Chapter 10

29 0 0
                                    

"Happy birthday, Tita Lhanny!" 

Nagkiss ako kay Tita Lhanny dahil birthday niya ngayon, nagkaron ng di naman ganun kabonggang handaan. 

Bigla namang nag-ring ang cellphone niya. Si Zac, tumatawag.

"Hello, bes?" sagot niya.

"Bes!!!! May goodnews ako sayo!!!" excited na excited na sabi ni Zac sa kabilang linya.

"Oh ano yun?"

"Pumayag na si Trixie na ligawan ko siya!"

"TALAGA?" gulat na sagot ni Julia.

"Oo. Ang saya saya, Bes!" 

"Naks naman. Edi congrats! Sige na, may gagawin pa ko eh. Mamaya nalang ulit."

"Sige bbye, bes!" 

Binaba na ni Julia ang cellphone niya at umakyat na sa kwarto niya. Inayos niya na yung mga gamit niya dahil tumawag na ang Mama dahil uuwi na daw ito kinabukasan. Napaaga daw ang uwi. Ang saya saya naman ni Julia kaya nagayos na siya ng gamit niya. Bukas na rin siya aalis sa bahay nila Terrence. Pero kahit papano, mamimiss niya parin dito.

Anong oras na natapos si Julia dahil nga ang dami niyang gamit. 

Pagkatapos niya namang magayos, lumabas siya ng Garden para magpalamig. 

Si Terrence ang naabutan niya sa labas, nagsusulat nanaman. Ano ba yun? Gusto niya ba maging writer paglaki? 

"Terrence!!" tawag niya dito, lumingon naman to. "Ano yan?"

"Wala." tinigil niya na yung pagsusulat niya.

Tumabi naman si Julia sa kanya. 

"Bakit ba sulat ka ng sulat palagi?"

"Basta. Wala ka na don!"

"Sungit mo! Diyan ka na nga!" 

Nainis naman si Julia. Akmang tatayo na siya pero pinigilan siya ni Terrence.

"Julia."

"ANO?"

"Gusto mo umalis?"

"San pupunta?!"

"Kahit san."

"BAKIT?"

"Date tayo."

"ANO?!"

"Tara, dadalihin kita sa lugar na palagi ko pinupuntahan."

"Eh pano--"

HIndi na natapos ni Julia yung sasabihin niya kasi hinila na siya ni Terrence papalabas. Naglakad nalang sila dahil sabi ni Terrence malapit lang naman daw ito. Pero parang sobrang tagal naman nilang naglalakad.

"Terrence, akala ko ba malapit lang?"

"Malapit na."

"Eh bakit kanina pa tayo naglalakad?"

"Eto na oh." 

Nakita ni Julia yung mataas na building. Pumasok sila don. Ilang minuto lang nakarating na sila sa sinasabi ni Terrence. Napakaganda nga. 

Nandito sila ngayon sa pinakatuktok ng building. Aliw na aliw yung mga mata niya dahil sa mga city lights. 

"Wow, ang ganda.."

Humiga si Terrence at parang natutulog ito. 

Si Julia naman tuwang tuwa parin sa mga nakikita. Binaling niya ang tingin niya kay Terrence at alam niya natutulog ito. Umupo naman siya sa sahig at nakita niya yung hindi ganun kakapal na papel na nasa tabi ni Terrence. Ayaw niya sana makielam pero sobrang nac-curious talaga siya dito. Kinuha niya ito at binasa.

I hate love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon