Chapter 7: Reminiscence

423 23 4
                                    

Memories will forever be memories. It will never fade. -Noan Bagcal

--x

"Ingat ka," sabi ko saka hinalikan sa pisngi si Jerome.

Ang bilis ng oras. Aalis na pala si Jerome, parang kelan lang nung nalaman ko, at ito nga kasalukuyang nangyayari.

Bakit ba kasi kailangan nyang umalis? Sino nalang ang makakasama ko dito at makakausap?

Oo nga pala, nandito naman si ate Mika.

Pinanood lang namin syang maglakad palayo.

Naalala ko bigla ang nangyari sa airport na 'to 4 years back then.

*FLASHBACK*

"Please stay. Please," pagpupumilut nya.

Kanina pa nya ako pinipigilan, pero ayoko na. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kaya mas mabuting magpakalayo-layo nalang ako.

Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Ang higpit-higpit ng paghawak nya na parang anytime na mabitawan nya ako, hindi na ako babalik.

Ang sakit. Ang sakit sakit na ayaw nya akong bitawan, pero nagawa nya akong lokohin.

Sometimes, letting go is better than holding on.

"Goodbye Juan Karlos," sabi ko. Unti-unti kong hinila pabalik ang kamay ko.

Tulala lang sya habang nakatingin sa akin.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang mga mata nya, kung paano sya nasasaktan.

Pero sh*t lang. Ayoko na. Hindi ko na alam kung ano ang totoo.

Hindi ko alam kung sa bawat titig nya sa akin noon, pagpapanggap lang ba 'yon.

Wala na akong alam. Wala na akong alam na katotohanan.

Kapag pinagkatiwalaan mo ang isang ta, at niloko ka ang nito, nahirap nang ibalik ang tiwalang binigay mo sa kanya noon.

Nagsimula na akong maglakad palayo.

Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, ayan nagpatakan na. Para ngang falls eh.

I don't want him to see me crying. Crying in front of a person will make you a loser.

At ayokong makita na akong mahina.

"STEPHANIE! PLEASE STAY! I WANT YOU STAY! PLEASE!" Sigaw nya.

Ang sakit. Ang sakit sakit na talikuran ang taong mahal mo. Pero anong magagawa ko, niloko nya ako eh.

Niloko nya ako. Ginamit nya ako. Nagmukha akong tanga. Pinaglaruan nya ang nararamdaman ko.

Minahal ko sya, pero bakit ganito? Bakit ako nasasaktan? Bakit kailangan kong masaktan?

Naging masamang tao ba ako? Bakit?

Bakit sa dinami-daming babae sa mundo bakit ako pa? Bakit ako pa ang naisipan nyang paglaruan at gamitin?

*END OF FLASHBACK*

Hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako. Saka ko lang napansin nang maramdaman ko ang pamamasa ng pisngi ko. I quickly wiped my tears away.

***

Napahiga ako sa kama ko pagkauwing pagkauwi ko galing airport.

Napatingin ako sa picture ko sa may side table ng kama ko.

Just A Deal II: The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon