Kabanata 8

1.6M 46.2K 10.4K
                                    

Kabanata 8.

Nagsimula Ang Lahat

"Kumusta ang first day?" Tanong ni Auntie Precy nang naghapunan kami.

Bago pa ako makapagsalita ay dinagdagan niya na agad.

"Balita ko ay marami ka na dawng close kasi nakikipagchikahan ka na raw buong araw."

Napatingin si Mama, papa at Maggie sakin. Umiling na lang ako at kumain.

MARAMI Akong close? Really? At nakikipagchikahan ako? Kay Jacob, malamang. Pero di yun pakikipag chikahan! Pakikipagbangayan iyon.

Lumipas ang isang buwan na ganun parin ang trato namin ni Jacob sa isa't-isa. Depressing masyado dito sa bukid. Gusto ko ng bumalik sa Maynila kaso wala kaming matitirhan doon. Siguro ay sasayangin ko na talaga ang buong taon ko dito sa bukid. Sana buong taon lang at di buong buhay!

Nagpunta na dito si James, yung boyfriend ni Maggie. Welcome na welcome siya lalo na ni mama. Nalaman kasi ng isang iyon na mayaman si James at gwapo naman talaga kaya ayun at walang bukambibig kundi ang kahusayan ni Maggie sa pagpili ng mga lalaki.

"Kaya ikaw, Rosie... galingan mo!" Tumatango-tango pa si mama.

Galingan ko? Napairap na lang ako. PAANO AKO MAGHAHANTING NG MAYAMAN DITO SA BUKID EH PURO BUKID ANG NAKIKITA KO?

Tsaka, itong si mama parang pakiramdam niya kahihiyan kung hindi mayaman ang boyfriend mo.

"Magaganda yata kayo kaya dapat mayaman." Sabi niya isang araw bago ako pumunta sa school.

Bad trip tuloy ako. Kung sana di ako iniwan ni Callix, masaya na si mama ngayon. Pero kung mayaman, gwapo pero manyak at masama ang ugali, salamat na lang at ayoko.

Maaga na naman ako sa school at nasaksihan ko na naman ang paulit-ulit na pambubully ni Eunice kay April (fishtail braid).

"Kala niya dahil kasama siya lagi ni Jacob at pinagtatanggol ang ganda niya na."

Maraming nagkakagusto sa kumag na Jacob na yun. Isa si Eunice doon. Halos kada section may isa o dalawang babaeng malayang nagpapahayag ng damdamin kay Jacob tulad ni Eunice. Kung bibilangin natin pati ang mga palihim na nagkakagusto sa kanya, aabot tayo sa isang daan.

Maraming naiinsecure kay April dahil pinagtatanggol siya ni Jacob at lagi silang magkasama.

"Akin na nga yan!" Kinuha ulit ni Eunice ang bag ni April at as usual ay ibubuhos niya na naman ang mga laman nito sa sahig.

"Boring!" Sabi ko nang nag agawan sila ng bag at pinapanood lang ng mga kaklase nila.

Tumingina ng lahat sakin.

"Isang buwan na ako dito, isang buwan mo na rin yan ginagawa. Kung gusto mo si Jacob, edi sabihin mo sa kanya, hindi yung nambubully ka. Tingin mo magugustuhan ka niya sa ginagawa mo? Hindi! Lalo siyang aayaw sayo."

Dahan-dahan siyang lumapit sa upuan ko. Humihinga siya ng malalim at mabilis habang naglalakad papunta sakin.

Maganda siya pero nakakatakot. Sayang.

"Wa'g ka ngang makealam, transferee!" Aniya. "Kala mo naman ganda mo?! Porke't kilala ka ng halos lahat ng 6th at 5th years eh galing mo na. Hoooy, kilala ka nila kasi bago ka. Yun lang yun!"

Di ako makapaniwala sa sinabi niya. Gusto ko na lang matawa. Napaka engot!

"Tumatawa ka?" Sabay agaw niya sa bag ko.

Ayan, pinagkaguluhan na ang classroom namin. Marami ng nakatingin na taga ibang section.

"Akin na yan!" Sigaw niya at kinuha ang bag ko na agad ko namang binawi.

"EUNICE!" Sigaw agad ni Jacob pagkarating niya. "Ano bah!" Kinuha niya ang bag ko, binigay sakin at tumayo sa gitna namin ni Eunice. "Tigilan mo na nga yang pambubully mo!"

"Nakekealam eh! Pakealamera!" Sabi ni Eunice sakin.

"Pwede ba?" Umiling ako sa likuran ni Jacob.

"Kita mo na!? Ano bang pakealam mo sa away namin ni April?" Sigaw ni Eunice sakin.

"Naiinis ako sa pabalik-balik na pang-aaway mo. Para kang bata. Immature!" Sabi ko.

Mas lalo pang nagalit si Eunice. Tinignan ako ni Jacob at tumingin ulit siya kay Eunice.

"Inaway mo na naman si April?" Tanong niya at nag iba agad ang ekspresyon ni Eunice.

"E-Eh kasi..."

"Tigilan mo na yan, Eunice. Please? Wala ka namang nakukuha diyan eh. Isasama mo pa ang isang to." Sabay turo sakin.

'isang 'to'. HAHA! Yun ba yung pangalan ko? Kahit na isang buwan na kaming seatmates ni Jacob di ko pa siya naririnig na binanggit ang 'Roseanne'.

Napabuntong-hininga si Eunice at bumalik na sa upuan niya. Kinawayan ni April si Jacob at tumango lang si Jacob, umupo sa tabi ko.

"Hindi ka ba magpapasalamat sakin dahil pinagtanggol ko ang girlfriend mo?" Sinalubong ko siya ng inis pagkatapos pumasok ng Chemistry Teacher namin.

"Hindi ko siya girlfriend!" Aniya.

"Ay okay, edi close friend." Sabi ko.

Tumingin siya sakin. Sa sobrang lapit naming dalawa kitang kita ko ang features ng mukha niya, perpekto! Sobrang gwapong moreno ng katabi ko. Hindi kataka-takang maraming nagkakagusto...

"Close friend, mr. Knight in Shining Armor." Sabi ko.

Napabuntong-hininga siya, "Pwede ba, tigilan mo ako, Roseanne."

Napanganga ako sa bigla. Biglang-bigla! First-name ko, binanggit niya! After one month?! Yung nganga ko unti-unting naging ngiti.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Tumaas ang kilay niya.

"Sinabi mong 'Roseanne' eh. Isang buwan na tayong magkatabi, di ko pa naririnig na tinawag mo ako... Well, except nung enrolment..." Sabi ko nang nakangiti.

Tumingin siya sakin, "Anong enrolment?"

Tinignan ko lang siya at nakita kong pumula ang pisngi niya at tumingin pabalik sa Chem teacher namin sa harapan. Nahiya yata. HAHA!

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon