Chapter 5

53 2 1
                                    

"Hindi ko nga siya gusto. Bakit ba pinagsisiksikan niyo sakin yan? Bato nga ako diba?" sabi ko kay Zac.

"Oo na. Sabi mo eh." 

Hindi ko naman kasi talaga gusto yan si Terrence. Eh kakakilala ko pa nga lang diyan eh. Siguro yun yung iniisip ng iba kasi nagiging close ako sa kanya. Ewan ko, habang tumatagal nagugustuhan ko rin yung ugali ni Terrence, masaya kasi siya kasama eh.

Nitong mga nakaraang araw, parang hindi ko nagugustuhan yung mga naririnig ko. Tuwing naglalakad ako sa hallway may mga naririnig ako na:

"Siya daw yung lumalandi kay Terrence."

"Siya ba yung sinasabi nila?"

"Akala mo anghel, may tinatago pala sa loob."

Yan yung mga bulungbulungan na narinig ko. Minsan kong kinausap si Zac tungkol don. Sabi niya sakin ako daw yung mga sinasabihan na malandi. Nasaktan ako sa sinabi nila dahil hindi ko naman gusto si Terrence pero pinagpipilitan nila. Iba talaga mga isip ng mga tao ngayon eh, ang kikitid eh.

Kaya napagisip isipan ko muna na layuan si Terrence. Siguro nga kasi nagiging close na ko sa kanya. Nagiging kasabay ko na rin kasi siya sa mga break time namin at palaging nakakadaldalan ko na rin. Dahil naman ayaw ko ng away, mas pipiliin ko nalang siguro na lumayo. Tahimik buhay ko no.

Syempre hindi naman rin kasi maiiwasan yung ganun dahil sikat ata yan si Terrence sa buong campus. Gwapo, matalino, gentleman. Pero hindi ko lubos maisip kung bakit ganyan yung tingin ng mga tao. Tsk.

Ilang araw ko rin nilayuan si Terrence. Minsan nga, nagl-lesson kami sa math at ginugulo niya ko. Palagi niya naman ginagawa yun kaya sanay na rin ako. Kinakalabit niya ko sa likod ko tapos kapag titingin ako, kunwari hindi siya yung kumakalabit nun eh siya lang naman yung katabi ko. Hinahayaan ko nalang.

Paulit ulit niyang ginagawa yun hanggang sa nainis na ko. "Ano ba!"

"Sorry na. Namiss lang kita eh." sagot naman niya.

Hindi na ko sumagot don. Meske kapag break time namin hinihila ko na kaagad si Zac para mauna na para naman mataguan namin siya. Gusto ko talagang lumayo sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko kailangan gawin yun, ayaw ko kasi nakakarinig ng kung ano anong balita na wala namang katotohanan. 

-

-

-

Fieldtrip na. 4:00AM kailangan nandon na sa school dahil nga bbyahe pa. Calamba, Laguna daw kasi yung Venue. Sa bus, katabi ko si Zac syempre. Mabait naman kasi yung Adviser namin paminsan minsan kaya pipili ng gustong katabi. 

Pagkatingin ko sa likod, nahagip ng mata ko si Terrence. Magisa lang siya don sa pinakalikod ng bus at parang ang lalim ng iniisip niya. Parang hindi nga siya masaya at fieldtrip eh. Napaisip rin ako pero hinayaan ko nalang.

Buong biyahe may sari-sariling mundo lahat. May mga grupo na tawanan ng tawanan, kumakain, nagkkwentuhan, at syempre kami ni Zac, tulog.

Nagkaron rin naman ng mga activities at nagenjoy lahat. Para kaming bumalik sa pagkabata bata eh. Eh kasi puro laro. 

May isang laro pa kami na "Head and Tail" yung tawag nila. 10 tao dapat yun. Parang uod yung style niyo tapos nakakapit kayo sa harap niyo. Yung pinakaunang tao, siya yung head at yung pinakahuli naman, siya yung tail. Hahabulin ng head yung tail hanggang sa mataya niya ito. Syempre takbuhan. May bumitaw na isa naming kasama kaya nahulog kaming lahat. Kasama si Terrence don. Bigla namang nagoffer si Terrence ng kamay niya nung nahulog ako. Tinanggap ko naman yun at parang wala nalang nangyari.

Nung natapos na yung mga activities namin at swimming na, nagpalit na ko ng pangswimming at naligo na. Ang sarap talaga magswimming kapag mainit. 

Hanggang 6 feet ang pool kaya naman enjoy talaga. Ang sarap ng basaan namin ng mga classmates ko nung biglang may narinig ako na sumigaw, "Uy si Terrence!!"

Kinakabahan ako nun kaya napalingon ako sa likod ko. Nakita ko si Terrence na binibitbit ng mga iba naming classmates at dumudugo yung paa niya.

"Anong nangyari?" tanong ko nung nakalapit na kami.

"Tumama yung paa niya sa sirang tile sa pool."

Hindi rin nagtagal at umalis na rin kami sa pool at naligo na para makapagbihis dahil malapit na rin kami umalis. Nung bumalik ako sa bus para kunin yung naiwan kong gamit, don ko nakita si Terrence na nakaupo lang likod at nakatingin sa bintana. 

Hindi ko na mapigilan pa na tanungin kung anong nangyayari sa kanya.

"May problema ka?" tanong ko.

Napatingin siya sakin, nagulat ata siya kasi hindi niya inaasahan na nandon ako. 

"Wala naman. Ayos lang ako."

"Eh yung paa mo?"

"Ayos na. Medyo masakit nalang."

"Osige sabi mo eh."

Nagtungo ulit ako don sa upuan ko at kinuha ko na yung naiwan kong gamit. Pagkalingon ko, nagulat ako nasa harap ko na si Terrence at bigla niya kong niyakap.

..

..

..

..

Wala nakapagsalita kaagad samin at hindi ako makagalaw. 

Nung kumalas na si Terrence sa pagkayakap niya sakin, hindi naman ako kaagad nakatingin sa kanya. Nailang ako.

"Sorry." sabi niya.

"Osige, ayos lang.. Sure ka ba na okay ka lang talaga? Eh kasi kanina pa kita napapansin na nakatulala eh."

"Wala to. Masakit lang yung sugat ko."

Nakita ko na may tapal na parang sapin sa paa niya. 

"Nagamot mo na ba?" tanong ko.

.

.

.

.

.

"Ikaw lang naman kung kailangan kong gamot eh."

I hate love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon