CHAPTER 2

99 1 0
                                    

"Ewan ko ba. Hindi ko lubos maintindihan, kung bakit ang dali lang para sa iba ang makahanap ng taong magmamahal sa kanila. Samantalang sa akin pahirapan. Para akong naghahanap ng sapa sa gitna ng malawak na desyerto."

CHAPTER 2

I am a closet gay. Takot akong ilantad ang sarili ko sa ibang tao. Takot akong ipakilala ang tunay na ako sa kanila. Wari ko ay pagtatawanan nila ako o hindi naman kaya ay gagamitin nila iyon laban sa kahinaan ko. Hindi pa ako handa na ipakita at ipakilala ang tunay kong pagkatao. Nakontento akong magpanggap sa abot ng aking makakaya. Ni isa sa mga taong nakasalamuha ko ay ni wala pang nagtangkang magtanong sa tunay kong kasarian. Marahil nga ay na-please ko sila sa pagpapanggap ko. Kahit nga sa sarili kong pamilya ay pinaglihiman ko. Ewan ko ba, wari ko kapag umamin ako ay hindi nila ako tatanggapin gayong ang laki-laki ng expectation nila sa akin. I'm a lone child. Madalas akong kinukulit ni Mama na mag-asawa na para na rin may makasama ako sa buhay. Hindi iyong puro ako trabaho. And that was my father's dream before he passed away. I felt guilty kase hindi ko magawa ang kanilang gusto para sa akin. I tried to have a girlfriend but we last for more than a year. Ewan ko ba, hindi ko talaga keri mag-jowa ng babae. Pero sa isang taon na naging kami ay hindi naman ako nagkulang sa kanya. I'd tried my best to be a good boyfriend for her, but I failed. Until I decide to end our relationship, dahil natatakot ako na lalo ko siyang masaktan kapag pinatagal ko pa iyon. Hangga't hindi pa malalim ang aming pinagsamahan ay tinapos ko na. Yes, ako ang nag-initiate na makipag-break. She was surprised when I asked her to split up. I explained that I have no ample time for her, dahil sa aking trabaho. Day shift siya, samantalang ako naman ay night shift. Minsan na rin kami kung mag-usap at magkita. She cried, and I hurt. Masakit pa lang makakita ng babaeng umiiyak sa harapan mo. After kong i-explain sa kaniya ang side ko at ang dahilan kung bakit gusto ko na makipaghiwalay ay natanggap niya rin ito. She leaves me no regret. She understood my situation.

Dalawang taon na rin ang nakalipas mula nang naghiwalay kami, at ni wala na akong balita sa kaniya. Ni hindi ko na rin siya nakakausap sa social media. Huling tingin ko sa IG niya ay nasa New Zealand siya at may kasamang foreigner na lalaki. Nagyayakapan pa sila. Baka nobyo niya ito o asawa na. I am happy for her because she found some one to love her unconditionally. Now, she finally found someone to love her, and I am still here - naghihintay ng hudyat kung kailan ako lalabas sa lungga ko. Naghihintay ng pagkakataon kung kailan ako lalantad at ipapakilala ang tunay kong pagkatao sa ibang tao.

Minsan 'di ko na rin maintindihan kung bakit tayo nalalagay sa ganitong alanganing pagkakataon at sitwasyon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito itatago. Basta ang alam ko lang, kuntinto na ako sa kung ano ako. At masaya ako sa kung ano mang mayroon ako. Siguro darating din ang tamang panahon at pagkakataon na handa ko nang i-spread ang pakpak ko, and to fly like a free butterfly.

-

Ten thirty in the evening nang nagising ako. Kamuntikan ko nang makalimutan na may massage schedule pala ako ng alas onse. Binuksan ko ang viber ko at may natanggap akong dalawang text messages at limang missed calls mula sa unregistered number. Binasa ko ang message na iyon.

Hi sir. Ako po ito si Mike. Papunta na po riyan si Randulf, ang masahista. Binigay ko na rin ang contacts saka address ninyo. Pa message na lang ho ako kung nakarating na siya.

In-scroll ko ang screen para buksan ang isa pang unknown number na nag-message.

Hi, I am Randulf from Ultimate Spa and Massage. Ni-refer ho kayo sa akin ng kasamahan ko. Pa-reply na lang ho if tuloy.

Dali-dali naman akong nag-reply sa kaniyang message. Mabuti at limang minuto pa lang ang nakalipas nang nag-send siya ng message. Nireply-an ko ang message ni Randulf. Ani ko ay tuloy, at humingi na rin ako ng paumanhin kong late ang message ko. Turan ko ay kagigising ko lang. Ilang sandali pa ay nag-reply siya. Aniya ay kasasakay niya lang raw sa MRT. Mag-m-message na lang daw siya ulit kapag papunta na siya sa apartment ko. Nag-reply ako ng 'okay' with matching ingat.

LOVE AT FIRST TOUCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon