Psalm Conrad Blancaflor
Months had passed since I last saw her, yet the sight of Lady Therese Ignacio still had the power to steal my breath away.
"Umm...ano... Mauna na ako," Yumuko pa ito bago tumalikod.
Ganda naman talaga, oh.
"Hindi ka man lang nag-hi sa crushiecakes mo," Bulong ni Jeremiah at siniko pa talaga ako.
"Gago... Syempre nagulat ako," Pa bulong din na sagot ko sa kanya.
Mas gumanda siya lalo. Her obsidian-black hair cascaded past her waist. Last year, ay hanggang balikat niya lang ito. Her fair skin had a delicate rosy glow on her cheeks. Pero maputla ang mga labi niya, hindi yata ito naglalabas ng bahay para mag pa araw. She had almond-shaped eyes with a beauty mark under her left eye and bangs na medyo mahaba na. Her gentle demeanor made her seem unapproachable, yet her eyes always held a hint of warmth.
"Sino yun?" Tanong ni Charmaine.
"Na kalaban namin ni Rad sa Quiz-bowl sa Math. Matalino yun, kaklase ko yan nuon." Sagot ni Jeremiah.
"Tagal naman nung dalawa. San na ba mga yun?" Inis na wika ni Ynez. Mukhang badtrip pa din siya dahil sa ibang sectionn siya napunta.
"Dun tayo mag-antay," Turo ko sa waiting area sa lobby. "Chat mo sila sabihin mo, nasa Lobby tayo."
Kinuha ko ang hawak na Tupperware ni Charmaine. Turon na malagkit ang laman nito. Ibinebenta niya. Si Jeremiah naman ang bumitbit ng mga bag nila. Duon kami umupo sa harapan ng hallway para mabilis nila kaming makita.
"Papunta na raw sila..."
"Sabihin mo bilisan nila... Ang babagal kumilos," Utos naman ni Charmaine- Isa pang hindi pwedeng pag-hintayin. Time is gold ang motto ng dalawang 'to.
"Ayun na sila,"
Tumayo si Jeremiah para tawagin ang dalawa.
"Dil, Dito!" Sigaw ni Jeremiah.
"Shhh... Don't shout," Saway sa kanya nang dumaan na teacher.
"Sorry, miss." Kakamot-kamot pa ito sa kanyang ulo.
"Ang babagal niyo!" Sermon sa kanila ni Ynez.
"Sorry. Ang haba ng pila," Ani Kadil.
Dumeretso na kami sa Gym dahil may Opening Program pa na gaganapin tuwing magsisimula ang school year. Required daw dahil may attendance kaya kahit tinatamad akong manood ay sumama pa rin ako sa kanila. Atsaka sure ako nanduon si Therese.
Si Kadil at Shayne ay pumunta na sa linya nila habang si Ynez naman ay sumama sa amin. Dito raw muna siya dahil hindi pa naman daw nagsisimula ang program. Si Jeremiah ay umupo sa bleachers dahil tinatamad siyang tumayo.
"Magkano yan?" Napalingon ako nang maramdamang may kumalabit sa akin.
"Huh? Ah. Wait...Meng, may bibili magkano raw 'to?" Tawag ko, lumapit naman ito sa amin.
"7 pesos. Bili ka? Masarap yan..." Pang-uuto ni Charmaine sa lalaki. Pero masarap talaga yan. Mama ko kaya nagluto niya.
"Sige... Dalawa.." Sagot naman nung lalaki. Inilagay sa supot ni Charmaine ang dalawang piraso nga turon at pagkatapos ay binigay nito iyon sa lalaki. Nagbayad naman ito at pagkatapos ay umalis na.
YOU ARE READING
Chasing With Our Hands Tied
General FictionLady Therese Ignacio was an average student, always trying to meet her mother's high expectations. In her world, failure was not an option. But despite her hard work, she failed the qualification exams for the Star Section in the upcoming school yea...