CHAPTER 11

28 1 0
                                    

"I have no regrets for choosing and loving him; on his arms I found heaven. Siguro kung mayroon man akong malaking regret, ay iyong mga nagawa kong tama para sa maling tao." 

Play the song 'Sa Isip Ko by Jay r' while reading this part.

Isang madilim na ulap ang siyang nakasuklob sa aking puso, dahil sa labis na lumbay at pangungulila. Isang ulap na pabigat na pabigat hanggang sa unti-unti itong kumuwala ng malakas na ulan. Walang pagsidlan ang lungkot sa aking dibdib, na ani mo ay katapusan na ng aking mundo. Hindi ko lang lubos maunawaan na kung bakit sa dinami-rami na puwedeng lukuhin at saktan, ay ako pa ang siyang pinili ng tadhana. Marahil ganito na talaga ako karupok upang madaling mahulog sa pansamantalang tao, at magmahal sa isang tao na wala namang kasiguraduhan. Ganito na siguro ako kahina upang madaling maluko. Ganito na ako kabubo pagdating sa pagmamahal upang madaling maniwala sa mabulaklak niyang dila. Iyong tipong ginagago na ako ay kinikilig pa rin ako. Iyong tipong harap-harapan na akong niluluko ay nagpapasawalang bahala pa rin ako.

Amihan na uri ng pagmamahal ang siyang pinaranas sa akin ng tadhana. Amihan na dadaan para magbigay lamig sa aking kabuuan. Gaya ng pag-ibig ni Randulf, na isang malamig na hangin na dumaan upang iparanas sa akin kung gaano manginig. Kaya pala hindi na ganoon kainit ang kaniyang mga yakap sa akin dahil unti-unti na siyang nanlalamig. Kaya pala halos hindi ko na madama ang kaniyang presensiya dahil mayroon na pa lang iba. Masakit tanggapin na sa kabila ng lahat ay napili pa rin nila tayong saktan. Bakit ba sa dinami-raming puwedeng saktan, ay ako pa. Ako itong halos nagparaya. Ako itong halos walang nang itinira sa aking sarili. Ako itong halos nagpakaalipin para lang sa ngalan ng pag-ibig, ay ako itong napiling iwanan. Gaya nga ng sabi sa kanta; kung sino pa ang marunong magmahal ay siya pa iyong madalas maiwan'. Kahit pa na ibigay natin ang lahat-lahat kung choice ng mahal natin na saktan tayo ay wala na tayong magagawa. Pilit man nating itama o ipaglaban ang ating nadarama kung ayaw na nila, ay wala na tayong magagawa. Masakit man ngunit kailangan nating tanggapin na sa laban ng iyon, ay tayo ang natalo. Ngunit kahit batid kong hindi ako minahal, ay mananatili pa rin siya kahit sa isip ko na lamang.

Habang binabagtas ko ang daan pauwi sa apartment ay walang tigil sa pagpatak ang aking luha. I

wiped my tear-stained face. I can't even see the pictures around me because of tears which blocking my sight. My heart was on grief. My eyes were on severe pain. A lot of words of goodbye filling on my head, and it added some pain in my heart. Hindi ko alam kung paano magpaalam kay Randulf gayong hindi kaya ng dila kong magbigay ng ganitong mga salita. Hindi ko pa man ito nasasabi tiyak napapaiyak na ako. Leaving him is so painful, like I was nailed on the wood. But staying on his side with full of lies is more painful. Ang dami-dami nang rason para bitiwan siya pero bakit ang hirap gawin? How can I say goodbye to the person who I love the most. How can I say goodbye to the person that I used to be with. How can I say goodbye to the person who gave me a first kiss, who gave me a romantic touch? Paano na ang mga gabing malalamig? Paano ko pa haharapin ang umaga kung wala na siya? At paano na ako gayong nasanay na akong nariyan sa palagi sa tabi ko.

Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan na sinasakyan ko. Agad naman na tinawag ng driver ang atensyon ko na siyang paglingon ko sa kaniya. "Sir, dito na po tayo." Aniya. Agad ko namang nilibot ang tingin ko sa labas. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa amin. Pinahiran ko ang luha ko sabay bigay ng bayad sa driver. Binuksan ko ang pinto at siyang sara ko nito. Sa pag-alis ng sasakyan ay nanatili pa rin akong nakatayo sa gilid ng kalsada habang nakatingin sa gusali kung saan naroroon ang apartment ko. Lalong sumikip ang dibdib ko habang tinitingnan ko ang apartment ko na siyang muling pagpatak ng aking luha. Parang ayaw umabante ng mga paa ko. Parang hindi ko maihakbang ang mga paa ko pauwe dahil ayaw kong mangyari na ang araw na ito ay ang huling araw na makasama ko si Randulf. Huwag ko na lang kaya sabihin sa kaniya ang tungkol sa nalaman ko? Mag-pretend na lang kaya ako na walang alam para hindi niya ako iwanan?

LOVE AT FIRST TOUCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon