Psalm Conrad Blancaflor
Nagsimula lahat 'to nu'ng first year namin sa high school. RECESS. Ang favorite subject ko. Kilala ko na si Jeremiah mula pa bata pa kami. Nu'ng elementary, mula grade 1 hanggang grade 6, magkasama kami sa section 2. We had been inseparable back then. Pero nu'ng pumasok kami ng high school, napunta kami sa magkaibang klase. Kahit gano’n, pinupuntahan ko pa rin siya sa classroom niya tuwing may chance. Do’n ko siya unang nakita.
It was a regular day, typical recess time. Nagkukwentuhan kami ni Jeremiah, tawa lang kami sa mga mga walang kwentang bagay. Nakatayo ako sa may pintuan, patingin-tingin sa paligid, nang tumama ang mata ko sa kanya. Nakaupo siya sa tabi ng bintana. Her presence demanded attention, kahit hindi naman siya nagpapapansin. I couldn't take my eyes off her.
Nung una, nagagandahan lang talaga ako sa kanya. Her features were delicate, parang galing sa mga classic paintings sa mga libro. Not the Mona Lisa vibes, her beauty is more like the Portrait of Doña Isabel de Requesens y Enríquez de Cardona-Anglesola. Char. Napaka-OA.
"Sino yun?" tanong ko kay Jema, trying to sound casual habang nakatitig sa babae malapit sa bintana. Her long hair fell over her face, habang tingin nito ay nasa sketchbook. She looked so focused and so serene.
"Ah, si Lady! Matalino yan," sagot niya, not paying much attention. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
"Nakakausap mo?" Trying to get more information without seeming too interested.
"Hindi masyado. Ewan, parang may sariling mundo kasi yan. Mga seatmate niya lang kausap niya palagi. Bakit, type mo?" Napansin agad ni Jeremiah ang pagiging interested ko. "Mag hi ka, mabait yan," sulsol niya.
"Pass!" natatawang sagot ko. Sabi niya kasi matalino paano naman ako na simpleng tao lang. Simpleng tao ampota. Pero deep inside, gusto ko talaga siyang makilala.
Simula noon, lagi ko na siyang hinahanap ng tingin tuwing nasa classroom ako ni Jema. Para bang naging habit na ito. Laging ganoon, araw-araw. I wanted to talk to her, but every time I tried to gather the courage, I chickened out. Parang ang unapproachable niya kasi tignan.
Pag nga naglalaro kami sa labas ng classroom nila at halos lahat ng classmate nila sumasali siya ay nakaupo lang sa pwesto niya. Gusto ko ngayayain pero nahihiya ako. Mukha rin namang hindi siya interesado.
May kakaiba kay Therese na hindi ko ma-explain. Hindi lang dahil maganda siya, kahit na totoo namang maganda siya. Yung dedication niya sa ginagawa niya, parang wala siyang ibang iniisip. Parang hindi siya naaapektuhan ng paligid niya, basta't focus lang siya. Nakaka-fascinate. I mean, who wouldn't be attracted to someone so passionate about what they do?
Nakikita ko sa kanya yung passion na parang wala sa akin. I'm more of a jack of all trades, master of none. Mahilig akong mag-try ng iba't ibang bagay pero wala akong isang specific na bagay na pinagtutuunan ng pansin. Minsan, naiisip ko kung gaano ka-fulfilling kaya yung maging katulad niya, na parang alam na alam kung ano ang gusto sa buhay. Samantalang ako, I enjoy the freedom of trying new things, pero at the same time, parang may kulang. Siguro kaya fascinated ako sa kanya. She represents this stability, this dedication that I wish I had in my own life.
VACANT. Papunta ako sa library para mag-borrow ng libro para sa Science lesson namin na due mamaya. Kokopyahin ko lang yung lesson. Hindi naman ako usually nagsusulat pero iche-check raw kasi. Piste. Tahimik ang paligid, medyo madilim kasi nasa likod ng bagong building, natatakpan kaya medyo shadowy. Rinig ko ang mga yabag ko sa semento.
YOU ARE READING
Chasing With Our Hands Tied
General FictionLady Therese Ignacio was an average student, always trying to meet her mother's high expectations. In her world, failure was not an option. But despite her hard work, she failed the qualification exams for the Star Section in the upcoming school yea...