Chapter 7

46 1 1
                                    

"Magiingat ka ah. Puntahan mo tong address na to, alam na nila na ngayon ka pupunta, hinihintay ka na nila don, sinabi nila sakin. Magpakabait ka don ah." sabi ni Mama. 

"Opo Mama. Ingat rin po kayo don, I love you!" kiniss ko na si Mama at umalis na siya.

Nasa airport ako ngayon kasi hinatid ko si Mama, ngayon na kasi yung flight niya papuntang Amerika. Binigay na rin niya yung address sakin sa bahay na titirahan ko pansamantala. 

Umuwi na ko ng bahay para magimpake ng mga gamit ko dahil isasara ko na rin yung bahay at ako yung may hawak ng susi. Si Kuya nakaalis na rin nung isang araw papuntang Cebu. Sabi ni Kuya sakin papadalahan niya nalang daw ako ng pera sa mga pangangailangan ko at ganun rin naman si Mama. 

Mga 2 maleta rin yung dala ko tapos isang bag, ang dami ko kasing gamit tsaka damit eh. Di naman kasi pwedeng hindi ko kukunin yung mga yun. 

Kumuha ako ng taxi dahil nga marami akong dala. Ilang saglit lang binaba na ko sa isang malaking bahay at ang ganda. May 3 palapag yun at sobrang lawak. 

"Wow..." nasabi ko nalang sa sarili ko.

Nagdoorbell na ko at may bumukas naman ng gate, isa ata sa mga Yaya yun. 

"Ms. Julia?" tanong niya sakin.

"Ah--, opo.. Julia nalang po. Tatanungin ko po sana kung dito yung bahay ni Ate Lhanny?"

"Dito nga po, pasok po kayo." tinulungan niya naman ako sa mga dala kong gamit. 

Pagkapasok ko sa bahay nila ang laki. Parang mayaman nga. Parang nakakahiya naman kung dito ako titira, pero wala naman akong magagawa eh. 

Umupo ako sa sofa nila dahil tatawagin daw ng Yaya si Ate Lhanny. Yun lang kasi yung alam kong pangalan na binigay sakin ni Mama eh. 

"Hi Hija!" bati sakin ng isang babae. Si Ate Lhanny na ata yun.

"Good afternoon po." bati ko naman sa kanya ng nakangiti.

"Ikaw ba yung anak ni Mareng Josephine?" Josephine ang pangalan ng nanay ko.

"Ako nga po." 

"Welcome sa bahay ko. Oo nga pala, ako si Tita Lhanny mo. Tita nalang tawag mo sakin, ganun nalang rin sa asawa ko. May isa akong anak, kaso hindi ko alam kung nasan siya ngayon. Lumabas kanina eh, siguradong magkakasundo kayo dahil parang magka-edad lang naman kayo eh."

Patuloy ang pagkkwento ni Tita Lhanny sakin habang naglalakad lakad kami sa bahay nila. Ilang saglit lang nakarating na rin ako sa kwarto na kung saan ako matutulog. 

"Oh dito ang magiging kwarto mo. Sige at magayos ka muna ng mga gamit mo." 

"Sige po, salamat po." 

Sinara na ni Tita yung pinto at ginala ko naman yung mata ko sa buong kwarto. Hindi naman ganun kalaki pero sakto na para sakin. May banyo, may malaking cabinet, may study table rin, kama, aircon at TV. Kulay Pink yung kwarto, ang cute. Kahit naman na hindi ako mahilig sa Pink eh, ayos na rin. 

Nagsimula na kong ayusin yung gamit ko, inabot ako ng ilang oras dahil nga sa dami ng gamit ko eh. Familiar naman sakin yung lugar nila pero hindi ko alam kung kailan ako huling nakapunta sa lugar na to. 

Pagkatapos ko magayos, naligo na rin ako at ilang saglit may kumatok sa kwarto. Pagkabukas ko, yung Yaya na sumalubong sakin kanina.

"Ma'am, dinner na daw po."

"Julia nalang po, Yaya....." hindi ko kasi alam yung pangalan niya eh.

"Yaya Fe." nakangiting sagot niya sakin.

"Yaya Fe, salamat po."

Bumaba na rin ako para mag-dinner na daw. Pagkababa ko sa hagdan nakita ko naman si Tita at yung isang lalaki, asawa niya ata yun eh.

"Ay Julia, Hija, ito nga pala yung asawa ko, Tito Jhun mo." sabi na eh, asawa niya yun eh.

"Good evening po." ngiting bati ko sa kanya.

"Welcome sa bahay namin, tara na kumain na tayo. Nasan na ba yung anak natin?" 

Umupo na ko para kumain.

"Ilang taon ka na nga pala, Hija?" tanong sakin ni Tita Lhanny.

"16 po, Tita." 

"San ka ba nagaaral?"

"Sa Western high school po."

"Talaga?" tanong ni Tito Jhun. "Don rin nagaaral yung anak namin eh." 

"16 years old na rin siya."

Parang nac-curious naman ako kung sino yung anak nila. Pagkatapos ko naman kumain dinala ko na yung plato ko sa lababo nila at huhugasan ko na sana nung biglang pinigilan ako ni Tita Lhanny.

"Nako, Julia, iwan mo na yan diyan, si Yaya na bahala diyan."

"Ay nako, okay lang po. Gusto ko rin po kasing tumulong." sagot ko naman.

"Hindi na, hindi kita pinatira dito para pahirapan." kinuha ni Tita yung kamay ko para tumigil na ko. Gusto ko lang naman tumulong at hindi naman paghihirap yun ah? Paghuhugas ng plato?

"Ahh.. osige po." wala naman akong magagawa.

Naglakad lakad nalang ako sa labas ng bahay nila, parang ang ganda kasi ng garden nila nung nadaanan ng mata ko kanina nung pumasok ako sa bahay. Pagkalabas ko sa garden nila, may swimming pool pala. Sosyal talaga yung family nila. 

Umupo ako sa parang upuan na bato don sa tapat ng pool nila, nagiisip isip. Hilig ko kasi to eh, yung kapag magisa ako nagiisip ako. 

Dahil wala naman akong magawa, kinuha ko yung libro na binili ko kailan lang yung "Angels and Demons", muka kasing maganda eh kaya kinuha ko yun at bumaba ulit ako sa pool nila at don ako nagbasa. 

Tahimik lang ako na nakaupo don nung biglang nakarinig ako ng kaluskos sa gilid. Hindi naman ako takot sa multo pero syempre babae parin ako no. Tinuloy ko nalang yung pagbabasa ko kahit na natatakot ako. 

Biglang may humawak sa braso ko na naging dahilan kung bakit ako napatili ng malakas. Muntikan na ko maout of balance, buti nalang hinawakan niya ko. Dahil kung hindi malalaglag ako sa pool.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH--" hinawakan niya naman yung bibig ko para tumigil ako.

Nakapikit parin ako dahil natatakot ako.

"Masamang espiritu, layuan mo ko. Wala naman akong ginagawang masama eh.." natatakot na sabi ko.

"Anong masamang espiritu?!" tanong niya sakin.

Parang kilala ko yung boses na yun para napadilat ako agad.

"TERRENCE?!" gulat na tanong ko nung tinanggal na yung kamay niya sa bibig ko.

"Oo ako nga. Bakit ka nandito sa bahay ko?" tanong niya.

"BAHAY MO?!" gulat na gulat parin ako.

"Oo, bahay ko to. At anong ginagawa mo dito?"

"DITO AKO TITIRA!" 

"Shhh, pwede bang pakihinaan yang boses mo. Kalma ka lang."

Kinalma ko muna yung sarili ko ng ilang segundo, tsaka ako nagsalita.

"Bahay mo to?"

"Oo nga."

"Eh dito nga ako titira."

"OWS?"

"Di wag ka maniwala!" 

"Joke, ikaw pala yung sinasabi ni Mommy na titira sa bahay."

"Oo ako nga.."

Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Sa bahay nila Terrence ako titira? Grabe namang coincidence to. At hindi lang basta titira, 5 months ako dito. 

5 months akong titira sa isang bubong kasama si Terrence.

I hate love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon