Chapter 11: Back to WA Part 2

304 29 15
                                    

Stephanie's POV

Napatayo ako sa kinauupuan ko at talagang gulat na gulat.

"Oh my gosh! I can't believe this!" Sabi ko at napatingin silang lahat sa akin.

Nakita ko naman ang pag-ngisi ni ni JK. Oh. Hmmm...

"Ikaw?!" Gulat na sabi ko.

Naglakad ako papalapit sa kanila.

"Did I surprise you babe?" Nakangiting asong sabi ni JK.

Huminto ako sa harapan niya at nginitian siya nang nakakaloko.

Naglakad pa ako papalapit. Closer and closer....

Hanggang sa nilampasan ko siya at binaling ang tingin ko sa kasama niya. Narinig ko naman ang pag-gasp ng mga kaklase ko.

"DARREN!" Tili ko at niyakap siya. "I miss you!"

Niyakap naman niya ako pabalik.

"Namiss rin kita," sabi niya bago kami kumalas sa yakap. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya.

"OMG Darren! OMG talaga!" I squeal at lumapit sa tenga nya. "Marami tayong pag-uusapan mamaya. Maraming marami," bulong ko sa kanya at naupo na kami.

Kakahiya naman sa klase kung ngayon kami mag-uusap ano?

Natapos ang klase namin at agad kong hinila sina Darren at Julia papuntang caf.

Umorder na rin kami ng kakainin namin at nakipagkwemtuhan na kay Darren.

"Naku! Naku Darren! Kung alam mo lang! Nako! Nako talaga! 'Yang kaibigan mo," sabi ko habang naiiling pa. Tinawanan lang ako ni Darren. Huh?!

"Ang cute mo," sabi naman niya at pinisil ang pisngi ko. Napapout nalang ako.

"Hindi ako cute. Maganda ako!" Mataray na sabi ko saka nag-flip ng hair. Ano say niyo? Haha.

"Nagbago ka na," sabi naman niya.

"Trueness!" Pagsang-ayon ko naman habang tumatawa.

"Oh. Ano nga palang tungkol sa kaibigan ko? May ginawa ba siya sa'yo?" Tanong niya nang may malokong ngiti sa labi niya.

"What's up with that smile? Huh, Darren?" Kumento ko. "Anyways, ayun nga! Baliw 'yang kaibigan mo. Sarap sakalin, sabunutan, sapakin, pagsasaksakin, barilin, imurder! Grr. Nanggagalaiti ako!"

"Oh. Relax lang. Papatayin mo naman kaibigan ko. Ano bang nangyari?"

At kinuwento ko nga 'yong nangyari. 'Yong nag-dinner kaming lahat tas 'yong sinabi niya. Hindi ko talaga 'yon matanggal-tanggal sa isip ko. At hindi ko talaga alam kung bakit napaka-affected ko sa sinabi niya. 'Di ba nga nakapag-move on na ako? Pero bakit ganoon pa rin ang pakiramdam ko? Haist. Ang gulo ko. Ang gulo-gulo ko. Nagulo na naman dahil sa JK na 'yan. Tsk.

*Flashback*

"Just let me make you fall in love with me again," seryosong sabi niya. Napalunok nalang ako.

I felt a tight knot on my stomach. Gaaah! At bakit ang bilis ng pintig ng puso ko? It can't be.

Okay Steph. Inhale exhale. Relax lang. Act normal. Si JK 'yan. Ang nanloko sa'yo. Huwag kang paapekto.

"You're insane. Baliw ka na," sabi ko, nang walang bahid ng kaba sa boses ko.

Hoo! Nice one Steph.

"Oo. Baliw na baliw sa'yo,"

Napairap ulit ako sa kanya. That's right Steph. Huwag mong ipakitang naaapektuhan ka. Pagpatuloy mo 'yan.

Just A Deal II: The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon