Kabanata 62
Kayakap Niya
Hinayaan ko si Callix na makipag ayos kay Jacob. Hindi ko ginulo si Jacob sa gabing iyon.
Hindi ko rin siya tinanong kung bakit di niya ako tinext. Tanghali ng Linggo, pumunta siya sa bahay na may dalang pagkain.
Napangiti ako nang yinakap niya ako...
"I missed you." Bulong niya at hinalikan ang lips ko.
Uminit ang pisngi ko.
"Ehem..." Singit ni Maggie.
Hindi maiiwasan kasi pareho silang nasa sofa ni James nang pinagbuksan ko si Jacob.
Pinapasok ko siya. Hindi matanggal ang ngiti niya nang pinapasok ko siya. Kinuha ko yung pagkain at nilagay sa kusina.
"Ehmmm, kumain muna kayo sis ah? Baka... hmmmm..." Tinaas ni Maggie ang kilay niya habang nakangiting tumitingin samin ni Jacob.
Sumimangot ako. Alam ko na naman ang ibig sabihin ni Maggie. Baka akala niya maglalampungan na naman kami. Hindi ko alam pero feeling ko alam niyang may nangyari samin ni Jacob sa gabing iyon. Errr. Kahiya!
"Kain tayo, Mag, James..." Sabi ko.
"Oo. Mamaya na kami. Kayo muna diyan." Sabi ni Maggie.
Nang nasa hapagkainan na kami. Nagdala si Jacob ng Fried Chicken, spagetti at french fries.
"Nakipag ayos na sakin si Callix." Aniya.
Tumango ako at ngumiti.
"Nag usap pala kayo sa bar kagabi?" Tanong niya.
"Oo. Isosorpresa sana kita pero di ka pumunta. Umuwi ka daw ang sabi ni Callix."
Tumango siya at tinignan ang spagetti sa gitna ng mesa, "Nagbihis lang ako."
"Pupunta ka dapat ng Club 777 diba?" Tanong ko at hinuli ang tingin niya.
Yumuko pa siya lalo, "Oo..."
"Pero dumating si Callix kaya di ka natuloy... okay lang." Tinapik ko siya sa likuran.
Tinignan niya ako, half-open ang bibig...
"Okay na kami..." Aniya.
"Oo." Napalunok siya at ngumiti.
"Jacob... may sasabihin ako."
Suminghap siya at mas lalong sumeryoso ang mukha.
"Alam kong di na 'to kailangan pero gusto kong malaman mo na... naghiwalay kami ni Callix noon kasi yinaya niya akong makipagsex sa kanya. Ayoko. Hindi ko gusto yun kaya hiniwalayan niya ako."
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...