Chapter 9

32 1 0
                                    

"HINDI PWEDE! HINDI PWEDE!"

"Eh bakit nga ba hindi pwede?"

Kinakausap ni Julia yung sarili niya. Nakahiga siya ngayon sa kama niya. Naguguluhan kasi siya sa nararamdaman niya ngayon. 11:00PM na pero hindi parin siya makatulog. Kaya naman lumabas nalang siya ng terrace at panuorin yung langit. 

"Wow, ang lamig naman. Ang ganda talaga ng langit." sabi niya habang nakatingala sa langit.

"Mas maganda ka." 

Napalingon siya kaagad dahil nagulat siya sa narinig niya. Si Terrence nasa likod niya na may dalang unan at nakatingin sa mata niya.

"ANO?"

"Sabi ko, mas maganda ka sa langit."

Ano ba to.. Bakit ako kinikilig? Namumula ba ko? 

"Bakit gising ka pa?" tanong ni Terrence.

"A-ah.. Hindi kasi ako makatulog eh."

"Ako rin eh..... iniisip kasi kita."

Mahina lang na sinabi ni Terrence yun pero narinig parin ni Julia. Hindi nalang siya sumagot kasi di niya alam yung isasagot niya. Ano bang sinasabi nito?

Umupo sila sa bench na nandon sa labas ng terrace. Tahimik lang sila at walang nagsasalita. Pareho lang silang nakatingala sa langit. Minsan nahuhuli ni Julia na nakatingin sa kanya si Terrence kaya naman lumilingon siya kay Terrence, kapag lumingon naman ito, liihis ng tingin si Terrence. 

"11:11" binasag na ni Terrence yung katahimikan.

"Huh?" nagtatakang tanong ni Julia. Kung hindi ako nagkakamali, 11:11 yung sinabi niya. Anong pinagsasabi nito?

"Sabi ko 11:11. Make a wish." paliwanag ni Terrence.

Wish? Uhm.. Gusto ko lang naman maging malinaw sakin lahat. Gusto ko malaman kung ano ba talaga yung nararamdaman ko. 

"Bakit 11:11?"

"Sabi kasi nila, kapag 11:11 daw. Magwish ka. Anong wish mo?" 

"Sakin nalang yun!"

"Daya mo talaga!" hinampas ni Terrence ng unan na dala nito kay Julia. 

"Aray ko naman!" dahil may unan don na nakalagay sa gilid ng upuan, kinuha niya yun at pinanghampas kay Terrence.

Nag-pillow fight sila. 

Tumakbo si Julia papasok sa bahay dahil alam niyang talo siya kay Terrence. Pero hindi nagpaawat si Terrece, hinabol niya ito sa loob. Naghabulan pa sila sa buong bahay hanggang sa makabalik ng kwarto si Julia bigla niya itong nilock at umupo siya sa sahig dahil napagod siya kakatakbo. 

15 minutes na nakakalipas pero di parin siya tumatayo. Nakaramdam siya ng pagkauhaw. Pakiramdam niya wala na si Terrence at bumalik na sa kwarto nito. Binuksan niya yung pinto ng kwarto niya at wala na nga si Terrence. Dire-diretso na siya bumaba ng hagdan. 

Madilim na sa baba. Aminado si Julia na paminsan minsan ay takot siya sa multo. Ayaw niya ng biglang may susulpot o kaya naman may nararamdaman siya. Pero ngayon parang may nararamdaman siya at nagmamadali na siyang uminom ng tubig. Nung papaakyat na siya biglang may sumitsit sa kanya.

"Psssst."

Napahinto siya at sobrang kinakabahan na sa takot. Dahan dahan siyang lumingon pero wala siyang masyadong makita dahil madilim.

Bakit kasi ang laki laki ng bahay nila tapos tatlo lang silang nakatira dito?

Magsisimula na sana ulit si Julia na umakyat pero may sumitsit nanaman sa kanya. Mabilis siyang lumingon at biglang bumungad sa kanya si Terrence. 

I hate love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon