Chapter 13: Jogging pants and roses

279 23 6
                                    

Juan Karlos' POV

Scroll. Scroll. Scroll.

Ah! Ayan. Nakahanap din. Kasalukuyan akong nagsisearch nang pwedeng una kong ibigay para kay Stephanie. At sa wakas, meron na.

Agad akong tumayo at kinuha ang susi ko at nagbihis. Simple lang ang damit ko, white v-neck shirt at pantalon lang.

Nilock ko na ang kwarto ko at nagmadaling lumabas. Wala kaming shooting ngayon at Lunes na naman ngayon kaya maibibigay ko ito kay Steph.

Syempre, magpapa-pogi points ako kay Steph. Haha.

Pumunta akong flowershop at bibili ng bouquet ng flowers na nabasa ko sa Google na pwedeng ibigay kay Steph.

Pagka-order ko ng flowers ay binigyan ako ng nagtitinda ng nagtatakang tingin.

"Para saan po ito?" Tanong niya at saka tinuro ang flowers.

"Ah, para sa future girlfriend ko, susuyuin ko siya," masayang sabi ko. Tumango nalang 'yong babae at lumabas na ako.

Hayy, sana lang magustuhan ni Stephanie ito.

Stephanie's POV

"Gising na Teph!" Tinakpan ko ang ulo ko ng unan. Ang ingay lang niya, super.

It's so early pa kaya tas ang late pa naming natulog kagabi kasi naisipan naming magmovie marathon saka dito na rin siya natulog. Like seriously, sinong matinong tao ang magmu-movie marathon sa Sunday night? Baliw lang talaga kami. Hayaan na natin.

"Hey! Tulog mantika! Gising na!" Naramdaman ko ang pagtapik niya sa ulo ko kaya nag-groan lang ako.

"Gusto ko pang matulog," antok na sabi ko sa kanya na hindi manlang tinatanggal ang pagkakatakip ng unan.

Inagaw naman niya yung unan mula sa akin kaya tinignan ko lang siya ng masama.

Nagpameywang naman siya at tinaasan ako ng kilay.

"Ano? Tutulog ka pa ba diyan? Late na oh!" Sabi ni Julia at tumingin pa sa wristwatch niya. Naka-ayos na rin siya. Wow ha, edi siya na ang early bird. Nahiya naman ako.

"I wanna sleep pa. Please give me some minutes," sabi ko at nagkusot ng mata.

"Okay. Sige. I-invite ko nalang dito si JK para siya nang gumising sa'yo mamaya,"

Agad naman akong tumayo at dumiretso sa banyo.

"OO NA! MALILIGO NA KO! EARLY BIRD!" sigaw ko at narinig ko nalang ang pagtawa niya. Langyang bruhang 'yon.

Pagdating namin sa school, konti palang ang estudyante. Like, hello? Ikaw ba naman pumasok ng 6:30 kung 7:30 palang ang simula ng klase. Ang aga talagang gumising nitong si Julia, e nagpuyat nga kami kagabi. Siguro hindi na 'to natulog kakaisip kung anong pwede niyang gawin para magkaayos sila ni Darren.

Ito rin naman kasing si Julia, ang tagal ng 4 years ha, pero 'di natin masisisi mommy niya.

Pagpasok ko sa room may sumalubong sa aking group of girls at napairap nalang ako nang makita ang nasa unahan nila.

"Nakakasira ng mood," bulong ko sa sarili ko at hindi nalang sila pinansin.

Pumagilid ako at aakmang maglalakad na muli nang harangan ako ni Amanda.

"Excuse me?" I said sarcastically as I folded my arms on my chest. She smiled from ear to ear as if she has an inside joke.

"Hello my dear cousin," ngiting asong bati niya, which is so plastic. Ang sarap niyang ihukay sa lupa, promise.

Just A Deal II: The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon