Chapter 6

49 1 0
                                    

Nasa bus na lahat ng studyante at pauwi na. Nakakapagod pero hindi ko parin maiwasan na hindi isipin yung sinabi ni Terrence sakin kanina lalo na yung pagyakap niya. Hindi naman ganun yun eh, siguro nga may problema talaga siya, hindi ko lang talaga masense kung ano yun.

Pagdating ko ng bahay, gabi na rin kaya naman nagtungo na ko sa kwarto ko. Hihiga na sana ako pero biglang may kumatok sa kwarto.

"Pasok!"

Pagbukas ng pinto si Mama yung nakita ko.

"Ma, bakit?"

"Anak, may importante sana akong sasabihin sayo."

Kinakabahan nanaman ako.

"Ano yun, Ma?"

Umupo naman si Mama sa kama ko at humarap sakin.

"Alam ko naman naiintindihan mo na mahirap talaga ang buhay ngayon kaya balak ko sana na magtrabaho sa ibang bansa dahil wala na tumatanggap sakin dito sa Pinas."

"Saan naman, Ma?"

"Sa Amerika. Kukunin ako ng Tito Ricky mo."

Nalungkot ako bigla. Hindi kasi ako sanay na wala si Mama eh. Onti na nga lang kami dito sa bahay tapos aalis pa siya. Tapos si Kuya madalas pa wala sa bahay. Pano na ko?

Niyakap naman ako ni Mama dahil alam kong naramdaman niya yung pagkalungkot ko. 

"At yung Kuya mo naman lilipat na muna ng bahay dahil sa Cebu na siya nilipat."

"Pano na ko?" tanong ko kay Mama.

"Ibibilin kita sa kaibigan ko. Don ka muna titira sa kanila pansamantala. Saglit lang naman ako mawawala. Siguro mga 5 months lang."

"5 months lang?" lang ba yun? Ang tagal nun.

"Kailangan natin ng pera, kailangan mo magaral."

Tama si Mama. Kailangan namin ng pera dahil wala na yung Tatay ko para sustentuhan ako. May pamilya na rin kasi siyang iba. 

"Kelan alis mo, Mama?"

"Next next week na."

"Hayyyyy.."

"Sige na, Anak, matulog ka na. Alam ko namang pagod ka na bukas mo nalang ayusin yung mga gamit mo. Goodnight."

"Goodnight Ma." nagkiss naman ako sa kanya at umalis na siya sa kwarto ko.

4:00 na pero hindi parin ako makatulog. Nalulungkot ako. Mas lalo kong naramdaman na parang walang natira sakin. Mas lalo ko mararamdaman na magisa ako. Ang hirap naman nun. Ang hirap kapag walang magulang. Ang swerte nga nung mga kompleto yung family eh. 

Pero alam kong kahit hindi naman kompleto yung pamilya ko, hindi dahilan yun para hindi ko ituloy yung buhay ko. Mas magsisikap ako para sa sarili ko. 

Alam kong hindi na ko makakatulog kaya naman bumangon nalang ako sa kama ko, nagalmusal na at naligo na. Nung malapit na umaraw, lumabas ako ng bahay para maglakad lakad. Nakakamiss rin kasi eh. 

Hinayaan ko kung san ako dalihin ng paa ko. At syempre don ako sa Park nadala. Don kasi makakapagisip isip ka tapos ang hangin. Napaupo nalang ako sa isang bato don. 

Nagiisip..

Nasa kalagitnaan ng page-emote ko don nung biglang may tumabi sakin. 

Nagulat ako nung paglingon ko sa kanya..

Si Terrence.

"Bakit ka nandito?" tanong niya.

"Nagiisip lang."

I hate love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon