CHAPTER 3

28 0 0
                                    

"Sa totoo lang ang hirap lang din talaga magtago at maglihim ng tunay na kasarian. Simula bata pa ako ay pasan-pasan ko na ito. I am trying to believe myself that I am not gay, but. I am fooling myself." 

CHAPTER 3

Tatlong araw na ang nakalipas mula nang may nangyari sa amin ni Randulf. It's been three days, pero parang kanina lang nangyari ang lahat. I can't get over. I'm missing his touch, his kiss and his smile. Parang druga ang kaniyang mga halik at haplos na animo'y nakakadik at hinahanap—hanap ko ito.

Sa loob ng tatlong araw na iyon ay araw-araw din kami nag-uusap sa viber at hindi ko namalayang nahuhulog na ang loob ko sa kaniya. Bawat pag-uusap namin ay tinatanong niya sa akin kung kailan ba raw ako muling magpapamasahe. Turan ko naman ay kapag nagkasahod na. Aniya ay hihintayin niya raw ang araw na iyon. Dagdag niya pa, he missed me so much na siyang lalong nagpadagdag sa lalim ng nararamdaman ko sa kaniya. Sa tuwing magka-chat kami ay dinuduyan ako sa ulap. Dinadala ako ng kaniyang matatamis na mensahe sa ibang dimensyon. I've never had these feelings before. I can't even understand why I have such a strong feeling to the guy that I met for the first time. That I fell in love in just one night. Alam kong mali ang magkagusto sa isang taong minsan mo lang nakilala, pero batid kong tama itong nararamdaman ko.

Randulf. You alone who runs into my mind. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto ang mga halik mong pinaulan sa akin noong gabing iyon. Ang mga bawat haplos mo sa katawan ko na tila ayaw kong matapos at matigil. I can't get over you. Araw-araw, gabi-gabi kitang naiisip. At pinapangarap ko rin na sana, katulad ko ay iniisip mo rin ako. The sweetness of your lips is still on mine. I can still feel the caress of your skin; my hand playing on your chest. I can still hear your voice endlesly playing on my ear. Nahihirapan na ako sa kaiisip sa'yo. Isang gabi lang 'yon pero inangkin mo na kaagad ang puso ko.

Sighed.

I dont know, how to undo this feeling. That was his first touch. It was a love at first sex. I know it's wrong, but I fell in love. Ito iyong kahinaan ko. Ang bilis-bilis kong ma-fall. Ang bilis kong ma-attract sa mababaw na dahilan. Ang bilis kong magkagusto sa taong minsan ko lang nakilala.

Sa work halos napansin ng lahat ang kakaiba sa kilos ko. Maraming nagsasabi na panay raw ang ngiti ko kahit tambak ako ng data works. Ganoon marahil ang epekto kapag nadiligan ka. Tulad ng halamam na nadiligan, sumisigla ito kahit pa maraming pagsubok sa paligid. Minsan ay nahuhuli ko na lang ang sarili kong nakangiti habang ka-chat si Randulf. Nakalimot na ako na may trabaho ako.

-

Tuesday evening, Manila time. Busy ang mga agents ko sa call habang ako naman ay abala sa paggawa ng score cards nila. Napatingin ako sa cellphone ko nang biglang umilaw ito. Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi nang nakita ko ang logo ng Viber sa screen ng phone ko. Hindi ko pa man tinitingnan iyon ay batid kong si Randulf ang nag-message. Kinuha ko ang phone ko at agad itong binuksan. Tama nga ako. Si Randulf nga ang nag-message. Binasa ko ang kaniyang mensahe, nangungumusta lamang at nagtatanong kung kailan raw ako magpapamasahe ulit. Agad naman akong nag-reply. Turan ko ay sa Sabado, sakto at sahod. Aniya ay hihintayin niya raw ang araw na iyon at sisiguraduhin niya raw na mas lalo niya pang sasarapan. Agad naman akong napangiti. Mag-r-reply pa sana ako nang bigla akong ginulat ni Ken. Halos napaangat naman ang balikat ko dahil sa kaniyang ginawa. Mabilis ko namang ibinaba ang phone ko at itinago sa loob ng drawer. Mahirap na at baka mabuko niya ang tinatago ko. Mahilig pa naman mag-imbistiga ang babae na 'to.

"Ano? How do I owe you a pleasure?" ani ko.

"Wow, inglis na inglis a." Upo niya sa tabi ko sabay pangalumbaba at tinitigan ako. Napakunot ang noo ko.

LOVE AT FIRST TOUCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon