Chapter 8: I Miss You

315 22 1
                                    

From Julia: Gurl! Date tayo. See you sa mall. :*

Pagkabasang-pagkabasa ko ng text ni Julia ay bumangon na ako sa pagkakahiga. Naglakad ako papunta sa walk in closet ko at kumuha ng damit. Dumiretso ako sa banyo at naligo.

Namiss ko na ang bruhang 'to at tamang tama lang na nag-aya syang magdate kami.

Nakabihis na ako. Simple lang 'yong damit ko. Simple Hollister na blue and white stripes hang in shirt at Black skinny jeans lang, 'yong flat dollshoes ko lang at isama pa ang Jansport bag ko. Err, student lang ang peg? Wala e. Trip ko lang maging simple. Saka nakakamiss din 'yong ganito. Simple lang, at saka pass muna 'ko sa bitchy outfit.

Nilagay ko na sa bag ko ang mga necessary things ko like wallet, cologne, cellphone, foundation powder, lipstick, credit cards and some stuffs. Lumabas na ako sa condo unit ko at bumaba na. Oh well, in all fairness, parang bumalik ako sa simpleng buhay ko. 'Yong hindi pinagkakaguluhan. Mas mabuti na rin ito.

Pumunta ako sa harap ng building at doon na nagpara ng taxi.

***

Pumasok na ako sa mall at dumiretso sa meeting place namin ni Julia.

Nakita ko naman siya doon at naghihintay na siya sa akin. Nakadungaw lang siya sa labas.

Napangiti naman ako at lumapit sa kanya, syempre hindi ako nagpakita sa kanya. I just want to surprise her kaya naglakad ako sa likod niya.

Gusto kong matawa dahil hindi niya talaga napansin.

1. . . .

2. . . .

3. . . .

"BOO!" Panggugulat ko sa kanya mula sa likod niya at napatayo naman siya.

"Anak ng pusang kinatay na ginawang siopao na nilagyan ng napakasarap at napakaraming sarsa! Oh my gosh Stephanie! Aatakihin pa yata ako sa puso nang dahil sa'yo," sabi niya nang dire-diretso habang nakahawak pa sa dibdib niya. Natawa nalang ako sa naging reaksyon niya. She opened her arms wide nang maka-recover na siya sa pagkagulat. "Namiss kita bruha!" Sabi nya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. "Namiss rin kita bruha!" Pagkakalas ko sa yakap tinawanan ko kaagad siya.

"Oh? Tinatawa-tawa mo diyan?" Nagtatakang tanong niya.

"You want siopao?" Tanong ko habang nagtataas-baba ng kilay. Inirapan niya naman ako. "What now?"

"Psh," she hissed at natawa nalang ako. "Oh sige. Tara sa chowking. Ginutom mo 'ko e,"

"At ako pa talaga ha?"

Hinablot niya ang kamay ko at kinaladkad.

"Tara na nga lang," sabi niya at nagpatangay nalang ako.

***

Napadighay si Julia nang matapos na kaming kumain.

"Sharap," sabi niya habang nginunguya pa 'yong panghuli niya.

"Saan tayo after this?" Tanong ko.

"Bumalik tayo sa mall, duh," at inirapan niya pa ako.

"'Kay, fine," mataray na sabi ko at tumayo na. "Bilisan mo diyan. Kanina ka pa lamon nang lamon e,"

"Sorry naman. Papababain ko lamg ang kinain ko,"

"Psh," I hissed.

Bumalik na kami sa mall. Wala naman kasing Chowking sa mall ng 'to.

Nagshopping lang kami. Typical girl things. At nagpipili ako ngayon ng dress.

Linapitan ko ang dress na napusuan ko. Just wow. Ang cute nung red dress na 'yon.

Kukunin ko na sana nang may bigla ring humawak dito. Napatingin naman ako sa babaeng 'yon at tinaasan nang kilay.

"Sorry miss, but I'm first with this," sabi ko.

"So? I don't care kung nauna ka man. Bakit? Mababayaran mo ba?"

What the! Aning akala niya sa akin? Mahirap? Excuse me. Simple lang ang damit ko ngayon, but that doesn't mean na naghihirap na rin ako. Bitch please.

"So? Don't you know the policy First come, first serve? Or you're just too idiot to know it. Poor brat," mataray na sabi ko.

Oo, I can say na mayaman ang nasa harapan ko. With her outfit, skin, no doubt na may kaya 'to. But duh? Yung ugali, katurn-off.

"It's just that I'm not generous with people who can't even afford to buy G-tech ballpen," Aba't minamaliit niya ba ako?

"Excuse me?" Pagtataray ki at binaba ang suot kong shades. Oo naka-shades ako. E bakit ba?! Trip ko magshades eh. Para iwas gulo. Alam nyo na. Hollywood star. Hihi.

Nagulat naman siya nang makita niya ako. Nanlaki pa nga ang mga mata niya at napa-gasp.

"Oh my g! Steffi Clair! OMG!" And she screamed.

Err. Nakakarindi ang matinis niyang boses.

"My gosh! Alam mo ba, you're my idol. OMG I didn't expect this!" Sabi pa nya. "Oh my gosh. Okay! Sa'yo na 'tong dress. I'll pay for it. Gift ko sa'yo,"

Ngayon naman, ang bait-bait niya at wow siya pa daw ang magbabayad? Tsk. Bitch please.

"No thanks. No need to pay for it. Kaya ko namang bayaran e. Bilhin ko pa ang mall na 'to," sabi ko. "And one thing more, I don't like people na pakitang-tao lang. So. . . Please don't act as if you're nice, psh," sabi ko at tinalikuran siya. Nakita ko naman si Julia na gulat na gulat sa nakita niya.

"Hey. Let's go?" Sabi ko at hinila na siya.

***

Titig na titig lang sa akin si Julia habang kumakain kami ng dinner. Nandito pa rin kami sa mall.

"Stephanie,"

"Hmm?"

"I miss you," sabi niya. Ngumiti nalang ako at tumawa nang mahina.

"I miss you too. Kaya nga bumabawi na ako diba?"

"No..." umiling siya. "I mean... I... I miss the old you," sabi niya at nag-iwas ng tingin.

Napakunot-noo naman ako sa sinabi nya. "What do you mean?"

"I miss the old you. Yung ikaw dati. Yung mabait, mapagbigay, mapagkumbaba. Yung simple lang. Yung Stephanie'ng inaayusan ko. I miss the old you Stephanie. Pwede bang ibalik mo ulit siya?"

Ako naman ngayon ang napaiwas ang tingin. "Sorry. I can't. I just can't... and I don't sorry," nalungkot naman siya sa sinabi ko at pinilit ngumiti. "Excuse me," sabi ko at tumayo tsaka naglakad palayo. Mamaya nalang siguro ako babalik.

Naglalakad-lakad lang ako dito sa mall habang nililibot ang paningin ko.

Ang daming tao, pero di kagaya kanina, mas kumonti na ngayon.

May magkakasamang magpapamilya, may magkasintahan, may mga magbest friend at meroon ding mag-isa.

Hay. Lalakad pa sana ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Nagulat ako at nagtaasan ang mga balahibo ko nang bumulong siya sa tenga ko.

"Stephanie, I miss you,"

Dugdug. Dugdug.

Oh My Gosh. Bakit ganito? Bakit kinakabahan ako. B-bakit kakaiba ang pakiramdam ko?

Napapikit ako. No. No way. Hindi ito maaari.

Just A Deal II: The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon