Note: Please be informed na sa tuwing kinakausap ni Geo o ng ibang characters(na marunong ng sign language) si Ali, they're using the sign language while talking.
--
December 25, 2020
Pinaka-masayang pasko ko na yata 'to sa lahat ng paskong na-celebrate ko. I've never thought I will experience this kind of Christmas again after becoming an adult. 'Yong pakiramdam na ganito, huli kong naramdaman no'ng bata pa 'ko.
It's already midnight on the 25th of December and we're all here sa dining table ng bahay nila Tito Peter at Ali. Masaya kaming nag-uusap ng kung anu-ano, nagtatawanan. Parang sa nakalipas na isang taon, wala kaming pinagdaanan na mabigat.
Nakangiti lang ako nang malawak habang pinagmamasdan ko sila Mama, Gin, Tito Peter, at si Ali. Kapwa mga nakangiti at nakatawa ang mga mukha nila ngayon. Ang sarap nilang tingnan. Sana palagi na lang ganito.
Nadako ang paningin ko kay Ali. Ilang araw na simula nang magising siya mula sa coma. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakikita ko na ulit ang ngiti niya.
I've missed that, Ali. I've missed your smile and laugh.
Hindi niya alam kung gaano ako nagpapasalamat na gumising siya. Na bumalik siya, binalikan niya 'ko. She really kept her promise to me. I also kept mine. Hindi ko siya sinukuan. Hinintay ko siya kahit hindi ako sigurado kung kailan siya babalik o kung babalik pa ba talaga siya.
Her condition? Well, she's still sick. There's no cure for her illness, that's the sad truth that we need to accept. Hindi pa rin kami sigurado kung gagaling pa ba siya. May posibilidad ulit na mangyari ang nangyari sa kaniya at hindi kami sigurado kung makaka-survive pa ulit siya. Malaki pa rin ang posibilidad na anytime, pwede pa rin siyang kunin sa 'min.
But what's important right now is she's here. She's back. She came back to me. Hindi ko na muna iisipin at aalalahanin ang mga mangyayari sa hinaharap kasi kapag inisip ko lang nang inisip 'yon, hindi ko ma-e-enjoy 'yong ngayon. Sa ngayon, I just want to treasure this moment. I will treasure the memories that Ali and I will make. I-e-enjoy ko muna 'tong ngayon na kasama ko pa si Ali.
Kung anuman ang mangyari sa hinaharap, wala na 'kong pakialam do'n. Basta ang mahalaga sa 'kin ngayon, nandito siya. Nandito siya sa tabi ko. Gagawin ko ang lahat para hindi mawala ang ngiti niya habang kasama ko siya, habang nandito pa siya.
She wasn't really suppose to be here. Dapat nasa ospital pa siya ngayon dahil ilang araw pa lang ang nakakalipas nang magising siya sa coma ng isang taon, pero dahil ayaw naman ni Doc. Luna na mag-pasko si Ali sa ospital at lalong malungkot ay pinayagan na niya ito. Naka-wheel chair nga lang siya dahil bukod sa kakagising lang niya at mahina pa siya ay kakagising niya lang din sa isang taon na coma and she needs a leg therapy dahil isang taon na siyang nakahiga lang, but it's okay. Ang mahalaga, nandito pa rin siya.
Natapos ang dinner namin na 'yon. Umuwi na muna sila Mama at Gin kahit pa pinipigilan sila ni Tito Peter at pinipilit na sa bahay na muna nila magpalipas ng gabi.
Ako naman ay nagpaiwan muna rito dahil ang sabi ni Ali ay may regalo raw siya sa 'kin. Itinulak ko ang wheel chair kung saan siya nakaupo papunta sa isang grand piano rito sa bahay nila. Actually, napansin ko na 'to noong una kong punta rito sa kanila, pero ang akala ko noon ay display lang dahil madalas din akong makakita ng ganito sa mga bahay na ganito kalaki.
Bahagya siyang lumingon sa 'kin habang nakangiti nang makarating kami sa may tabi ng piano.
"Remember my promise to you?" Tanong niya sa 'kin.
Napatingin naman ako sa piano bago ibinalik ang tingin sa kaniya at tumango nang marahan.
"I'm going to fulfill it now."
BINABASA MO ANG
Reach The Stars (EDITING)
Romance[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in this silence where she lives. He was an artist. He has an amazing gift. He could see shades within shad...