Chapter 2

76 1 0
                                    

Gabi na at hindi parin ako makatulog. Eh kasi naman paulit ulit sa utak ko yung sinabi ni Billy kay Sarah. Ako parin? Eh diba niloko niya ko? Ang gulo gulo talaga ng isip ko ngayon. Naghahalo yung galit at pagtataka. Pero mas mabuti naman na wala na kong pakielam diba? Problema na nila yun. Kung ako parin? Wala akong pake. Hindi ko na mahal si Billy at galit nalang yung nararamdaman ko sa kanya. Wag na niya balakin na bumalik dahil baka gantihan ko pa siya.

Biglang tumunog yung cellphone ko at unknown number yung nakita ko kaya sinagot ko nalang.

"Hello?"

"Hello Julia.." 

Kilala ko yung boses na yun ah.

"Billy? Bakit?"

Matagal na panahon ko na kasi binura yung number ni Billy sakin. Para san pa para isave ko yun diba? 

"Uhm.. pwede ba tayong magusap?"

"Naguusap na tayo." nagawa ko pang mambara. 

"Ibig kong sabihin, sa personal."

"Mag1-10 na ng gabi ah."

"Please? Nandito ako sa labas ng bahay niyo."

ANO?!

Pagkasilip ko sa bintana nakita ko siya na nakatayo sa tapat ng bahay namin. Anak ng..

No choice ako kundi babain siya para pagbuksan ng pinto. Papapasukin ko sana siya sa loob ng bahay kaso pagkabukas ko ng pinto bigla niya ko hinila papalayo ng bahay.

"San ba tayo pupunta? Gabi na!"

"Basta."

Hinayaan ko nalang siya at sumunod nalang sa kanya. Nakita ko lang nasa park na kami. Tahimik don at kung gusto mong magisip isip, pwede ka pumunta don. Mahangin rin at malawak. Umupo kami ni Billy sa damo.

Nung una walang nagsasalita samin. Pero binasag niya rin ang tahamikan.

"Julia.."

"Hmm?"

"Alam ko nandon ka kanina sa field at narinig mo yung pinaguusapan namin ni Sarah."

Nanlaki yung mata ko at napayuko nalang ako. "Sorry, hindi ko naman akalain na nandon pala kayo eh don rin kasi--"

"I know.."

 "At gusto kong malaman mo na totoo lahat ng sinabi ko na yun. Ikaw parin yung mahal ko." dugtong niya.

Tingin ko panahon na para sabihin ko na sa kanya lahat ng hindi ko nasabi noon.

"Billy, alam mo.. kalimutan nalang natin lahat. Mataga na panahon na yun. At kung inaakala mo na mahal parin kita tulad noon, nagkakamali ka. Hindi na kita mahal at hinding hindi na kita mamahalin kahit anong mangyari. Umalis ka nalang. Magmahal ka nalang ng iba, at alam mo, lilipas rin yang pagmamahal mo sakin tulad ng nangyari sakin."

Pagkasabi ko nun, tumayo na ko at nagsimulang maglakad.

Bigla niya kong hinawakan sa braso ko.

"Julia please.."

"Bitawan mo nga ako! Walang rason para magusap pa tayo." tuluyan na kong lumayo sa kanya at umuwi na ng bahay na parang walang nangyari. 

-

-

-

-

"Hi Julia!" bati sakin ni Josh na nanliligaw sakin. 

"Hi." tuloy tuloy akong naglalakad at hindi ko siya tinitignan. Papunta na ko ng classroom ko.

"Payagan mo na ko na manligaw sayo.. please?" pangungulit niya.

I hate love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon