Chapter Three

17 5 0
                                    

Lady Therese Ignacio

Ang bilis nang araw. It's been one month since the class started. Iritang pero halatang concerned na nakatingin sa akin si Yvonne habang inaabot ang General Math notebook ko. Napag-aralan ko na ito kagabi pero nakalimutan ko na naman.

"Tama na yan, Day! Kanina ka pa nag-aaral," she said, pulling the notebook away.

We were currently in the lobby during our vacant period. Habang si Shahin naman ay hindi ko alam kung natutulog ba, pero nakadukdok ang ulo nito sa lamesa. Ang plano ko talaga sana ay sa library mag-aral pero bago pa ako makatanggi sa kanila ay nahila na ako ni Yvonne. Sanay naman na ako.

"Akin na, please... I really need to study, mababa ang score ko sa quiz last day." I pleaded with her.

"Mababa ba ang three mistakes? Isa ka nga sa naka highest," Maliit akong ngumiti sa kanya.

"Y-you don't understand... Kahit one mistake lang yan, it matters to me a lot."

Mistakes weren't acceptable, especially not in my mother's eyes. She always pushed me to excel academically, to pursue a future that met her standards of success. I was consumed by the drive to excel, tirelessly working to achieve top grades. I had to make up for it. I needed to be in the star section next year. I needed to make her proud. And I need to work hard kasi hindi naman ako matalino na kahit hindi mag review ay ayos lang.

"Akin na, please..." I held out my hand, asking for my notes. Yvonne sighed deeply before reluctantly returning them to me, taking a seat in front of me.

"Hindi ka ba napapagod sa kaka-aral. Ako ang nahihilo sa'yo, ante!" I heard her say. I simply shook my head. Of course, I got tired. But I had no choice. I had to study to get a high grade.

"You should study too... D-dahil mababa ang score mo kanina," I hesitated a bit, nag-dadalawang isip pa ako sa pagsabi nun, dahil baka ma offend siya. She waved her hand dismissively.

"Naku! Wag mo na ipaalala at mas lalo lang akong naiistress. Pero sige na nga, mag-aaral na rin ako. Basta turuan mo 'ko," she raised an eyebrow, and I gave her a half-hearted smile.

"Pero hindi ako marunong magturo... Saan ka ba nahirapan?" Tanong ko rito. Ngumiti siya nang pagkalaki-laki.

"Sa lahat!" Napasimangot ako sa sinabi niya dahil mukhang proud pa siya. Hindi naman ako nahihirapan pero tuwing mahaba ang problem ay medyo tagilid ako, lalo na pag mayroong fractions.

Dahil nga sa hindi ako marunong magturo ay pinabasa ko na lang sa kanya ang kanyang notes. I gave her a problem to solve as well, while I continued reading mine. I glanced at Yvonne from time to time, checking if she had finished a problem. She seemed to be struggling, scratching her head for a while now.

"Paano 'to?" Turo niya sa isang problems. Tinignan ko naman ito pagkatapos ay tinignan ko rin ang notes ko para intindihin kung papaano. Nang maintindihan ko ay tinuro ko sa kanya pero mukhang hindi niya pa rin na gets.

Her eyebrows furrowed together, and then suddenly, she dropped her head on the table.

"O-okay ka lang?" Malakas kasi ang pagkakabagsak ng ulo niya. Natatawang tumingin ito sa akin.

"Ayaw ko na. I give up! Hindi ko talaga gets... Shuta, ba't ang bobo ko?" I stiffened at what she said. Nakarinig naman ako ng tawanan sa bandang likuran ko.

"May self-awareness. Perfect!" It was followed by more laughter. "Puro achievers mga kapatid tapos siya napag-iiwanan," natatawang dagdag nito.

I wasn't sure, but it seemed like they were talking about Yvonne. Nang tinignan ko siya ay nakayuko lamang ito. Sinubukan kung kuhanin ang kanyang atensyon pero naunahan ako ni Shahin na gising na pala.

Chasing With Our Hands Tied Where stories live. Discover now