Kabanata 4

2M 49.6K 22.7K
                                    

Kabanata 4.

Bakit at paano?

Naalala pa pala ni Maggie yung chika ko sa kanyang tungkol dun sa may sparkling abs pero suplado.

"Asus! Baka yan na ang pamalit mo kay Callix!" Sabi niya at kinurot ang pisngi ko.

"Hindi no!"

Pagkaisip ko dun sa sinabi niya, kinalibutan agad ako. Eww. Taga bukid, pamalit kay Callix? Pwedeng si Callix na lang ulit? Well, alam kong gwapo talaga yung suplado na yun. Sayang nga lang dahil isa siyang magsasaka dito sa bukid. Hindi ako ganun ka bobo para mainlove sa isang taong tulad niya. Una kong titignan ang panlabas na anyo (including bank account. lol). Alam ko kasing mahirap lang kami at ayokong dumagdag pa sa kahirapan namin.

"Naku! Kaya kayong dalawa girls?" Sabi ni mama isang linggo ang nakalipas nung lumipat kami sa BAHAY NI LOLA. "Okay na okay lang sakin kung mag boypren kayo! Ang importante mayaman!" Aniya habang kumakain ng adobong manok.

Kakarating ko lang sa hapagkainan sa umagang yun at bumugad na agad ang sermon ni mama tungkol sa mga lalaking papakasalan namin.

Nakasimangot na si Maggie pagkarating ko at nakatingin kay mama.

"Ba't ka nakasimangot eh mayaman naman si James?" Bumulong-bulong ako habang tinitignan siya sa harapan ko pero bago ko pa matapos ay sinipa niya na ako sa ilalim ng mesa.

"Ansabeh mo?" Nakatoon ang pansin ni mama sakin ngayon.

"Uhh, w-wala." Habang tinitignan ang mukha ni Maggie na halos sasabog na sa hiya at inis.

Si mama at si Maggie ay magkalaban sa pananaw na ito. Kung si Maggie ay may ayaw sa mga mayayaman at gwapo, importante naman kay mama ang mayaman at ang hitsura!

"Dapat gwapo! Sayang naman yung kagandahan ng mga ninuno ko at kagwapuhan ng mga Aranjuez kung mahahaluan lang ng... hmm... hindi naman sa nanlalait... pero yung mga... alam niyo na... pangit." Sabi niya na parang nandidiri pa sa salitang iyon.

Umiling si Maggie sa kawalan.

"At higit sa lahat, dapat syempre mayaman! Kasi naman, aanhin ang kagwapuhan kung walang bahay, kotse at pera di ba?" Si mama lang talaga ang nagsasalita sa hapag. "Pinaka importante ang pera... Besides, kung hindi masyadong... alam mo na... gwapo... pwede naman nating ishare yung kagandahan natin at magiging gwapo o maganda parin ang anak niyo." Ngumisi siya kay Maggie.

Si Maggie naman, kumakain parin ng seryoso.

"Kaya ikaw Maggie, sayang lang yang kagandahan mo kung di ka maghahanap ng mayaman at gwapo. Sana nga ngayon meron ka ng prospect eh twenty ka na at dalawang taon ka na sa kolehiyo." Si mama naman ang umiiling ngayon.

"Oo nga! Tsaka maganda pa huh? Matangkad, makinis, maputi, bagsak ang buhok, matangos ang ilong, at mahubog ang katawan... pero tingin ko Adele, kailangan mahal mo rin yung taong pakakasalan mo." Ani auntie Precy.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon