Kabanata 42
Mga Kaibigan
Tinanggap ko ang sorry ni Callix at ang alok niyang maging mag KAIBIGAN ULIT kami. Alam kong mejo nakakadagdag problema ito pero ayokong kapag may binabanggit na LALAKI ay si Ja- lang ang naalala ko. Dapat may iba pang lalaki. Kung sana pwedeng makipag kaibigan sa iba pang lalaki. Buti rin at ang renewed friendship ko kay Callix ay nagdulot ng pakikipagkaibigan ng mga barkada niyang si Josh at Edward.
Alam ko namang kahit anong mangyari hinding hindi na ulit ako masasaktan ng ganun ka sakit. Sukdulan na yung kay Ja-. Manhid na ako sa kahit ano. Alam ko ding mahirap ng palambutin ulit ang puso ko. It will take more than sweet words and gifts.
Inintriga pa nga ang pagiging magkaibigan ulit namin ni Callix. Pinaparinggan ko ang mga nang iintriga...
"Kung gusto niyo, kayo na lang ni Callix nang matahimik kayo!" Sabi ko sa grupo ng babaeng nag uusap tungkol samin.
Ibinalik ko rin lahat ng ibinigay niyang gamit sakin. Sabi niya ay di naman daw kailangan pero sabi ko naman, kung gusto niyang magkaibigan ulit kami, hahayaan niya ako.
Mabagal ang panahon sa last term ko sa high school. Hindi ko alam kung talagang mabagal o dahil iyon sa pagiging tulala ko minsan habang naiisip si Ja-...
Ja-...
Hindi ko maituloy ang pangalan niya.
Nung 18th birthday ko sa January nung sumunod na taon, sinurpresa ako ni Ava, Belle, Callix, Josh, Edward at Karl (na naging malapit lalo sa amin). Dinala nila ako sa isang bar kung saan uminom ako (for the first time) at na lasing ng grabe. Naaalala ko pa ang pagsasayaw ko pero kontrolado ko parin ang sarili ko.
"Nagbago ka na talaga." Ngumiti si Callix.
Ngumiti din ako pero agad napawi ito.
"Happy birthday!" Anila.
Pinalibutan nila ako habang dala-dala ang isang cake. Hinipan ko ito at nagpalakpakan sila. Ilang beses na akong nasabihang nagbago na at ayaw kong naririnig ito. Dahil tuwing naririnig ko ito, lagi kung naiisip kung ano o sino ang nakapagpabago sakin.
Nang gumraduate ako, umiyak ako na parang namatayan. Si Autie Precy ay lumuwas ng Maynila kasi wala si mama at papa. Silang dalawa ni Maggie ang dumalo. Hindi ako sigurado kung umiiyak ako dahil tapos na ang highschool o dahil tuwing nakikita ko si Auntie Precy naaalala ko ang Alegria.
"Rosie, simula nung umalis ka laging nagpupupunta si-----"
Tinakpan ko ang tenga ko nang sinabi yun ni Auntie Precy.
Napabuntong-hininga siya sa ginawa ko, "Ano bang nangyari sa inyo? Hindi ka pala nagpaalam sa kanya? Hindi mo rin siya binigyan ng new number mo?"
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...