Chapter Fourteen

5 4 0
                                    

Psalm Conrad Blancaflor

Pagdating ko sa bahay, halos itapon ko na lang ang bag ko sa sofa. Akala mo talaga anong lamang at nag bag pa talaga. I slumped onto the couch and sighed, "Ma, nandito na ako!" sigaw ko habang tinatanggal ang sapatos ko.

Walang sumagot. Weird. I stood up, feeling a bit more curious than concerned, and made my way to their room. Walang tao. Kitchen? Wala rin. So I headed to the backyard, kasi alam ko na minsan, kahit gabi na, nandoon siya, either nagpapahangin o kaya may kausap na kapitbahay. Mga mama nila Shayne at Ynez.

Nakita ko siya agad sa may kawayang upuan, relaxed na relaxed habang pinapanood si Sue at ang kaibigan nitong si Charise na naglalaro sa madilim-dilim na bakuran. Malamig na kasi ang hangin, kaya perfect spot ‘yun para magpahinga. Sa isang tingin ko pa lang, I could tell na she was in her usual relaxed mode.

“Ma,” tawag ko sa kanya, para makuha ang atensyon nito habang dahan-dahan akong lumapit.

"Uy, anak, nandiyan ka na pala," she replied, nakangiti ito ng matamis sa akin. "Practice? Bakit parang pagod na pagod ka?”

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga, at umupo sa tabi niua. “Ma, kung alam mo lang ang kahihiyan na ginawa ko ngayon…” I said, tinakpan ko ang mukha dahil biglang nahiya na naman ulit ako. Sinong hindi nahihiya eh kung ano-ano pinagsasabi ko sa kanya. Tapos umiiwas pa. Hindi naman talaga ako dapat iiwas pero iwan ko ba parang na ano talaga ako ruon sa lalaki. Kilala pa pala ni Jeremiah yun. Dumadaan daw kasi dito sa Curvada.

“Ay nako, eto na naman tayo. Anong ginawa mong kagaguhan this time?” Kahihiyan lang naman. Grabe naman 'to.

I groaned, tinanggal ko ang kamay sa mukha para harapin siya. And I did. Sinabi ko lahat-lahat. Walang labis, walang kulang. Ewan ko ba't hindi ako nahihiya mag-open-up kay mama.

Nakinig siya ng mabuti. Malalam ang mga mata nito pero mukha naman siyang seryoso na nakikinig. Nang matapos ako ay inantay ko siyang magsalita, anything, that might help me make sense of everything.

Pero bigla siyang tumawa. Tawang-tawa. “Well, anak, at least alam mo na ngayon. Hindi mo na kailangan magtago. Hay nako, ang selos talaga, kahit walang label, nakakagulo ng buhay.”

“Huy pero wag ka crush ako nun, ma” Sabi ko rito at tumawa rin.

Umiling-iling siya at tinawanan pa ulit ako. ”Delulu na naman ang bata.”

“Seryoso, sabi niya kanina.“ pilit ko. Nilambing ko siya ulit, like a kitten seeking attention, habang siya naman ay nagpipigil ng tawa.

"Nakakatuwa ka talaga, anak," Sabi ni mama ay hinimas-himas pa nito ang buhok ko. "Pero ang importante, at least you were honest with her. Mas mabuti na ‘yun kaysa magtago ka pa ng feelings mo.”

Iniyakap ko ang kamay ko sa kanya. “Yeah, I know. Pero nakakahiya, Ma. First time ko kasi ‘to, being this close to someone na gusto ko talaga. Tapos, she’s just so… I don’t know, special? Kaya parang natataranta ako. Hindi ko alam kung ano gagawin.”

Tinignan ako nito nang may pag-uunawa, she look at me softly. “Anak, walang manual ang buhay pagdating sa ganito. Lahat tayo  nagkakamali, lalo na sa mga bagay na hindi natin masyadong alam. But what’s important is that you learn from it. Huwag kang matakot na magkamali.”

Natigil ang kwentuhan namin ng mag vibrate ang phone ko. Ngi. Akala ko si Therese, si papa lang pala. Awsus. Charot. Ni-repylan ko naman ito.

“Tumatawag daw si Pa,” sabi ko kay mama at pinakita ng message ni papa. Bumitaw naman ito sa akin at nagmamadaling pumasok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 6 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing With Our Hands Tied Where stories live. Discover now