Chapter 4: Nice to meet you.. Again

634 40 16
                                    

One day you will want me and tell me sorry, but it'll be too late.

--x

Juan Karlos' Point Of View

"And cut! Nice nice. Perfect" sabi, nung director.

Nice na nga, perfect pa. Psh. Salamat naman at natapos rin. Agad akong umupo at sinandal ang ulo ko.

Nakakapagod na araw ito. Lagi na lang akong busy.

Biglang may umupo sa tabi ko at nag-offer ng kape. Tinanggap ko naman ang tasa ng kape at uminom. Hay, nakakaginhawa naman ang init ng kape.

"Nice one Jeks!" sabi nya.

"Palagi naman eh. 'Di ka na nasanay," biro ko.

"Asus. Bruu! Biglang humangin, ang lamig," sabi nya saka niyakap ang sarili nya. Binatukan ko lang sya. "Aray! Eto naman, di na mabiro!" sabi nya. Tumawa lang ako ng mahina.

"Puro ka kasi biro. Kailan ka kaya magseseryoso?"

"'Pag nasa harap na ako ng camera," sagot nya. Nagtawanan lang kaming dalawa.

Bigla kaming natigil sa pagtawa nang makita ko na naman sya. Napairap na naman ako.

"Oh ayan na ang magaling mong girlfriend," siniko ako ni Tracy.

"Hindi ko yan girlfriend. Mandiri ka nga sa sinasabi mo," napairap ako kay Tracy. Natawa lang sya ng mahina.

"Hi babe!" Iki-kiss na sana nya ako pero nilayo ko ang mukha ko. Nakita ko ang pagsimangot nya ng peripheral vision ko. Tsk.

Umupo sya sa tabi ko at kumapit sa braso ko na agad ko namang tinanggal.

"Lumayo ko nga sa'kin," iritang sabi ko.

"Bakit ka ba ganyan sa girlfriend mo?" inis na sabi nya.

Tss. 'Di naman kita girlfriend. Huwag kang assuming.

Tinignan ko lang sya ng masama at inirapan.

"Lumayo ka nga kasi," sabi ko.

Lumayo naman sya pero ninakawan ako ng halik sa pisngi. "Fine. Pero babalik ako mamaya," sabi nya saka na umalis.

Salamat naman. Wala na ang Amanda'ng yun. Hindi ko talaga akalain na naging girlfriend ko yun at nakipag-deal ako para lang magkabalikan kami. Hindi ko talaga ma-imagine. Masasabi kong baliw ako noon dahil nagkagusto ako sa babaeng yun. Hay.

Napalingon ako kay Tracy na biglang tumawa ng malakas. Kanina pa yan nagpipigil ng tawa. Best friend ko nga naman, pinagtatawanan ako.

Napatingin lahat ng tao sa amin--ay kay Tracy lang pala. Agad namang napatigil sa pagtawa si Tracy at nag-peace sign.

Haha. Ayan kasi. Namumula na yan sa hiya.

Ako naman ang napatawa, pero mahina lang. Hindi kagaya ng tawa ni Tracy.

Bigla nya akong hinampas sa braso. "Aray! Amazona ka talaga,"

Inirapan nya lang ako. Haha. Ganyan yan eh, ang lakas man-trip, pero kapag sya na ang na-trip-an, napipikon.

Bigla ko syang inakbayan. "Oy, eto naman. Haha," sabi ko.

"He-he!" inirapan nya ulit ako at tinanggal ang pagkakaakbay ko sa kanya. "Nga pala, may makakasama ka daw sa movie nyo,"

"Ha? Sino naman?" tanong ko.

Nagkibit balikat lang sya. "Ewan. Kontrabida daw ang role nya eh,"

"Woah. Kontrabida, astig!"

"Hollywood actress daw,"

"Talaga?! Naks naman," bilib na sabi ko.

Just A Deal II: The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon