Chapter 9: Fall in love with me again

311 24 2
                                    

Juan Karlos' Point Of View

Nakatingin lang ako kay Stephanie habang nag-aayos siya. Nasa set na naman kami at hindi ko talaga maiwasan ang tumitig sa kanya.

I miss her. I miss her so much. Miss ko na ang dating siya. Sana bumalik na siya sa akin. Sana bumalik na siya sa dating Stephanie na nakilala ko. Na minahal ko.

"Baka matunaw. Huwag masyado. Uy," kinalabit ako ni Tracy at bumulong. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Ano na naman?" Iritang tanong ko.

"Sasabihin ko lang naman sa'yo mister na kanina ka pa tinatawag ni Direc. Aba't hindi ka manlang kumikibo. Nakatulala ka lang at tulo laway pa," mataray na sabi niya.

Napahawak naman ako sa gilid ng labi ko pero wala naman akong nahawakang basa. Tumingin ako kay Tracy at sinamaan lang ulit siya ng tingin.

"PMS Jeks?" Pang-aasar pa niya. "Joke lang naman,"

"Psh," nalang ang nasabi ko at tumayo na.

***

Naka-upo lang ako habang hawak-hawak ang phone ko. Tapos na ako sa parte ko, at sina Stephanie naman ngayon ang nagsho-shoot. Pinapanood ko lang siya.

Ang dami na talagang nagbago sa kanya. Mula sa pananamit niya, hindi mo talaga maiisip na isa siyang nerd na manang noong nag-aaral pa kami sa WA.

Kumusta na pala kaya doon? Matagal na panahon na rin ang lumipas.

Nagbago na rin ang ugali niya. Parang naging bitch na siya. Pero hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko pa rin siya, minamahal at mamahalin.

Kahit na naging jerk ako noon. Gagawin ko talaga ang lahat para mapatawad niya ako.

Natapos na sila at sumilong na. Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ko lang. Bigla tuloy akong kinabahan. Ewan ko, basta napapalapit kami sa isa't isa, palagi nalang bumibilis ang tibok ng puso ko. At tsaka, naiilang pa rin ako sa ginawa ko kahapon. Nahihiya pa rin ako sa kanya.

Ikaw ba naman kasi ang biglang lalapit at yayakap sa kanya. Nairita ko pa yata siya.

Napatitig na naman ako sa kanya. Ang ganda-ganda na talaga niya. Mas lalo ako nahuhulog.

"Done checking me?" Sabi niya nang nakangisi at bigla ko nalang naramdaman ang pag-iinit ng mukha ko.

What the?! Bakit ako ang nakakaramdam nito? Nakakabakla. Dapat siya yung pinagba-blush e, hindi ako.

I heard her chuckled at inirapan niya lang ako. Tumayo na siya at naglakad papunta kela Ian.

Hindi na talaga ito maaari. Hindi pwedeng ganito nalang palagi. Dapat gumawa na ako ng paraan. Dapat mapatawad na niya ako. Ayokong ganito nalang kami palagi. Na hangin lang ako sa kanya.

Mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para mahalin ulit niya ako.

***

Nagsalo-sali lahat ng crew at staffs. Ang saya saya namin. . . Nila.

Nanonood lang ako sa kanila habang nagtatawanan at nag-aasaran lang sila.

"Ba't kasi ang liit mo ha, Tracy?" Ayan na naman sila sa pang-aasar kay Tracy.

"Sige. Asarin niyo pa ako," seryosong sabi ni Tracy at nagtawanan lang sila.

"Oo nga naman. Huwag niyo na ngang asarin 'tong si Tracy, kakapal pa kilay nito," nakakuha lang ng batok si Grae sa kanya. Nagtawanan lang ulit sila. Napapangiti nalang ako.

Nagkulitan lang sila nang nagkulitan. Habang ako naman ay nanonood lang.

Ano kayang pwede kong gawin? Bigyan ng chocolates? Flowers? Teddy bears? Isurprise ko siya? Ano?

Ang hirap naman oh. Nauubusan ako nang naiisip.

"Oh JK! Ang tahimik mo ata ngayon. Panis na laway mo niyan," kinalabit naman ako ni Grae.

"Ah. . . Kasi. . . W-wala! May iniisip lang ako," sabi ko sa kanya.

"Talaga JK? Ano nakapag-isip-isip ka na ba? Sasagutin mo na ba ako? Tayo na ba? Sabihin mo JK! I don't take no as an answer," nabatukan ko naman si Grae sa pinagsasasabi niya. "Aray naman. Hindi pa tayo pero sinasaktan mo na ako. Mahal mo ba ako JK?"

Nagtawanan lang kami.

"Sobrang gwapo ko pala na pati ikaw nababakla Grae," mayabang na sabi ko.

"Wooh! Ang hangin!"

At nagtawanan lang ulit kami.

"Alam mo Grae," pinatong ni Ian ang kamay niya sa balikat ni Grae. "Ang kagwapuhan ni JK. Para lang kay Tracy. Di ba Tracy?" At ngumiti siya nang parang may sinasabing kung ano kay Tracy. Pinanlakihan naman ni Tracy si Ian ng mga mata.

"AYIEEE! Kiss na yan!" Pang-aasar ni Grae kay Tracy.

"T-tumigil nga kayo!" Saway sa kanila ni Tracy.

"Ayieee! JK! Lapitan mo nga," sabi naman ni Grae at tinulak-tulak pa ako papatayo.

Nginitian ko naman siya at at the same time nangiti. Lumaput naman ako kay Tracy at inakbayan siya.

"Inaano niyo na naman ang baby ko?" Sabi ko at ngumiti.

"Ayieeeee! Karcy!" Sigaw nilang lahat sa kilig.

Narinig ko naman ang pagtikhim ni Stephanie kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Uh? Sorry. Excuse me for a while," sabi niya at tumayo.

Posible kayang. . . Nagseselos siya?

Napailing nalang ako. Huwag kang mag-assume JK.

Sinundan ko nang tingin ang paglakad niya palayo. Tumayo na rin ako kaya napatingin din lahat sila sa akin.

"Excuse rin. Susundan ko lang siya," sabi ko at naglakad na.

Narinig ko pa ang pag-'ouch' nila.

"Iniwan ka na niya Tracy! Haha!"

Hindi ko nalang sila pinansin at sinundan si Stephanie.

Nakita ko siyang nakatayo lang at nakatalikod sa akin. Nilapitan ko siya at niyakap kahit nakatalikod siya sa akin.

Naramdaman ko naman ang paggalaw ng katawan niya dahil sa gulat.

Hinarap niya ako at tinulak.

"Ano ba?!" Sigaw niya. "Ba't bigla ka nalang nangyayakap?"

"Wala. Bakit? Nagustuhan mo ba?" Nakangiting sabi ko. Inirapan niya lang ako.

"Please lang. Stay away from me," sambit niya.

"You have changed," sabi ko at tsaka ngumiti sa kanya. "But you know what? Kahit na nagbago ka, hindi pa rin nawawala ang Stephanie'ng minahal ko. Oo, nagbago ka na nga, pero hindi nagbago yang puso mo,"

"JK stop that!" Saway niya sa akin at nag-iwas nang tingin.

"Alam kong wala ka ng nararamdaman sa'kin. At alam kong galit ka pa rin sa'kin. Pero sana, let me do what I want. Give me another chance please," hindi ko napansin, tumulo na pala ang mga luha ko.

"At ano naman ang gusto mong gawin?" Mataray niyang tanong sa akin.

"Just let me make you fall in love with me again," seryosong sabi ko.

Tinawanan niya lang ako. Ang sakit. Ang sakit na tinatawanan na lang niya ako, hindi gaya nung dati na makikilig siya kapag niyayakap ko siya, na kinikilig siya kapag sweet ako.

"You're insane. Baliw ka na,"

"Oo. Baliw na baliw sa'yo,"

Napairap ulit siya sa akin. "Do whatever you want. But U'll make sure I'll never fall for you again. You'll never win,"

"Let's see," sabi ko at nginitian siya.

This is it. This is the start. I'll make sure I'll win. I'll win your heart, Stephanie Agustin.

Orayt! Rock and Roll to the world!

Just A Deal II: The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon