Aking susulitin ang oras at panahon habang kasama ko siya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya makakasama. Hangga't nariyan siya sa tabi ko, ito ay aking pagkaiingatan. Lahat ay ibibigay ko kahit pa na mag-sakripisyo ako.
CHAPTER 6
Play the song You Change My Life in a Moment by Sarah G.
Six months later.
Naging masaya ako kasama si Randulf. Feeling ko ay pinunan niya ang lahat ng pagkukulang sa buhay ko. He's the missing piece in a puzzle - of my life. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa tuwing magkasama kami. Ni ayaw ko siyang mawalay sa akin. Gusto ko palagi siyang kausap. My day would never be completed without his sweet messages and 'I love you's. Sa tuwing nababasa ko ang kaniyang mga messages sa messenger ay para akong aso na kumakaway ang buntot sa labis na tuwa. His love is my anchor, and safe haven. Lahat ng pag-aalinlangan ko ay nawala. Maging ang lahat ng takot ko na baka iwanan niya ako. Malaki ang pagbabago sa buhay ko simula nang naging parte siya ng buhay ko. He is my eternal bliss. My sunshine in a cloudy day.
Sa loob ng anim na buwan na iyon ay kasama siya palagi sa gala ko. Nagtatabi ako ng budget para sa aming dalawa. Mas priority ko siya kaysa mga bagay na gusto ko. Dati ay puro online shopping ako, and I spent almost five thousand per salary. Pero ngayon, ang pera na pang shopping ko ay nilaan ko na sa kaniya. Nanunuod kami ng sine sa tuwing sahod ko na hindi ko naman ginagawa dati. Minsan ay nag-r-render ako ng two days VL na dikit sa day off ko para mag-o-out of town kami. Nag-staycation din kami sa Tagaytay at Batangas, at kung saan-saang beach din kami nakarating para lang mag-hang-out. Halos nalibot na namin ang buong beaches sa Batangas at Zambales. Pinaglaanan ko ng malaking budget ang aming paglabas na dalawa. Minsan hati kami sa gastos pero madalas ay ako ang lahat nagbabayad. Hindi naman ako nanghihinayang sa pera sapagkat madali lang naman ito kitain. Ang pera ay nababalik pa, pero ang sandali na magkasama kayong dalawa ay hindi. Hindi naman ako nanghihinayang sa mga nagastos ko dahil masaya ako, at masaya akong nakikita si Randulf na masaya sa piling ko. Kahit maubos man ang lahat-lahat sa akin basta't mapasaya ko lang ang taong mahal ko.
In that past six months ay umamin na rin ako sa mga kaibigan ko. Inamin ko sa kanila ang tunay kong sekswaledad. Masaya sila para sa akin dahil hindi na raw ako nagpapanggap. That was the best decision that I made in my entire life - to remove the mask concealing to my own identity, at para hindi na rin ako mahirapan sa pagpapanggap at pag-iwas. Kahit ang team ko ay nagulat sa aking rebelasyon sa kanila. Isa sa mga kaibigan ko ang nagtanong sa akin na kung bakit naisipan ko na umamin at lumantad. Ang sagot ko naman ay para makalaya na ako mula sa kasinungalingan at para malaman ko kung sino ba ang tao na mananatili sa tabi ko at lalayuan ako. Pero kahit pa na may mga taong ayaw sa akin ay hindi ko sila binigyan ng oras at atensyon. We can't please people to like us. Hindi ko na rin dapat pang paglaanan ng oras at panahon ang mga taong ayaw sa akin.
Ipinakilala ko na rin si Randulf kay Ken. Matagal na kase akong kinukulit ni Ken na gusto niyang makita si Randulf. Kaya noong may pagkakataon ay personal kong ipinakilala si Randulf sa kaniya. Nanuod kami ng sine ni Randulf that time. Niyaya ko si Ken, sabi ko ay isama niya ang jowa niya para hindi siya magmukhang third wheel sa amin ni Randulf. Hindi pa nga makapaniwala si Ken sa sinabi ko na ipapakilala ko na sa kaniya si Randulf.
Alas tres ng hapon nang magkita kami sa ticket booth. Hindi pa kami nakapila. Nang nakita ako ni Ken ay dali-dali siyang naglakad palapit sa akin. Nasa likuran niya ang kaniyang nobyo.
"Nasaan na si jowa?" she referred to Randulf.
"Bumili lang ng popcorn," turan ko.
Napatingin ako kay Ken. Bigla siyang natahimik at naestatwa. Para siyang nakakita ng multo sa aking likuran. Napatingin ako sa likuran ko nang may pamilyar na boses na nagsalita.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST TOUCH
RomanceThat was my first touch and my first kiss. Ang unang halik na halos tumagal sa aking mga labi. Kahit una ko pa lang siyang nakilala ay batid kong mahal ko na siya.