Kabanata 49
Halik
Ganun parin ang tratuhan namin ni Jacob sa isa't-isa. Hindi ko siya pinapansin sa school pero lagi siyang nakatitig. Sumusulyap siya tuwing may lumalapit sa kanyang mga babae. Para bang guilty siya o naghihintay siya sa reaksyon ko.
Hindi dapat ako pupunta dito sa acquaintance ng School of Business. Kaso, itong si Karl ay isinama ako sa last minute na pamimili ng kanyang isusoot. As a result, dinala niya ako dito sa venue kung saan sila mag aacquaintance. Sa lahat ng colleges sa school, ang School of Business ang may pinaka bonggang acquaintance dahil marami sa kanilang estudyante ang mayaman. Sa Arts and Sciences naman, kung saan ang Psychology Major nabibilang, sa isang maliit na venue lang ginanap noong Wednesday.
"Ako na bahala sa kanya." Sabi ni Karl sa mga nakaharang.
Tinignan ako ng lahat ng nandoon sa registration area. Syempre, bulong-bulungan na kami ang close ni Callix. At ngayon, si Karl ang kasama ko. Marami ang may gusto kay Karl pero nawawala dahil sa sobrang kasupladuhan nito. Suplado lang naman yan sa mga babae eh. Tsk tsk.
"Karl, uwi na ako." Sabi ko nang nakita sa loob ang kumakantang banda nina Jacob.
Bahagyang lumaki ang mata niya nang nakita niya akong pumasok. Umamba akong aalis pero pinigilan ako ni Karl.
"Ihahatid nga kita mamaya." Aniya at ngumisi.
"ROSIE!" Biglang bigla si Ava at Belle nang nakita ko.
Nabigla rin si Callix at pinalibutan nila ako pagkarating ko. Si Josh at Edward, ayun na at sumasayaw sa kantang mejo mabilis at masaya. Hindi ko pa naririnig ito pero tuwang-tuwa ang mga taong nakikinig. Tinititigan na naman ako ni Jacob habang kumakanta siya.
"Rosie! Sayaw tayo!" Sigaw ni Callix dahil di na kami magkarinigan sa sigaw at sa ingay ng kanta ni Jacob.
Tinignan ko ulit si Jacob na ngayon ay nakangisi na habang tinuturo ang mga babaeng sumisigaw. Of course! Sa status niya ngayon sa school, posibleng mabulag na siya ng tuluyan sa mga babae. Kung ano man yung mga sinabi niya sakin nung una kaming nagkita dito sa Maynila, maaring pagkatapos ng isa o dalawang buwan, magbabago din yun. Maraming magagandang babae dito at maraming nagkakagusto sa kanya... hindi na ako mag eexpect na pagkatapos ng ilang buwan ay totoo parin yung mga sinabi niya.
Napabuntong hininga ako at nilagay ang kamay ko sa kamay ni Callix.
Sumayaw na rin kami sa masayang kanta ni Jacob. Nakita ko si Ava na sumasayaw na rin kasama ang isang classmate namin nung high school. Si Belle naman ay naging isa sa mga babaeng tumitili doon sa harapan. Mukhang nawala na talaga ng tuluyan ang pagkahumaling niya kay Karl. Si Karl naman ay umiinom ng juice habang tinitignan ang mga sumasayaw na estudyante.
Inikot ako ni Callix. Inikot ko rin siya at nagtawanan kami. Nang natapos yung kanta, pinalitan ito ng isang pamilyar na kanta... ang kantang hinarana sakin ni Jacob sa harap ng soccer field ng Alegria National High School.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...