Pigilin ko man ito subalit hindi ang aking damdamin. Magbago man ang lahat pero hindi ang aking pagtingin. Sa huli ay dikta ng puso ko pa rin ang siyang nanaig.
CHAPTER 8
Before reading this chapter, please play the song Bakit Labis Kitang Mahal by Mark Carpio.
The night was deep. The stars shone in the midst of the darkness. All I can hear was the hitting of the waves on the beach, as I can hear my own weep. I can feel the cold breeze of the winter wind, as I can feel the sadness wrapping in my heart.
You can't understand someone's feeling, unless you had it. It might be sound crazy, but it is what it is. Fooling yourself to act everything's fine is the hardest thing people can do. You want to forget those memories and pictures on your head, but your mind kept reminding of every glimpse about him. Even when you closed your eyes, what you can see was his face; all you can hear was his voice. Until the pain forging in your heart, like a metal burning deep on your soul. Damn. How to undo this sadness.
Buong gabi akong mulat, at ni hindi ako madalaw-dalaw ng antok. Kahit anong pilit kong kumuha ng antok, at kahit iniba-iba ko na ang puwesto ko sa paghiga ay hindi ko magawang makatulog. Iisang tao lang ang tumatakbo sa isip ko sa gitna ng malamig na gabi. At sa isang tao na iyon ay kung saan-saan na dinala ng eksena ang isip ko na siyang nagdudulot ng hapdi at kirot sa aking dibdib. Natatakot ako na tuluyan na niya akong iwanan. Natatakot ako na baka hindi na niya ako balikan. Iyong takot ko noong magkasama pa kami ay dumoble. Iyong takot ko noong sa tuwing aalis siya ay naiisip kong may kahalikan siyang iba. Natatakot ako na baka may makilala siya nang mas higit sa akin. Sapagkat sa ganoong paraan kami nagkakilala, at baka sa ganoong paraan din siya makatagpo ng iba. Sa pag-o-over think ko ay hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. Hinahayaan ko lang na umagos ang aking luha pababa sa aking pisngi. Hindi ko lang kase maintindihan bakit bigla na lang siya nawala. Hindi ko malaman ang kaniyang dahilan kung bakit hindi man lang siya nagpaalam. Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit bigla na lang siya hindi nagparamdam. Para akong bata na nangungulila sa pagkawala ng kaniyang magulang. Walang araw at gabi kung siya ay aking isipin. Oras-oras, minu-minuto; ni segundo ay siya at siya ang nakaimprinta sa isipan ko. Hindi ko lang mawari kung katulad ko, ay iniisip niya rin ba ako. Kung kagaya ko ay inaalala niya rin ba ako. Kung hindi rin ba siya makatulog kaiisip kagaya ko. Walang kapares ang sakit na dulot nito sa aking dibdib. Sana pala hindi ko na pinasok ang kabanata na ito. Sana pala hindi na ako umasa na masusuklian niya ang lahat-lahat ng pagmamahal ko at lahat ng effort na ibinigay ko. Sana hindi na ako pumayag na pasukin namin ang ganitong relasyon, kahit noong una pa lamang ay batid kong maraming what ifs sa isip ko. Sana hindi ko na siya in-entertain at nang hindi gumulo ang buhay ko nang ganito. Marahil kailangan ko na siyang bitiwan at kalimutan para hindi na lalong maragdagan ang sakit na aking nararamdaman. Habang maaga pa ay tatapusin ko na ang kabanata na minsan ay may minahal ako, at may pinahalagahan ako. Pagod na pagod na ako. Pagod na akong magmahal. Pagod na akong umasa. Pagod na akong i-prioritize ang ibang tao, at ni kahit ano ay walang balik sa akin. Marahil tama si Luke. Kailangan ko muna ng big break, at unahin ko muna ang sarili ko. Kailangan ko munang pasayahin ang sarili ko, bago ko ibigay ang saya sa ibang tao. Kailangan ko munang mahalin ang sarili ko bago ko mahalin ang iba. Kailangan ko munang unawain at intindihin ang sarili ko bago ko iyon gawin sa iba.
Alas onse ng umaga nang magising ako. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa pag-iisip tungkol kay Randulf, at pag-iyak sa kaniya. Bumangon ako para magtimpla ng kape. Pagkatapos kong magtimpla ay binuksan ko ang pinto sa veranda at doon ay umupo ako para tingnan ang asul at mapayapang dagat. Hinigop ko ang kape. I took deep sigh. Buo na ang pasya ko na burahin na siya sa isip ko. Buo na ang pasya ko na kalimutan na siya at lahat-lahat ng memories naming dalawa. Kahit pa na masakit iyon at mahirap ay aking gagawin. Hindi ko na dapat pang panghinayanganan ang lahat-lahat ng tungkol sa amin. Hindi na ako aasa pa sa kaniya. Hindi na ako mag-e-expect na babalik pa siya. Less expectation, less hurt.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST TOUCH
Storie d'amoreThat was my first touch and my first kiss. Ang unang halik na halos tumagal sa aking mga labi. Kahit una ko pa lang siyang nakilala ay batid kong mahal ko na siya.