LAST CHAPTER

67 2 0
                                    

"Aking babaunin ang aral, saya at ligaya - na minsan ay minahal kita.That once in my life I fell in love on our first kiss. That I fell in love on our first romance. And I fell in love at the first touch."

LAST CHAPTER

Please play – Set you Free by Side A.

Ibulong sa hangin ang sakit.
Idaing sa ulan ang pait,
ngitian ang bawat hapdi -
ng sugat ng pagkasawi.

Isa sa pagkakamali na nagawa ko sa buhay ko ay iyong naniwala ako na mayroong taong nakalaan para sa akin. Iyong pinaniwala ko na ang taong iyon ay ako ang kaniyang mundo; na seneryuso niya ako. Ito ang mahirap sa akin dahil ang dali-dali kong ma-fall. Ang dali-dali kong ma-attach. Pero ang tagal bago ako makalimot. Ang tagal bago ako maka-move on.

Upang makahilom ang puso mula sa sugat ng kahapon ay mas makabubuti na limutin na ang lahat-lahat ng tungkol sa kaniya. Sapagkat kapag patuloy nating sinisilip ang ating mapait na nakaraan ay hinding-hindi tayo makakausad. Life is too short for us to waste our time in a wrong person. Kailangan na nating tumakas kapag alam nating hindi na tayo pinapahalagahan. Hindi na natin kailangan pang ipaglaban itong damdamin, sapagkat para saan pa kung siya na mismo ang umayaw. Ika nga, once you fell, just stood up and try to walk like nothing happened.

It's been six months since our story ends. At sa anim na buwan na iyon ay tinulungan ko ang sarili kong limutin siya. Subalit may mga oras pa rin na paminsan-minsan ay naaalala ko siya, pero hindi na ako gaanong nasasaktan. Hindi na gaanong masakit katulad ng sakit na nararamdaman ko noong unang buwan na iniwan niya ako. Minsan ay tinatawanan ko na lang iyong mga nagawa kong katangahan. Totoo pala na tiyaka mo lang ma-r-realize ang katangahan mo kapag lumipas na ang panahon.

Nag-aayos ako ng gamit ko nang biglang pumasok si Mama sa kuwarto ko. Alam na niya ang ang tungkol sa amin ni Randulf. Kahit hindi man niya sabihin ay nakikita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot. Sino ba namang ina ang hindi masasaktan kung nalaman nila na ang kaisa-isa nilang anak ay sinaktan ng iba. Maluha-luha siyang lumapit sa akin. Tinabihan niya ako.

"Mag-ingat ka roon sa Thailand a," haplos niya sa akin. Pinipigilan ko ang sarili kong mapaluha.

"Kayo rin Ma, mag-ingat po kayo rito. Mag-isa na lang ho kayo. Kung puwede ko lang sana kayo isama."

"Naku Raven. Simula noong namatay ang Papa mo ay sanay na sanay na akong mag-isa. Isa pa nandito naman si Loring at Osang na katulong ko sa bahay. Hindi naman nila ako basta-basta pababayaan. Ikaw ang dapat mag-ingat doon dahil wala ako sa tabi mo. Walang kakampi sa'yo kapag may mananakit sa'yo."

Napayakap ako sa kaniya. I sighed.

"Kaya ko naman ang sarili ko Ma." Hiwalay ko sa kaniya. "Kinaya ko lahat ng mga challenges sa buhay ko. Simula noong nag-college ako sa Maynila ay sarili ko lang ang kakampi ko. Marami mang bumabagabag sa akin ay nalagpasan ko iyon. Feeling ko nga ay ako ang grand champion sa hamon ng buhay ko. At heto nga, isa sa pinaka-worst na nangyari sa buhay ko, iyong mabigo sa una kong pag-ibig sa kapwa ko." Napatawa ako.

"Well, that is life anak. Ang makatagpo ng maling tao ay isang malaking aral sa buhay mo. Hurting is part of our life. But it doesn't mean na kapag nasaktan ka ay hindi ka na magmamahal, or it doesn't mean na hindi ka na makakatagpo ng tamang tao para sa 'yo. Time will come, may tao rin na darating sa buhay mo na hindi mo mamamalayan. And who knows, once you meet that right person ay gagawin ka niyang mundo. Hanga ako sa'yo kase kahit alam ko kung gaano kasakit maiwanan lalo na at first love mo pa. You fought that pain alone. Unlike noong nag-break kami ng unang taong minahal ko ay halos nagmukmok ako noon sa kuwarto, and I was feeling sorry for myself," she sighed. "What happened in your past, just forget about it. Leave your yesterday behind. Forget him. Hindi mo deserve ang ganiyang mga tao sa buhay mo. I knew that feelings. Alam kong mahirap umalis sa sitwasyon na ganyan," hawak niya sa palad ko. "Parang kumunoy na unti-unti kang hinihigop pababa hanggang sa hindi ka na makahinga. But moving on is a process anak. Hindi 'yan minamadali. Kung itong pag-alis mo ay makatutulong to heal your heart, at para maka-go forward ka, ay hindi kita pipigilan. Malaki ang tiwala ko sa'yo. At kilalang-kilala kita. Pinalaki kitang palaban. Tingnan mo, kahit maling tao ipinaglaban mo." Pareho kaming natawa na dalawa. "Kidding aside. Time goes by ay mawawala rin siya sa isip mo, at tatawanan mo na lang ang lahat-lahat. Tatawanan mo na lang na minsan kang naging tanga sa isang tao na walang pakialam sa nararamdaman mo. Mahirap mang bumitiw, pero kailangang gawin. Baka nga ito 'yong way ni God para alisin ka sa maling tao. Baka ito na iyong simula para mapunta ka sa tamang tao." Nginitian niya ako sabay yakap sa akin.

LOVE AT FIRST TOUCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon