Chapter 17: Pagod

244 21 3
                                    

Nakauwi na ako sa wakas! Waaah! Nakakapagod sa mall grabe!

'Yung baby, napagdesisyunan namin ni JK na kaming dalawa muna ang mag-aalaga. Salitan kami, bale siya Monday, Wednesday at Friday. Ako naman Tuesday, Thursday at Saturday. Kung nagtataka kayo kung papaano namin siya maaalagaan eh papasok pa kami sa school? Secret. Sa'min nalang yun kung paanong paraan ang gagawin namin. Huwag na kayong mangealam. Any complain? Kung meron, sasapakin kita. Joke lang!

Ta's kaming dalawa na kapag Sunday. Oh, diba okay na rin 'yun. So 'yung baby, dun muna sa bahay nila JK namin iniwanan. May party pa nga kami diba? Hindi naman namin pwedeng dalhin 'yung bata, baka hindi namin maasikaso, tas baka mas lalo lang lumala 'yung about sa FAMILY chenes nila ano. For crissake! I'm only 17 tas si JK 18. Tsk. Tsk. Tsk. As if naman papayag akong may mangyari sa'ming dalawa.

Teka?! Ano naman 'tong pinagsasabi ko?!

Pinilig ko ang ulo ko at tinitigan ang repleksyon ko sa salamin. Grabe, I'm so pretty talaga. Akalain mo 'yun, 'yong dating manang at nerd na si Stephanie, ngayon ay isa ng sexy at pretty na Steffi Clair.

"Okay na 'to," sabi ko at muling inayos ang buhok ko at taddah! Okay na talaga. Kinuha ko na yung pouch, susi at cellphone ko sa bedside table at lumabas ng condo unit ko. Pagkasara ko ng pinyo ay may nakita akong bulaklak na nasa sahig sa harap ng pinto ko. Pinulot ko naman iyon at napakunot ng noo. Kanino 'to?

In fairness, ang ganda ng pagkaka-arrange ng bouquet. Napansin ko namang may nakalagay na papel sa bouquet kaya kinuha ko iyon at binasa.

See you later Stephanie :) Mahal kita! At handa akong maghintay at maghirap para lang mapatawad mo ako at bumalik ka sa'kin. - JK the handsome

Ewan ko pero bigla nalang akong napangiti. Kahit kailan talaga mahangin pa rin siya. Pero wag ka! Hindi ako kinikilig. Okay? Flowers lang 'to saka hmmp, malaki ang atraso niya sa'kin ano. Akala niya makukuha niya ako sa simpleng pagbigay niya ng bulaklak? ASA.

Pagkarating ko sa place na gaganapan ng party ay marami na agad ang bumabati sa akin. And me being a bitch? Wala chin up lang ako habang patuloy pa rin sa paglalakad. Bakit ba? Trip ko magpaka-bitch ngayon eh, saka matagal-tagal na rin akong naging mabait ano. Haha!

Pero joke lang 'yon. Pero totoo 'yong part na hindi ko sila binabati. Eh bakit ba? Hindi ko naman sila kilala eh, saka 'yong mga kakilala ko lang naman ang mga binabati ko. Madami kasing tao dito sa venue, hindi ko nga akalaing ganito kadami ang pupunta and I thought kami lang na part ng Prod. ang pupunta.

Pagkarating ko sa table namin ay sakto namang dumating na rin si ate Aira.

"Hi Steffi!" Bati niya at nakipag-beso sa akin.

"Hello ate! You're so pretty tonight huh? May date ka?" Pang-asar na tanong ko na tinawanan naman niya.

"Date ka diyan. Mukhang ikaw nga 'yong may date eh," sabi naman niya at tinaas-baba pa ang mga kilay niya. I furrowed my forehead.

"Pinagsasasabi mo diyan. Wala 'kong date 'no," sabi ko at kumuha ng tissue and I gently wiped it on my temple.

"Sus. Wala daw eh, nandiyan nga sa likod mo 'yong date mo oh," sabi niya na nagpakunot na naman sa noo ko. "Aba't ngiting-ngiti pa siya oh," sabi niya at nakangiti pa ng nakakaloko habang nakatingin sa likod ko.

Napalingon naman ako sa tinutukoy niya at napairap nalang ako nang makita ko kung sino 'yon. Duh? Siya? Date ko? No way!

Nang makarating na sa table namin si JK ay tinaasan ko kaagad siya ng kilay.

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko na tinawanan lang niya. "At anong nakakatawa sa sinabi ko?"

"Nandito po ako kasi member din ako ng Prod at nandito ako para makipag-celebrate," nangingiting sagot niya. "Nandito rin ako kasi reserved para sa'min ang table na 'to."

Just A Deal II: The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon