Chapter Ten

7 5 0
                                    

Psalm Conrad Blancaflor

Monday evening, pagod na pagod ako pag-uwi. Gabi na naman natapos ang practice namin. Ang daming practice yawa. Hindi na matapos-tapos ang mga gagawin. Pagod na akong mag-aral. Pagpasok ko sa bahay, nakita ko si mama na nakaupo sa sofa, tahimik at parang malalim ang iniisip. It was unusual. Kadalasan ay naglilinis siya, kung hindi ay ng ba-bake ng kung ano-ano. Something was definitely off.

"Boss?" tawag ko sa kanya. "Okay ka lang?"

Medyo nagulat siya, parang ngayon lang niya napansin na nandun ako. Ngumiti siya, pero napansin ko agad na pilit ito. "Ay, nak. Kamusta?"

"Okay lang naman," Nagkukunwaring hindi ko napansin yung lungkot sa mukha niya. "Ikaw? May problema ba?"

"Wala naman, nak. Pagod lang siguro," But I knew better. May something talaga. Hindi siya ganito kadalasan.

"Luh! Akala ko ba walang lihiman?" Ngumiti ako ng malamlam sa kanya. Sa aming pamilya, we had a rule: walang lihiman. Whatever it was, we shared it. Siya ang nag set ng rule na yun para raw alam niya ang nararamdaman namin. "Ma, kung may problema, sabihin niyo lang," sabi ko ulit, mas mahina ang boses ko ngayon.

Nakatingin ako sa kanya, hinihintay siyang magsalita. Huminga siya nang malalim, parang nag-iisip kung sasabihin ba niya o hindi. "Wala nak may narinig lang akong kwento-kwento..."

"kwento-kwento tungkol sa?" Lumapit pa ako lalo para marinig ng mabuti. May idea na ako kung tungkol saan, pero gusto ko pa ring marinig.

"Yung papa mo," halos pabulong na sabi nito "N-nakita raw nung anak ni tyay Josephine na may kasamang babae at anak,"

Hindi ako agad nakapagsalita. Matagal na 'tong chismis na ito. Siguro nasa grade 7 pa lang ako. Na may ibang pamilya si papa sa manila. May anak na raw. Tapos matindi pa rito may kaibigan ang tita ko na kapatid ni papa. May gusto ang babaeng yun kay papa at kung ano-anong sinasabi kay mama. Hindi na natapos ang issue. Pasalamat lang talaga sila at mabait ang mama ko. She's always been the type to avoid conflict, to keep the peace.

Pero sana hindi na lang siya mabait. Sana sumagot din siya minsan. Sana marunong din siyang lumaban. Hindi yung laging tahimik at nagpaparaya. Kaya minsan, kinakaya-kaya lang siya ng mga tao. Kahit ang pamilya ni Papa ay may sinasabi sa kanya, hinahayaan niya lang. Nuong sinagot-sagot ko ang mga tita ko dati dahil kung ano-ano ang tinatawag nila kay mama, na bakit umaasa lang daw ito kay papa at hindi magtrabaho, pa donya. Hindi ako nakatiis kaya sinagot ko sila. I won't just stay still if I heard you disrespect my mother. Nung nalaman ni mama ay pinagalitan niya ako. Sabi niya, ay sana hinayaan ko na lang.

Ayoko rin naman ng gulo, tulad ni Mama. Sa kanya ko namana yata yung ugali na hindi pumapatol sa gulo. Tahimik lang. Pag may naririnig na hindi maganda, hahayaan lang. I just don't have the energy or the will to fight back. It's easier to stay silent, to pretend I don't hear the whispers and the rumors. Pero ibang usapan pag si mama ang apektado.

It's frustrating sometimes, kasi gusto ko ipagtanggol si mama, pero alam kong ayaw niya ng gulo. She believes in keeping the peace, even if it means swallowing her pride and keeping quiet. Ako naman, I learned to do the same.

"Ma, chismis lang yun." Sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti. "Paano niya makikita kamo eh nasa barko si papa?"

Tumango siya, pero halata sa mata niya yung pag-aalala. "Nung ano raw bago siya sumampa sa barko. Yung bata nga raw e parang kasing edad na ni Sue."

He's a seaman, always away for work, but he loves us. I believe that. Tahimik akong tumingin sa kanya. Mahal na mahal ni Papa si Mama. Mahal niya kami. Tapos may ganitong kwento. "Ma, sigurado akong walang ibang pamilya si Papa. Mahal tayo nun. Mahal ka nun."

Chasing With Our Hands Tied Where stories live. Discover now