Kabanata 65

1.9M 42.1K 28.6K
                                    

Kabanata 65

Celebrate

Nabigla ako nang nakita kong nandoon din sina Leo, Teddy, Louie at Ron sa sumunod na araw.

Ang lalaki nang ngiti nila nang nakita akong palabas ng kwarto ni Jacob. Maagang maaga pa kasi kaya siguro akala nila dito ako natulog.

Umiling ako, "Naliligo pa si Jacob."

Mas lalong lumaki ang ngisi nila. Nagsisikuhan pa ang mga ito habang naka upo sa sofa nina Jacob.

"Di ako dito natulog ah?! Maaga lang akong pumunta dito." Sabi ko kahit na umiinit ang pisngi.

Sorry na. Sobrang tindi lang talaga ng epekto ni Jacob sakin kaya minsan nawawala ako sa sarili ko.

"Okay. Defensive masyado." Sabi ni Leo at ngumisi na naman.

Uupo na sana ako sa tabi nila pero pinigilan ako ni Ron.

"Rosie, sa harap ka na lang. Basta lumayo ka ng konti." Aniya.

Pumula ang pisngi niya at di makatingin sakin. Nakita kong umiling si Teddy.

"Rosie, masaya kami na kayo parin talaga ni Jacob hanggang ngayon kahit ang dami ng nangyari."

Ngumisi ako at tinignan ang mga mukha nila, isa-isa.

"Alam mo bang nasuntok kaming lahat ni Jacob nung wala ka?"

"Huh?"

"Oo." Sabi ni Leo. "Yung lokong yun! Konting asar lang nagwawala na eh nung bumalik kang Maynila? Grabe. Tatlong beses niya akong nasuntok noon." Umiling siya.

"Sorry, Rosie pero tingin talaga namin noon, wala na siyang pag-asang makuha ka ulit. Ang sama rin kasi ng ginawa niyang pagtataboy. Nasaktan siya dahil pinsan niya si Callix. Nasaktan din siya nang narinig ang mommy mong interesado siya sa pera nina Jacob kaya kinumbinsi namin siyang wa'g na siyang mangarap na magiging kayo pa." Napalunok si Teddy. "Sorry, Rosie. Alam naming hindi ka ganun. Pero yun talaga ang tingin namin sa mga panahong yun. Pinagsusuntok niya kaming lahat." Sabay turo kay Ron. "Lalo na si Ron. Tapos si Leo."

"Buti na lang talaga at kayo ulit ngayon. Baka hanggang ngayon ay wasak pa yang si Jacob. Halos mamatay yan sa kakainom noon." Sabi ni Louie.

Napalunok ako sa mga sinabi nila. Naiisip ko yung pag iyak ni Jacob sa labas ng bahay habang lasing siya. Umuulan noon at halos magmakaawa na siya sakin matanggap ko lang ulit siya. Sumakit ang dibdib ko. Hindi ko na maintindihan kung bakit hindi ko siya agad tinanggap. Nabulag ako sa galit ko. Pero mabuti na rin yun para ma-prove ko na talagang deserving siya sa chance na ibibigay ko.

"Rosie!" Tawag ng nakasimangot na Jacob sa taas.

Bumaba siya sa stairs nang nakita akong naka upo sa sala nila kasama ang mga kabanda.

"Jacob, tayo na?" Sigaw ni Leo.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon