa garden ako kasama si Scarlet. Isang linggo na ang nakalilipas pero agad na'kong naging kumportable dito. Tuloy tuloy naman ang pag tatrabaho ko dito at wala namang nangyayaring kakaiba kahit medyo ang awkward na doll ang inaalagaan ko. Pero gaya ng sinabi ni ms. Denver, itinuring ko nang kapatid si Scarlet.
Inupo ko siya sa hita ko at sinimulang haplusin ang buhok niya, pakiramdam ko bata ako na naglalaro ng laruang doll.
"Hmm, kung buhay ka lang talaga ano kayang itsura mo? Syempre sigurado akong maganda ka, hindi na'ko magdududa. Kung buhay ka lang ngayon magiging ate mo na'ko habang buhay, wala na'kong pamilya eh. Matagal na silang wala pero umaasa parin naman ako na buhay pa sila, malay natin di'ba?" Palagi narin akong ganito, kinakausap ko siya. Medyo pakiramdam ko rin na baliw ako pero nasanay narin ako eh.

BINABASA MO ANG
POSSESSIVE GL 01 : SCARLET'S SEXSLAVE
RomanceWARNING : SPG | R-18 | Mature Content A woman named Alexia encounters a mysterious person leading her to unexpected experiences and being the possessive psycho's sexslave. Tagalog Possessive GL Series