I hate love. (COMPLETED)

279 8 3
                                    

"Ayoko na, Julia. Hindi kita mahal. May mahal akong iba."

"Sino?" 

Parang dinudurog yung puso ko habang sinasabi niya yung mga salitang hindi ko matanggap. Habang inaamin niya yung totoong nararamdaman niya na matagal na pala niyang tinago. 

"Si Sarah--"

"Si Sarah?"

Si Sarah yung bestfriend ko. Bestfriend kong akala kong totoong kaibigan. Bestfriend kong tinrydor ako. Bestfriend kong niloko ako.

"Oo. Si Sarah. 2 taon na kami.. Sorry, Julia. Sorry pero hindi talaga kita minahal. Pinagpustahan ka lang namin ng mga tropa ko. Sinabi nila kung mapapasagot kita, bibigyan nila ko ng 10 libo. At kailangan ko yung pera na yun para sa tuition fee ko kaya ko nagawang tanggapin yun. Kaya ko nagawang lokohin ka."

Sa sobrang sakit, nasampal ko si Billy. Sobrang sakit.. "Kapal ng muka mo."

"Sorry Julia--"

Pagsabi niya sakin nun, tumakbo na ko palayo. Hindi ko na kayang marinig pa yung mga walang tigil niyang explanation. Hindi ko kailangan yun. Niloko niya ko. Yun na yun. Wala nang iba pa. 

 ....... yan ang huling naalala ko nung huling akong nagmahal.

Ako nga pala si Julia Concepcion. 16 years old. Sa murang edad ko, naranasan kong masaktan. At hindi sapat ang salitang "sakit" para maipaliwanag kung gano kasaklap kung naramdaman ko nung niloko ako ng huling lalaking minahal ko. 10 buwan. 10 buwan kong sinayang yung oras ko sa taong niloloko lang pala ko. 

Naniniwala ako sa love...... noon

Pero simula nung nasaktan ako? Hindi na. Ang daming gustong manligaw, pero hindi ako nagpapaligaw. Lahat sila HINDI ang tatanggap na salita galing sakin tuwing tinatanong nila, "Julia, pwede bang manligaw?" PWE! Mga bulaklak at chocolate? Binabasura ko lang. Mataray ako sa lahat ng may gusto sakin. Oo, man-hater ako. Kasi palagi ko iniisip, lolokohin lang ako.

Pagibig? Hindi totoo yan. Walang totoo diyan. Lahat ng lalaki, manloloko.

I hate love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon