Chapter Twelve

7 4 0
                                    

Psalm Conrad Blancaflor

I had woken up earlier than usual. Mamayang 9 pa ang pasok ko and the clock read 6:26 AM, so technically, pwede pa akong matulog, but my body decided to be productive today. Productive?! Haha. Charot!

"Oh, gising ka na pala," bati ni Mama habang nagluluto. Naaamoy ko pa ang ginisang bawang at sibuyas, ang bango. Nakakagutom. But before anything else, kailangan kong maligo. Mauna maligo kesa kumain para mabilis matunaw ang kinain. Sabi ni mama. "Nag-prepare ako ng breakfast, maligo ka muna habang nagluluto ako."

Sabi sa inyo, eh. Yan sasabihin niya. Para mas mabilis daw matunaw ang kinain.

"Thanks, Boss," sagot ko habang dumiretso ako sa banyo. Sobrang lamig ng tubig kaya mabilis lang ako naligo. Siguro mga 20 minutes.

Paglabas ko ng banyo, nakahain na ang breakfast sa mesa. May itlog, hotdog, at sinangag. "Gisingin ko ba si Sue?" tanong ko kay Mama habang naupo ako.

"Hayaan mo na, at mamayang hapon pa naman ang pasok nuon," she replied with a small smile.

"Anak, don't think too much about what I said last night, ha?" biglang sabi ng mama niya, para bang nabasa ang iniisip niya. "Nagkausap na kami ng papa mo. And to be honest, it's nothing serious. Stress lang siguro ako kaya mabilis akong ma-aapektuhan sa mga naririnig ko ngayon."

Tumango ako ng mabagal, unsure kung paniniwalaan ko ba siya or if she was just saying that para hindi na ako mag-alala. Pero at least, it seemed like she was trying. "Okay, Ma."

"Atsaka before Christmas ay uuwi na ang papa mo," napatingin ako rito.

"Talaga?!" Tumango naman si mama. Ayos at kompleto kami sa pasko. Si mama naman ay bumalik na sa kusina dahil may piniprito pa itong lumpia. Para kay Charmaine ata. Sakto naman natapos magluto si mama ay dumating si Meng. Sina-side eye ako nito. Alam ko na nasa utak nito. Bawal ba maging early bird?!

"Ano?" Kunwaring naiinis na tanong ko sa kanya. Nang-asar na inisimiran lang ako nito.

"Kumain ka na? Kain ka," Aya ko rito. Minsan kasi hindi 'to nag be-breakfast para raw tipid. Pinapagalitan nga yan siya minsan ni Mama.

"No thank! Tapos na ako," kunwaring maldita niyang sagot. Tinignan ko siya ng seryoso.

"Pag sure gani," Minsan kasi hindi nagsasabi ng totoo 'to eh. Nahiya-hiya pa.

"Tapos na nga..."

"Alis ka na? Sabay na tayo." Patapos na rin kasi ako sa pagkain.

"Mamaya pa ako, papakainin ko pa mga nasasakupan ko," sagot ni Charmaine habang inilalagay ang lumpia sa lalagayan niya.

"Bye!" At inirapan pa ako.

By 8:00 AM, I was ready to leave. Isinabit ko na ang aking bag sa aking balikat at humalik muna kay mama bago lumabas ng bahay. I stepped outside, greeted by the crisp morning air. Since maaga pa naman, I decided to walk to school. Malapit lang naman ang school. Pwede nga ring mag shortcut eh. Pero ayaw ko mas gusto ko dumaan sa high way. Atsaka hindi ko na aantayin si Jema. Ang gago hindi ako inaantay kahapon. Bahala riyan siya. Pero seryoso tuwing first day of school lang talaga kami nagsasabay-sabay na anim.

Nakita ko pa si Kadil kaya naman tinawag ko ito. "Uy, Dil! Musta?" Nilingon ako nito at tinanguan, pagkatapos ay sumabay ng lakas sa akin.

"Same old. Ikaw, okay ka lang ba? Parang problemado ka kagabi."

Medyo nag-aalangan pa ako if sasagutin ko siya. Dapat pala hindi ko na lang siya kinamusta, charot! "Yeah, the usual. Alam mo na. Pero okay naman na," Alam na ni Kadil yun kasi minsan ay dito siya nag ku-kwento. Nagbitaw siya ng isang buntong hininga.

Chasing With Our Hands Tied Where stories live. Discover now