CHAPTER 12

47 1 0
                                    



"Kailan kaya ako makakatagpo ng tao na parehas ang aming nararamdaman? Na parehas ang tibok ng aming puso? Na pareho ang dikta ng aming isipan? Na parehas kami ng damdamin? Iyong parehas namin gusto ang isa't-isa? "


CHAPTER 12

Played the song: Kasalanan Bang Magmahal Nang Lubusan, before reading this chapter.

Wala akong ibang mapagsabihan ng hinanakit ko ngayon. Ni wala akong karamay sa aking lumbay at pangungulila.

Sarado ang buong silid habang ako ay nakaupo sa isang sulok at doon ay nagmumukmok. Sa isang madilim na silid na kung saan ay may isang pusong sawi. Sa madilim na silid kung saan mag-isa kong dinaramdam ang pait dulot ng pag-ibig sa maling tao. Tila parusa ang sakit na nararamdaman ko dahil sa kaniyang pagkawala. Sa kaniyang pag-iwan sa akin ay para na akong namatayan. Sa kanyang pagkawala ay para akong napilayan. Para akong ibon na nawalan ng kakayahang lumipad, at bigla na lang lumagapak sa lupa. Maraming tanong ang siyang tumatakbo sa aking isipan na hindi ko malaman kung saan ko pupulutin ang mga kasagutan. Bakit kung ang iba ay madali lang nila mahanap ang taong mamahalin nila, samantalang sa akin ay pahirapan? Bakit kaya ang malas-malas ko pagdating sa pag-ibig? Bakit ba lahat ng taong gusto ko ay nilalayuan ako? Bakit lahat ng taong minahal ko ay iniiwan ako? Hindi ko alam kung may mali ba sa akin? Kung may pagkukulang ba ako o lumabis ba ako? Hindi ko alam kung kakambal ko ba ang kamalasan dahil lahat ng taong mahal ko ay kinukuha sa akin. Gusto ko lang naman maranasan kung paano mahalin nang totoo. Gusto ko lang naman maranasan sumaya kahit papaano; na kahit sa kaunting sandali at kahit sa nakaw na sandali. Hindi ko alam kung bakit pinagkakait sa akin ang simpling bagay na iyon. Hindi ko alam kung bakit ang malas-malas ko pagdating sa love life. Lahat ng taong gusto ko ay nawawala sa akin. May minahal nga ako pero hindi naman ako ang mahal. Ako nga iyong kasama pero iba ang laman ng isip at puso niya. Kailan kaya ako makakatagpo ng tao na parehas ang aming nararamdaman? Na parehas ang tibok ng aming puso? Na pareho ang dikta ng aming isipan? Na parehas kami ng damdamin? Iyong parehas namin gusto ang isa't-isa? Ganito na ba ako kamalas kung paglaruan ng tadhana? Kasalanan bang umibig sa kapwa lalake? Kasalanan bang umibig nang totoo? Kasalanan bang magmahal nang lubusan?

Gulong-gulo na ang isip ko na para bang gusto ko na lang sumabog at mawala sa mundo. Minsan napakadaya na rin ng mundo. Bakit hindi niya na lang ibigay sa atin ang taong gusto natin?

Hindi ko alam kung ano pa ang saysay ng mabuhay na wala sa kaniyang tabi. Ang hirap masanay na kasama siya. Ang hirap gumalaw na para bang sa bawat kilos ko ay para akong laruan na walang baterya. Ngayong wala na siya ay wala nang taga bukas ng pinto sa tuwing uuwi ako. Wala nang dahilan ng pagka-excite ko na umuwe ng apartment araw-araw. Siya ang dahilan ng bawat pag-uwe ko. Ang dahilan kung bakit nanatili akong positibo at matatag kahit napapaligiran ako ng mga negatibong tao. Siya lang ang nagbibigay sa akin ng lakas. Hindi ko alam kung saan pa ako huhugot ng lakas, gayong ang lakas ko ay iniwan na ako.

Sa kaniyang paglayo ay para akong gasera na naubusan ng langis. Isang gasera na unti-unting napupundi hanggang sa nawalan na ng liwanag. Noong nakilala ko siya ay binigyan niya ng liwanag at kulay sa aking buhay. Noong dumating siya ay nasabi ko sa sarili ko na may tao pa lang tatanggap din sa akin kahit pa na hindi ako perpekto. Na may tao rin pa lang susugal sa akin kahit pa na may mali sa aking pagkatao. He lifted me out of my darkness, when he came. And now he's gone, even if my own darkness was being lifted, the darkness still the same. And in the snap of a finger, my happiness was turned away. Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Sa una lang pala ang saya. Sa una lang pala ang ligaya. Kung ano ang saya ko noong nakasama ko siya, ay doble ang sakit ngayon wala na siya. Kung gaano siya kabilis dumating sa buhay ko ay ganoon din kadali natapos ang sandali.

LOVE AT FIRST TOUCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon